NAGUGULOHAN parin si Kevin Carlos kung ano ang nangyayari at dahilan na iniiyakan ko. Pero tahimik lang niya akong niyayakap at naghihintay ng paliwanag ko sa nangyayari. Si Franki ay mukhang ayaw akong pangunahan na magsabi kung ano ang dahilan ng mga luha ko. "I don't think I have a right to tell you what's happening. It's a sensitive family matter and it's up to my cousin if she will share it with you," she explained to Kevin Carlos. Sobrang sakit para sa akin ang tagpong nakita ko kanina. Hindi ko nga alam kung gaano ako katagal na umiiyak sa dibdib ni Kevin Carlos. Parang sa isang iglap lang ay gumuho ang mundo na pinaniwalaan kong perpekto. Walang kasing sakit ang tagpong iyon para sa akin. Kaya naman sunod-sunod ang pag-agos ng mga luha ko. "I-I'm sorry," hingi ko ng paumanhin ng

