KADARATING ko lang sa Condo unit ko ng tumunog ang doorbell. Nagulat ako ng makita ko ang Mommy ko ng sumilip ako sa peephole. Agad kong binuksan ang pinto. "Mom, you did not tell me that your coming today," turan ko sa kanya matapos humalik sa pisngi niya. "Do I have to ask permission first before I can visit my own daughter?" kunway may pagtatampo sa boses nito. "That's not what I meant, Mommy." "Alan, pakilagay mo na 'yang box dito sa loob at hintayin mo nalang ako sa baba," utos niya sa family driver namin. Mabilis naman na tumalima si Manong Alan at sinunod ang sinabi ni Mommy. "What's that, Mommy?" tanong ko ng makalabas na si Manong Alan at maiwan kami ni Mommy. "Isn't it obvious? It's a dress and shoes for you," she answered. "What I mean is what's that for?" "A dress for

