SOBRANG awang-awa ako sa bestfriend kong si Chantal. Kasalukuyan kaming nasa isang mall ng makatanggap ito ng masamang balita. Inatake daw sa puso ang ama nito at isinugod sa ospital. Wala kaming sinayang na oras at mabilis kaming pumunta sa ospital para alamin ang kalagayan ng daddy niya. Pagdating namin sa ospital na pinagdalhan sa kay Mr. Valdez ay hindi na namin ito naabutang buhay. Hindi manlang nabigyan si Chantal ng pagkakataon na makausap ang daddy niya sa huling pagkakataon. Ilang sandali naman pagkatapos bawian ng buhay ang Daddy niya ay ang mommy naman niya na kasalukuyang pitong buwan na buntis ang nag-agaw buhay kasama narin ang baby sa sinapupunan nito dahil sa wala sa oras na panganganak. Nasa menopausal stage na kasi ito at sobrang selan ng pagbubuntis. Pakiramdam ko a

