Chapter 3 - Part 2

2038 Words
HINDI niya ako tinanong kung saan niya ako ihahatid. So iniisip ko na sa Condo ko sa "Empire Palace" niya ako ihahatid kagabi kung saan dati kaming magkapit bahay. Kaya naman laking gulat ko ng paggising ko ay hindi sa kwarto ko sa Condo ako naroon kundi sa mansion ng parents ko. "Awww." Napaigik ako ng makaramdam ako ng sakit sa paa ko. Niyuko ko ito at napangiwi ako ng makita ko ang medyo pamamaga nito. Ganoon pa man ay nagpapasalamat parin ako at ganito lang ang inabot ko. Paano nalang kung hindi dumating si Kevin Carlos? Thanks God! Hindi natuloy ang manyak na Castro na yon sa balak niyang masama sa akin. Hanggang ngayon ay kinikilabutan parin ako maalala ko pa lang ang manyak na itsura ni Castro. Inayos ko ang sarili ko at bumaba na ng kwarto ko. "Good morning, Kristen,” bati sa akin ni yaya Martha. Siya ang yaya ko mula pa noong sanggol ako kaya para ko narin siyang pangalawang nanay. Dahil malaki na ako at hindi ko na kailangan ng yaya siya ang pumalit bilang mayordoma dito sa mansion noong magretiro ang dating naming mayordoma. "Morning, Yaya,” ganting bati ko at yumakap dito. "Ahmmm---" medyo nag-alangan akong itanong kung paano akong nakarating sa kwarto ko. Pero curious talaga akong malaman. "Ya, alam mo po ba kung paano---" Nakita ko ang pagngiti ni Yaya Martha. "May gwapong binata na naghatid sayo kagabi. Nakatulog ka daw kaya binuhat ka na niya papunta sa kwarto mo." "Binuhat po?" gulat na tanong ko. "Oo. Masarap daw ang tulog mo at hindi ka na niya ginising." Biglang namula ang mukha ko sa isipin na buhat-buhat ako ni Madrigal papunta sa kwarto ko kagabi. "Hindi ko alam na may boyfriend ka na pala, hija..." nasa boses nito ang pagtatampo. "Ay nako, wala pa po akong boyfriend yaya." "E sino 'yong gwapong naghatid sayo kagabi?" "Nako hindi ko po 'yon boyfriend. Kakilala ko lang po 'yon yaya. Nagkataon na nasa party din siya kagabi at nagmagandang loob na ihatid ako dahil nga sa nangyari sa paa ko. Natapilok kasi ako doon sa party. Eh diba hindi nga kasi ako sanay na magsuot ng mataas na heels. Tapos sinamahan niya narin ako doon sa kakilala niyang doctor para matingnan ang paa ko." Ipinakita ko pa ang benda sa paa ko. Mukhang hindi kumbinsido si Yaya Martha ng ngumiti. “Bakit mukhang defensive ka? Saka bakit naman kailangan ka pang iatid eh diba at may driver ka namang kasama kagabi?”  “Yaya, kasi nga sinamahan nga niya ako doon sa kilala niyang doctor.” “Sabi mo eh. Tsaka okay lang naman kung boyfriend mo ‘yon. Nasa Tamang edad ka narin naman. Normal lang kung magkakaboyfriend ka na.”  “Ay nako, Yaya. Kapag iyon ang naging boyfriend ko buong barangay ang magiging karibal ko doon kaya huwag nalang.”   “Alam mo okay lang naman kung marking babae ang nagkakagusto sa kanya. Syempre ang mga ganoong itsura ay habulin talaga ng chicks. Pero ang mahalaga doon ay dapat nasayo lang ang tingin niya.”  “Kaso nga po ay hindi. Wala pong gusto sa akin iyon. Nagmagandang loob talaga siya kagabi.” “Kuh, sa ganda mong iyan? Imposible.” Napangiti ako sa sinabi ni yaya. “Talaga naman. Ikaw parin talaga ang number one kong tagahanga.” Sabay yakap sa kanya. “Siyempre ah. Ikaw yata ang prinsesa ko. Magbibreakfast ka pa ba o hintayin mo na itong tanghalian na niluluto namin?" tanong nito. "What are you cooking?" "Kare-kare, garlic shrimps at Paella. May pinaihaw din akong mga isda at iba't ibang klase ng sea foods." "Bakit po marami naman yata?" "Request ni Michael. May mga bisita siya at naroon sila ngayon sa pool side." "Ganoon po ba. Sasabay nalang po ako mag lunch sa kanila,” turan ko at nagtimpla ng sarili kong kape. "Okay sige, sandali narin naman itong niluluto namin." Matapos kong magtimpla ng kape ay sinilip ko sila Michael sa pool area. "Hey sis,” bati sa akin ni Michael na lumapit ng makita ako. "Hey baby boy,” ranting bati ko dito at ginulo ang basa niyang buhok. "Hi guys..." bati ko sa ilang binata at dalaga na nagkakasayahan. "Hello ate Tin…” halos sabay sabay na kumaway at bati rin nila sa akin. Ang ilan sa kanila ay pamilyar na sa akin. Ilang beses ko na rin kasi silang nakita dito. "Ate I'm not a boy anymore. Binata na ako. You see her..." itinuturo nito ang isang magandang dalaga sa isang side ng swimming pool. "Syota ko ‘yan,” nagmamalaki na turan niya. "I don't care. You're still my baby boy." Sumama ang mukha niya sa sinabi ko na tinawanan ko lang. "How was the party last night?" he asked after a while. Ako naman ang sumama ang mukha. "Boring. You know that it's not my cup of tea." Hindi na niya kailangan malaman pa ang muntikan na kapahamakan na nangyari sa akin. "Did you see Matthew Lambert?" curious niyang tanong. Hindi na ako magtataka kung kasama itong bunso kong kapatid sa planong pagreto ng pamilya ko kay Matthew Lambert sa akin.Tumango lang ako sa tanong niya. "And? What do you think of him?" “He is okay.” "Anong okay? Do you like him? Nililigawan ka na ba? Sasagutin mo ba siya? Magkaka boyfriend ka na ba?" sunod-sunod niyang tanong. Muntikan na tuloy akong nabilaukan sa iniinom kong kape. Mga tanong naman kasi parang atat na atat akong ipamigay. Binatukan ko nga. "Bakit ba feeling ko atat kang ipamigay ako?" Ngumiti siya na naging dahilan ng paglabas ng biloy niya sa isang pisngi. Bagay na mas lalong nagpapapogi lalo sa kanya. "Hindi naman sa ganoon, ate. Natatakot lang ako na tuluyan ka nang maging matandang dalaga. Sayang naman ang magandang lahi natin." "Hello, I just turned twenty-five. Sa panahon ngayon bata pa 'yon para matawag na matandang dalaga noh. At ikaw ha, kung anu-ano na pumapasok sa isip mo. Baby ka pa! You should know your limits, okay? Huwag mo muna iisipin ang pagpaparami ng lahi." Sinamaan niya ako ng tingin. "Ano ba 'yan siya. Ako na naman... Bahala ka na nga diyan. Magpaka old maid ka kung gusto mo," asar na iniwan niya ako at bumalik sa mga kaibigan niya. Napailing ako. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang ay baby pa siya. Naalala ko pa noon na lagi akong excited na umuwi galing sa eskwela para makita at makarga siya. Ngayon ay may girlfriend na. Balak pa nga yata unahan mag-asawa si kuya Lucas. Which I hope not! Like what I said, he's still my baby boy. But anyway, I have to give Mrs. Lambert a call. Nakakahiya naman, hindi ko manlang nagawang magpaalam kagabi dahil sa nangyari. Ayaw ko naman kasing gumawa ng eksena sa harap ng maraming tao lalo at maraming nagkalat na press people sa party ng mag-asawa. Alam kong hindi maganda ang muntikan nang nangyari sa akin kagabi at nararapat na maparusahan ang manyak na Castro na ‘yon. Pero kailangan kong palampasin. Like what people say, I'm Thomas global's princess. Tiyak na pagpipyestahan ng press ang buhay ko kapag umabot sa kanila ang muntikan nang nangyari sa akin. Minsan kasi kung sino pa ang biktima madalas siya pa ang lumalabas na masama sa mata ng mga taong mapanghusga kahit hindi naman alam ang puno at dulo ng pangyayari. Isa pa baka atakihin sa puso ang Daddy ko kapag nakarating pa ito sa kanya. "Good morning, Mrs. Lambert... Kristen, here,” bati at pagpapakilala ko ng marinig ko ang boses ni Mrs. Lambert. "Oh Kristen, ikaw pala,” nasa boses nito ang kagalakan ng malaman na ako ang nasa linya. "Tumawag po ako para humingi ng paumanhin dahil hindi ako nakapag paalam sa inyo kagabi." "What happened? May ginawa bang hindi maganda si Matthew?" nasa boses nito ang pag-aalala. "Ay hindi po. Personal po ang dahilan kaya hindi na ako nakapag paalam noong umalis ako." "Oh, I was a bit worried when I found out that you already left the party without bidding goodbye. I thought Matthew offended you in some way. You know, he lived alone in Canada and the culture there is different from ours here,” she explained. "Don't worry po it was nothing about Matthew. Personal lang po talaga." "That's good to know, Kristen." "Sige po, have a good day po." "You too." Kabababa ko palang ng telepono ng lapitan ako ng isa sa mga katulong. "Miss Kristen, may lalaki pong naghahanap sainyo." Kumunot ang noo ko. Wala naman akong inaasahan na bisita lalo at lalaki. "Ano daw ang pangalan?" "Gwapo po siya tsaka matangkad, tapos macho din po siya,” kinikilig na description nito sa lalaki. Kaloka tong si Manang! "Hindi ko naman tinatanong kung ano ang hitsura. Ang tanong ko ay kung ano ang pangalan?" "Ay hindi ko po natanong e." "What? Nagpapasok ka ng lalaki na hindi mo kilala at hindi mo manlang tinanong kung anong pangalan?" Nagkamot ito sa ulo. "Hala, nawala po sa isip ko. Nakakatuliro po kasi sa sobrang gwapo. Gusto mo po itanong ko ang pangalan?" Walang hiya. Sana lang walang grupo ng mga gwapo ng salisi gang kundi ay isa na kami sa mapapasok ng walang kahirap-hirap dahil dito sa katulong namin. "Huwag na, ako nalang. Bumalik ka nalang sa ginagawa mo." Pipilay-pilay akong naglakad papunta sa visitor's area kung saan naroon daw naghihintay ang lalaking naghahanap sa akin. Sino kaya? Aaminin ko, bigla akong nakaramdam ng excitement. Baka si--- Ngunit disappointment ang naramdaman ko ng hindi ang inaasahan kong tao ang makita kong naghihintay sa akin. "Matthew?" Yes it's Matthew Lambert. Gwapong-gwapo sa suot nitong button-downs with the sleeves rolled up. Kaya naman pala ganoon nalang ang reaction ng katulong namin kanina. Makalaglag panty nga naman talaga ito. "Hey, Tin." Salubong niya sa akin sabay abot ng bouquet of fresh flowers. “Thanks," pasasalamat ko sa bigay niyang bulaklak. "What brought you here?" I asked when we're already both seated "You left without a word last night. I've got worried. Have I said something unconsciously that offended you?" nasa boses niya ang pag-aalala. "No, no... You did nothing wrong." I gave him a smile to assure him. "Oh, thanks God,” para siyang nabunutan ng tinik. "What happened to your foot?" he asked when he saw my injured foot. "Well, this is the reason I had to leave last night. I was walking near the seaside... hindi ko namalayan may nakaharang na malaking sanga na naging dahilan ng pagkadapa ko." It's not a lie, it was really what happened, it's just that I escaped the part with Castro. Hindi na niya kailangan pang malaman. Ayaw ko nang palakihin pa ang nangyari at gusto ko nalang kalimutan ang bungungot na 'yon. "Oh. You should have told me. Sana nasamahan kita." "I'm sorry I should have called earlier, sana hindi mo na kinailangan pang pumunta pa rito." "I'm glad I came. I got a chance to see you again." "What does it mean?" walang ligoy kong tanong. Mabuti na ang malinaw sa pa flower ni mayor, sabi pa nga ng mga nababasa ko. "I like you Kristen!" I was a few seconds speechless. I was not sure how to react to his confession. It was so sudden, I was not prepared. Ayaw kong maniwala. Sa tingin ko ay napipreasure lang siya sa gusto ng mga magulang namin. "Don't you think it's too early for you to say that? If you're doing this to give our parents---" "I know it will be hard for you to believe, but I like you even before. I just did not make a move because I know that you're that kind of girl who should be kept, but I wasn't ready yet. When I saw you again last night, I realized I still like you and it's stronger than before. And now I'm ready to settle down if it would be you, Kristen." Geez. How do I answer that? Grabe naman kasi. Pinagpawisan ako ng malagkit. "You don't have to answer it now, Kristen. I'm willing to wait up to that time that you'll like me too,” dagdag niya noong hindi ako agad nakapagsalita.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD