KASALUKUYAN akong nag-inventory sa "Dream Mugs" ng magring ang phone ko. Kumunot ang noo ko ng tingnan ko ang screen nito dahil unknown number lang ang nakasulat na caller.
"Yes, hello?"
"Hey, my beautiful cousin it's me..." Kumunot ang noo ko ng marinig ko ang boses ng pinsan kong si Arthur. "Art? Are you out of the country?" nagtataka kong tanong.
"Yes, actually I just landed a few minutes ago. I'm here in the US."
"Huh? For how long?"
"I'm actually not sure. I'm here to fix some business problems."
"Oh, I saw tita Eliza the other day pero wala naman siyang nabanggit na aalis ka pala for US."
"I don't know. I actually have a bad feeling about this. Tin, can I ask you a favor?"
"Yah of course. What is it?"
"Please take care of Chantal while I'm away!"
"Sos, 'yon lang ba? Walang problema. Don't worry, ako ang bahala sa mahal mo," nakangiti kong sagot sa pinsan ko. "By the way, does she know that you're in the US?"
"Yes, I just called her."
"Called? Hindi rin niya alam ang pag-alis mo?"
"Nope. I did not had a chance to say goodbye in person since mabilisan ang pag-alis ko."
"What did she say?"
"Ayon, nagtatampo."
"Well, kahit naman ako magtatampo talaga."
"I know. Kaya please help me explain it to her. Promise, pagbalik ko may pasalubong ka sa akin."
Natawa ako sa sinabi ng pinsan ko. Lagi naman kasi akong may pasalubong galing sa kanya kapag nag-iibang bansa siya kahit walang favor na kapalit.
"Sige, I'll talk to her for you. Lakas mo kaya sa akin."
"Thanks, my beautiful cousin!" pasalamat nito tapos ay ibinaba na ang phone.
Halos kabababa ko palang sa tawag ni Arthur ng tumunog ulit ang phone ko.
Unknown number nanaman ulit.
"Oo na, don't worry to much ako nang bahala," turan ko sa pag-aakalang si Arthur ulit 'yon.
"Hey, Kevin here..."
Inilayo ko ang phone ko sa tainga ko at tiningnan ang screen na para bang makikita ko doon ang mukha ng caller.
"Kevin?"
"Kevin Carlos..." ulit niyang pagpapakilala.
OMG what should I say? Bakit bigla siyang tumawag? Hindi ko alam! Sobrang lakas ng kabog ng puso ko ngayon na hindi ko maintindihan. "Kristen, relax ka lang. Kaya mo 'yan! Si Kevin Carlos lang 'yan," paalala ko sa sarili ko. "Huwag na huwag kang magpapahalatang kinikilig ka sa boses niya. Kapag nagkataon---nako alam mo na." Baka mas maraming timba ng luha ang iiyak mo kaysa sa malatik mong kaibigan na sinaktan lang ng bestfriend niyang si Kenzo.
I calm myself. Breath in, breath out. Saka ko siya binalikan sa phone.
"Are you still there?" narinig kong tanong niya ng medyo matagalan bago ako sumagot.
"Y-Yes. Sorry I thought it was my cousin in the US. Unknown number kasi ang naka-register na caller."
"Yes, because I'm using an international sim card."
Na gets ko ang ibig niyang sabihin. Kadalasan sa mga bigtime businessman na katulad ni Kevin Carlos Madrigal ay international ang sim card na ginagamit nila lalo na kung may business sa iba't ibang bansa. Hassle nga naman kasi kung palagi nalang silang magpapalit ng sim card sa bawat bansa na pupuntahan nila. Isa pa, mas madali silang macontact kapag iisa lang ang number na gamit nila kahit saang bansa sila pumunta.
"How is your foot?" I heard him ask.
"My foot?" hindi ko agad nakuha ang tanong niya. "Oh yah, my foot is better, thank you for asking," saad ko ng maalala ko ang nasaktan kong paa. Shems ang sarap kasi sa tainga ng boses niya. Nakakatulala. Para tuloy akong tanga.
Malapit ko na ngang batokan ang sarili ko e.
"Where are you now?" he asked.
"Dream Mugs," I answered.
"You're working already?"
"Y-Yes. Why?" medyo natakot ako ng kaunti ng sumagot. Para kasing nagalit siya noong malaman niya na nagtatrabaho na ako matapos ang nangyari kagabi.
"Didn't the doctor tell you that your foot needs to rest and you shouldn't force to use it yet?"
"Yes but I'm fine now. Isang paa lang naman ang may deperensya sa akin. Maayos din ang dalawang kamay ko and my brain is completely fine. So I am fit to work. And my business needs me."
"F*ck." I heard him curse. "You shouldn't move your foot yet at baka lumala. Go home now and rest!"
What? Baliw ba siya para murahin ako? At sino naman siya sa tingin niya para utusan ako kung ano ang dapat at hindi ko dapat gawin sa sarili ko? Boyfriend ko ba siya? Wala naman sigurong nangyari noong isang gabi na hindi ko maalala. Pero bakit kung makapag utos na umuwi ako at magpahinga ay daig pa ang asawa? Pero, wala naman akong maalala.
"Hoy, Madrigal. Sino ka para utosan ako? Boyfriend ba kita?"
OMG! Bakit ko sinabi 'yon? Geez. Kainis! It was only in my mind pero hindi ko namalayan na lumabas pala sa bibig ko.
"No, but--"
"You see, you're not my boyfriend so you don't have a right to tell me what to do and what's not," sinadya ko na magboses naiinis para makabawi sa pagkapahiya ko.
"Well, I don't need a hard headed girlfriend who doesn't know how to listen to what I say and put herself in danger because she thinks she knows better," he said at binabaan na ako ng phone. Hindi manlang hinintay ang sagot ko.
Gago yon ah. Bastos!
Kung makaasta akala mo boyfriend ko tapos ng masita sasabihin na ayaw niya akong maging girlfriend. Sira ang toktok at ang labong kausap.
---
NANG matapos ko ang paper works ng dream Mugs at lumabas ako sa maliit kong office, nagulat ako ng makita ko kung sino ang bagong dating na customer namin ngayon at kauupo pa lamang. Walang iba kundi si Kevin Carlos. He looks beautiful as always, sexy in his signature white t-shirt. His hair is carefree and windblown. My heart tightens at the perfect view.
"What is he doing here?" I asked myself.
Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin matapos ang naging sagutan namin sa phone kanikanina lang. Kaya nagkunwari akong hindi ko siya nakita. Naglakad ako papunta sa loob ng counter at nagkunwaring may ginagawa.
Maya-maya ay pumunta sa counter ang waitress na kumuha ng order niya.
"Ma'am Kristen," tawag sa akin ng waitress na si Lani.
"Yes, Lani?"
"E Ma'am... Sabi po ni Sir, iyong customer sa table no.3 na mas hot pa sa bagong timplang kape, ikaw daw po ang gusto niyang mag serve sa kanya," kinikilig pa na turan sa akin ni Lani.
"Ako?" I pointed to myself. "Why me?"
Anong trip niya, bakit may pa VIP pa siyang nalalaman? Ang alam ko ay hindi pa kami nag-ooffer ng VIP treatment dito.
Porket ba nag-uumapaw ang kagwapuhan at kakisigan niya ay gusto niyang ang may-ari mismo ng coffee shop na 'to ang maging waitress niya? Ang swerte naman niya.
"Hindi ko po alam, Ma'am," nagkamot sa ulo si Lani. "Basta po sabi ni Sir, sabihin ko daw sayo na ikaw ang gusto niyang mag serve sa kanya."
"Nako Ma'am, nagagandahan ata sayo. Sure akong crush ka niyan Ma'am," sabat naman ni Yen, ang isa sa barista dito.
Crush my foot. I know him very well. Feeling ko ako ang napili niyang pagtripan. Naubusan na yata ng mga babaeng maloloko niya. Anong akala niya, porket may utang na loob ako sa kanya ay madali na niya akong mauuto sa mga pagpapacute niya?
Huwag ako uy!
"Tell him I'm busy," utos ko kay Lani.
Maya-maya ay bumalik ulit sa akin si Lani.
"Maam, ikaw daw po talaga ang gusto niyang magserve sa kanya."
Grrr is he kidding me? Can't he see I can't walk properly yet?
Nang tumingin ako sa direction niya ay nagkasalubong ang tingin namin dalawa. Nakataas ang kilay niya sa akin na para bang nanghahamon. Lakas talaga ng trip ng isang 'to.
Nang ibaling ko ang tingin ko sa ibang customers namin dito sa Dream Mugs. Kitang-kita ko ang kilig sa mukha ng mga babaeng customers. Kanya-kanyang pacute.
Hay nako Madrigal. Plano mo pa yatang bigyan ng heart attack ang mga customers namin dito. Baka malugi tuloy ang negosyo ko ng dahil sayo.
"Fine. I'll bring his order."
"Sure ka, Maam?" si Lani.
Tumango ako bilang sagot.
Habang naglalakad ako palapit sa kanya, hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin.
Sheems na coconcious ako sa ginagawa niya. Pero syempre ay hindi ako nagpahalata. Kahit pilay ako. Kaya ko dalhin sa kanya ang kape niya. Anong akala niya sa akin, mahina?
"Ito na po ang order mo kamahalan," nang-uuyam ko na turan habang ibinababa sa mesa ang mga order niya.
"Are you avoiding me?"
"No, I'm not," pagsisinungaling ko. Naupo ako sa bakanteng upuan sa harap niya para maniwala siyang hindi ko talaga siya iniiwasan.
"Are you sure?"
Bakit ba sa tuwing magkikita kami ay iyon lagi ang tanong niya sa akin? Ganoon ba ka obvious ang ginagawa kong pag-iwas sa kanya?
"May ginagawa talaga ako kanina. Kaso may VIP pala kaming customer na kailangan ako pa ang mag serve sa kanya," pagpaparinig ko.
"Dapat lang. In the first place I'm your hero. I saved your life. Tinulugan mo pa nga ako."
Bigla akong nakaramdam ng hiya. Oo nga pala. Utang na loob ko pala sa kanya kung bakit virgin pa ako ngayon. Kung hindi siya dumating baka hindi lang ang virginity ko ang nawala sa akin. Who know kung ano pang balak gawin sa akin ng manyak na Castro na 'yon. Tapos ako pa itong nagsusungit sa kanya ngayon imbes na magpasalamat.
"I'm sorry, hindi ko sinasadyang makatulog. Binuhat mo pa daw ako papunta sa kwarto ko sabi ni Yaya." Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.
"Did your yaya tell you, I was also the one who changed your clothes?"