HINDI ako makatingin ng diretso sa pinsan ko. She's been teasing me the whole time. Hindi ko tuloy malunok ang kinakain ko. Naglalunch kasi kami ngayon. "Tin, masherep?" nanunudyo nanaman ang boses na bulong niya sa akin. Bigla ko tuloy nabitawan ang tinidor na hawak ko at muntikan pa akong nabulunan sa kinakain ko. Si Kevin Carlos at Noah na seryosong nag-uusap habang sa hindi kalayuan sa amin. "Frankie, can you stop it now? I told you, nothing happened," nanlalaki ang mata ko sa kanya. Pabulong din iyon para hindi marinig ng mga kasama namin sa mesa. Gusto ko sanang idagdag sabihin na "thanks to you" pero hindi ko nalang sinabi. Baka lalo lang niya akong tudyuin. "What are you talking about? I'm just asking if the hotdog on the Menudo dish tastes delicious," nakangisi nitong turan.

