TAHIMIK ang buong bahay ng dumating ako. Dahan-dahan akong pumasok sa loob. Gusto ko lang silipin si Mommy. Nag-aalala kasi ako. Balita ko ay umalis na naman si Daddy for another business trip. Pero duda akong business trip nga talaga ang pinuntahan nito. Sumilip ako sa hardin kung saan ito ang paborito ni Mommy na tambayan kapag nasa bahay lang siya. Hindi nga ako nagkamali. Naroon siya nakaupo sa garden house at nagbabasa ng romance novel. Tahimik ko siyang pinagmasdan mula sa hindi kalayuan. Parang kinukurot ang puso ko. Lalo na ng makita ko siyang nagpahid ng luha. Napatuwid ako ng tayo. She's crying? Why? Dali-dali akong humakbang palapit sa kanya. "Mommy, are you okay?" tanong ko noong malapit na ako sa kanya. "K-Kristen. Nandito ka pala? Kanina ka pa ba?" tanong nito at pasimpleng

