Chapter 2 - Part 2

2229 Words
PAGLABAS ko mula sa powder room ay napagdesisyunan kong maglakad-lakad sa  may kalayuan na bahagi ng lawn kung saan hindi na masyadong naririnig ang ingay ng mga tao. I need to sit somewhere silent and have some fresh air. Bigla kasing sumakit ang ulo ko. Nalasing yata ako agad doon sa Champaign na ininom ko kanina. Paano ay hindi naman kasi ako sanay sa alak. Kape at milk tea lang ang  sanay akong inumin. I also feel the pain on my feet from my six inches high heels. And most especially, pagod na talaga ako makipag sosyalan. Wala naman kasing iba na pinag-uusapan ang mga tao dito kundi businesses and achievements nila sa buhay. Iyong mga medyo kaedaran ko na  babaeng mga bisita dito ay nagpapasikatan naman like how expensive their bags, shoes, jewelries, cars and which countries they usually go for shopping. Nakakaboring sa totoo lang. Mahilig din naman ako sa mga ganoon pero hindi ko na kailangan ikwento pa kung ano ang mga halaga at kung saan ko binibili. Mayroon naman iba na nagpapasikatan ng boyfriend. Kung gaano ka gwapo, kayaman and etc. Duh... Hindi naman sa bitter ako kasi NBSB ako o no boyfriend since birth pero parang personal na bagay na 'yon. At para sa akin kung mag-share man ako ng ganoon ay sa mga closest friends ko lang siguro. And guess what? Ang karamihan sa mga girls dito ay nagpapaunahan kung paano makukuha ang attention ng tinatawag nilang best catch bachelor of the night. At walang iba 'yon kundi ang isa sa miyembro ng Billionaire's Club at half Italian  devil-may-care casanova na si Kevin Carlos Madrigal. Well I cannot blame them. Best catch naman talaga siya among all the guy guests here and I admit it. Hindi lang naman kasi siya sobrang yaman kundi sobrang hot and yummy naman talaga sabi pa nga ng mga naririnig kong kumento ng mga kadalagahan pati narin ang ibang mga DALA na. May narinig pa nga akong nagsabi na kahit one night stand lang daw ay game siya basta't si Kevin Carlos. Luh! Desperada lang ang peg? Iyong mga guy naman nagpapayabangan kong ano na ang mga naabot nila sa buhay. Like how big are there bank accounts. Iilan lang yata sa mga nakilala at nakausap ko dito ang matino at may sense kausap. Hay nako, no comment na ngalang. It's their life and they're none of my business. All I want to do now is to rest my feet. Masakit na talaga ang mga paa ko. Hindi naman kasi ako mahilig mag high heels. Nag high heels lang ako kapag may mga ganitong okasyon. Mas gusto ko talaga ang flat shoes lang kasi mas mabilis kumilos at komportable sa paa. Habang naglalakad ako ay bigla nalang akong bumangga sa malapad na dibdib ng isang lalaki. Muntikan na akong natumba mabuti nalang at agad akong nakakuha ng balance. "I'm sorry," agad kong hingi ng paumanhin dahil sa sobrang lutang ko ay hindi ko siya napansin. His face looks familiar but I'm not sure where I have seen him before. "You're forgiven, Miss beautiful," he said with a naughty grin. Medyo nangilabot ako ng titigan ako ng lalaki lalo na ng tumigil ang tingin nito sa nakalitaw na bahagi ng dibdib ko. Tiningnan ko siya ng masama para iparating na hindi ako natutuwa sa ginawa niya. "Ohh. I'm just appreciating the beauty in front of me," turan ng lalaki sa malisyusong paraan. Mukhang nakainom din siya. Kaya siguro nasa puson na yata ang utak niya. Hindi na ako nagsalita at tinalikuran ko nalang siya. Wala akong oras sa na patulan ang mga bastos na katulad niya. Minsan talaga ang mga hayop ay hindi lang sa gubat nakikita. Marami din sa siyudad at nagpapanggap lang na tao kahit ang totoo ay tsonggo. On my way, I saw Kevin Carlos talking to a vaguely familiar woman, tall and slender with dark blonde hair and mile-long legs shown off in a tight silver dress. He was facing sideways from my direction so I had time to look at him without him knowing. His expression is irresistible, a combination of boredom and mystery that only some guys can pull off. He looks perfect in his dark blue tuxedo. He still hasn't noticed me. His eyes are on his date and I don't blame him. By now, I've placed her face. She's a famous Brazilian model and she's beautiful. Exactly his type. My heart caught in my throat, filled with the familiar, bittersweet ache I feel whenever I see him with someone else.   Shake it off Tin! I told myself. Nagpatuloy na ako ng paglalakad hanggang sa makarating ako sa isang garden bench. May kalayuan sa mga tao. Agad akong naupo at nagtanggal ng sapatos. Ginalaw-galaw ko ang aking mga paa para maibsan ang sakit. I was playing my feet on the Bermuda grass when I heard Kevin Carlos' voice a few steps away from me. "What are you doing here alone?" I didn't know he saw and followed me here. I thought he was busy with his date and flirting with the other girls.   "Just resting my feet," sagot ko at niyuko ulit ang mga paa ko na ngayon ay hinayaan ko lang itapak sa damuhan ng walang sapin. "Why are you alone? Where's Matthew? He shouldn't let you alone here." Nagkibit ako ng mga balikat. "Why not?" "Because a beautiful woman like you shouldn't be alone here in the dark." This is not the first time I heard him complimenting me and it flatterers me every time. I'm just a girl and it's normal I guess to feel that way, especially when it's coming from a man like Kevin Carlos. Pero syempre ay hindi ko pwedeng ipahalata. Buti nalang at magaling ako sa larong taguan ng feelings. Kung may award nga sa kategoryang 'yon ay baka ako ang champion. "It could be dangerous for you, you know..." he added. "Nothing will happen to me here," I said. "This place is private." Oo at medyo may katahimikan sa kinaroroonan namin ngunit hindi naman ganun ka dilim na hindi mapapansin kung sakali mang may magtangka ng masama sa akin dito. Isa pa private resort ito at hindi lang naman kung sino-sinong tao ang mga bisita sa party kaya maraming nakakalat na security sa paligid. "Danger can be anywhere." Danger is right in front of me. I wanted to tell him but then I chose to shut up. Nagkibit nalang ako ng balikat. "And you, what are you doing here?" "I was looking for you." "You were looking for me?" I asked, pointing myself. "Why?" "I noticed that you're avoiding me," he said in a silent voice but it still reached me. So, napansin niya pala na iniiwasan ko siya. Akala ko pa naman magaling ako sa taguan ng feelings. Mukhang mas magaling pala siya sa hulihan ng feelings. Char! "Why would I do that? I have no reason to avoid you," I denied. Syempre hindi ko naman aaminin sa kanya na iniiwasan ko siya noh. Alam niyo kung bakit? Dahil mas takot ako sa sarili kong damdamin kaysa sa kanya. Because Kevin Carlos Madrigal was my childhood crush and no one knows about it. I've liked him ever since I first saw him a decade ago and even up until now. Kahit ang tagal na panahon ko siyang hindi nakita pero ganoon parin talaga ang epekto niya sa akin kapag nakikita ko siya. Ang pagkakaiba lang, mas marunong na akong mag control ng emosyon ko  ngayon. "May I?" he asked pointing at the space on the bench where I am sitting. "Sure," Umusog ako para bigyan siya ng space. Kahit nasa dulong bahagi na ako ng garden bench sa laking tao ni Kevin Carlos ay halos magkadikit na kami. It's making me uncomfortable. "Are you cold?" he asked when he noticed me hugging myself with my arms. "A little, but I'm fine." Tumayo siya at sa gulat ko ay hinubad niya ang coat niya at ipinatong niya sa balikat ko. "Here, wear this..." "You don't have to--" ibabalik ko sana sa kanya ngunit pinilit niya iyon sa akin. "Leave it, you might get sick."  I felt the concern from his voice kaya hinayaan ko nalang. Ang totoo naman talaga ay nagsisimula na akong makaramdam ng lamig. Ilang sandaling katahimikan. Mukhang pareho kaming nagpapakiramdaman. "Are you mad at me?" he asked after a while. Sandali akong nagulohan sa tanong niya. "Why would I?" I asked him back. "You refused my dinner invitation. And I can see that you're avoiding me tonight. Is it still because of what happened between Kenzo and Chantal?" "Of course not," I denied. "It's been how long---two years? Everyone has moved on. Chantal is now happy with my cousin Arthur. So there is no reason for me to be mad at you now, right?" Tumango-tango siya. "So, why are you avoiding me?" I look up in the sky. "What makes you think I'm avoiding you?" "I just noticed it," he said with a smile on his gorgeous face. Hindi ko maiwasan na hindi siya tingnan. Does he really know how his smile melts anyone's heart? I asked myself. God his charm is so lethal and I find it so unfair. The longer I look at him the more I find him so attractive. Not to mention he smells so damn good too. Umiwas ako ng tingin sa kanya at ibinaling nalang ang pansin ko sa kalangitan. Dahil baka hindi ako makapagpigil at bigyan ko ng malaking kahihiyan ang sarili ko. "Ang ganda ng mga bituin at ang ganda ng bilog na bilog na buwan noh?" turan ko habang nakatingala sa langit. "Yeh, beautiful!" he said. Nang tumingin ako sa kanya ay sa akin naman pala siya nakatingin. I blushed thinking that the compliment was for me. "Is there something between you and Matthew?" he asked after a while. Nagkibit lang ako ng balikat. Hindi ko naman kasi alam kung paano talaga sasagutin ang tanong niya. "Do you like him?" Nagkibit ulit ako ng balikat. "He's nice and gentleman not to mention good-looking too." "Meaning?" "I don't know... It takes time for me to like a guy. And I am not even sure if he likes me. Our parents are the ones pushing us together." "I think he likes you." "What makes you think that he likes me?" "I'm a man too. It's difficult for any man not to like you." Dahil sa sinabi niya ay bigla akong napatingin muli sa direction niya. Our eyes meet. Does it mean he likes me too? "D-Do you like---" "Hey Kevin, I been looking for you. Nandito ka lang pala." Boses iyon ng isang babae na palapit sa direction namin. Hindi ko siya kilala at hindi rin siya ang nakita kung kasama ni Kevin Carlos kanina. Hindi ko alam kung matutuwa ako at magpapasalamat sa babae sa bigla niyang pagsulpot o maiinis. She came at the right moment! "Your girlfriend is calling you," I said when he did not even bother to look at the girl's direction. "I don't have a girlfriend. I don't do such things," he said. So I was right, he's still the same old Kevin Carlos Madrigal. The guy who hates commitment. "Kevin, I was calling for you. Hindi mo ba ako narinig?" pabebe na reklamo ng babae ng makalapit sa amin. "Kanina pa kita hinahanap, my parents wants to meet you." Bigla pa niyang hinila patayo sa kinauupuan nito si Kevin Carlos na para bang aagawan ko siya kung magtatagal pa itong nakaupo sa tabi ko. Hindi ko tuloy naiwasan magtaas ng kilay. "Kristen this Charlotte a close friend," pagpapakilala niya sa babae. "Charlotte this is Kristen." Tumayo ako sa inuupuan ko at inabot ko ang kamay ko ngunit tiningnan lang ito ni Charlotte. Tseh! Akala naman kung sinong maganda. Kasing tulis naman ng takong ng sapatos ko ang baba niya. Nagkibit nalang ako ng balikat. "Let's go. Kanina ka pa hinahanap sa akin nila Daddy," saad nito na halos ipulupot na yata ang katawan kay Kevin Carlos. Minsan talaga hindi nabibili ng pera ang class. Bumalik ako sa pagkakaupo. Hindi rin naman ako interesadong makilala siya. I was just being polite. "Are you okay here?" Lingon sa akin ni Kevin Carlos. "Yah, of course!" I answered. "I think it's better if you'll go back. It's getting late and you're alone here," he said with a concern in his voice. Nakita ko ang pag-irap sa akin ni Charlotte. "I'm fine. I can take care of myself." "Let's go Kevin, she said she can take care of herself." Hinubad ko ang coat niya na suot ko mukha kasing isa iyon sa dahilan kung bakit masama ang tingin sa akin noong Charlotte. "Your coat---" "You can have it," he said. "Don't go farther. I'll be back," bilin niya sa akin bago sila umalis. Tinanaw ko nalang ang papalayong likod nila. Gusto ko sanang batukan ang sarili ko. Ang rupok ko! Muntikan na akong makapagbitiw ng salita na siguradong pagsisihan ko sa huli. As I said, Kevin Carlos Madrigal haven't change. Ginagawa niya parin laruan ang mga babae. No commitment just fun hanggat hindi pa niya pinagsasawaan. At ang babaeng lumapit sa amin ay malamang ang flavor of the month niya o baka nga flavor of the night. "Huwag kang marupok, Kristen. Masasaktan ka lang, alam mo 'yan!" paalala ko sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD