Buhay

110 Words
Bakit kaya ang buhay ay di' pantay? Yung ibang tao ay masaya sa kanilang bahay Kasama ang kanilang mga nanay at tatay Samantalang ang ibang bata ay maagang nawawalay Bakit kaya bawat isa may kanya-kanyang problema? Simple lang yung sa iba, samantalang yung sa isa ay malala na Bakit kaya may malungkot habang may nagsasaya? Dahil ba hindi lahat ng tao ay mahalaga? Siguro kung parehas ang nangyayari sa mundo Masaya kaya tayo? O mawawalan ng saysay ang buhay ng isang tao? Kasi wala kayong nararanasang pagbabago Siguro nilikha tayo nang hindi pantay Para maging makabuluhan ang ating buhay Laging tandaan nandiyan lang siya nagbabantay At Siyang ating dakilang gabay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD