HABANG naglalakad-lakad ako sa may dalampasigan ay hindi ko namalayan na medyo malayo na pala ang nilakad ko. Ang ganda naman kasi pagmasdan ng dagat sa ilalim ng buwan at mga bituin. Napakapayapa ng mga alon na humahampas sa dalampasigan. Natutuwa din akong itapak ang mga paa ko sa pino at puting buhangin. Para akong bata na ngayon lang pinayagan ng magulang na maglaro sa labas.
Huminto ako sa paglalakad ng may maramdaman ako na parang may sumusunod sa akin. Nang lingunin ko ay nakita ko ang isang lalaki mga sampung hakbang ang layo mula sa kinatatayuan ko. Bigla akong napaatras ng hakbang. Syempre ay nakaramdam ako ng takot lalo at ngayon ko lang napansin na medyo malayo-layo na pala ako mula sa pinanggalingan ko kanina. Kung may gagawing masama sa akin ang kung sino man ang lalaking ito na nakasunod sa akin. Sigurado mahihirapan akong makahingi ng tulong.
"Hi, Miss beautiful,” bati ng lalaki sa akin.
The voice sounds familiar, especially the way he called me.
Napaatras ulit ako ng makita ko siyang humakbang palapit sa akin.
"Who are you? Why are you following me?” tinapangan ko ang boses ko. Hindi ko pwedeng ipahalata sa kanya na natatakot ako sa kanya.
Hinigpitan ko ang hawak ko sa sapatos ko na bitbit ko sa kamay. Ibabato ko talaga to sa kanya kapag nagtangka siyang gawan ako ng masama.
"You're alone here. You did not enjoy the party?" he asked.
Sa hitsura ng pananamit ng lalaki ay sigurado akong isa rin siya sa mga bisita sa party nila Mrs. Lambert. Medyo nakahinga ako ng maluwag. Mga edukado ang mga bisita sa party ng mag-asawa. Mga taong nabibilang sa upper class.
"Ahmm I did. I just had a little walk. Actually I'm with someone. He will be coming back soon,” I lied.
Nakita kong humakbang ulit siya palapit sa akin.
"How about we make use of your time while waiting?" turan niya sa akin na ngayon ay mga tatlong hakang nalang yata ang layo mula sa akin.
Muli akong nakaramdam ng takot. Sigurado akong may malisya ang mga sinabi niya.
Pasimple kong inikot ang tingin ko sa paligid. Mapapalayo lang ako masyado kung ipagpapatuloy ko ang direction na tinutungo ko kanina.
"Sorry... I have to go back, baka hinihintay na ako ng kasama ko.” Naglakad ako pabalik.
Bago pa man ako lumampas sa kanya ay hinawakan niya ako sa braso at hinatak pabalik.
"Not so fast, Miss beautiful."
Ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko.
"Ano ba. Let me go!"
Tinawanan niya lang ako. I'm not sure but I think he is high on something. He don’t sound normal. Nakakairita run and pagtawag-tawag Nina sa akin ng Miss beautiful.
"I'm bored, stay with me for awhile. I need some entertainment..." hinila niya pa ako lalo palapit sa kanya.
Sinubukan kong kumawala sa kanya. Dahil sa paghihilaan namin sa braso ko ay natanggal ang coat na nakasabit sa balikat ko. Lalo pang nagmukhang ulol na aso ang lalaki na naglalaway sa buto ng makita ang makinis kong balat.
He grabbed me closer. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang nagbabagang pagnanasa niya sa katawan ko.
"Huwag kang mag-alala, Miss beautiful... paliligayahin naman kita. Alam mo bang kanina pa talaga ako natatakam sayo?" bulong niya sa may punong tainga ko.
Kinilabutan ako sa pandidiri sa kanya. Pakiramdam ko ay kakapit ang amoy niya sa akin sa sobrang lapit ng bibig niya sa balat ko. Kadiri talaga!
"Mister, kung sino ka man. Ang alak ay inilalagay sa tiyan at hindi sa puson."
Ngayon na nakita ko ang mukha niya mula sa sinag ng buwan sa langit, naalala ko nang siya ang lalaking bastos na nakabanggaan ko rin kanina.
"Oh come-on. Don't play hard to get. I know your kind, Miss beautiful. Kilala ko ang mga galawan niyong high class prostitute. Hindi ba kumagat sa presyo mo ang dalawang bilyonaryong kausap mo kanina? Name your price, I'll pay."
Gago pala 'to he. Pinagkamalan pa akong prostitute.
"Kung sino ka man nagkakamali ka. Kung totoo man na may mga babae ditong ganoon, I'm not one of them!" I tried to pushed him away.
Ngunit malaki ang katawan niya di hamak kaysa sa akin at malakas rin siya. Parang baliwala ngalang ang lakas ko kompara sa kanya.
"Don't try too hard, Miss beautiful. Masasaktan ka lang. Kung ako sayo huwag mong sayangin ang lakas mo. Samahan mo nalang akong biyaheng langit. Mag-eenjoy ka na. Bibigyan pa kita ng malaking tip depende sa performance mo."
Argh! Ang baho talaga ng hininga niya. Pakiramdam ko ay mahihimatay na ako sa amoy palang ng bibig niya. Paano niyang nasasabing langit ang pagdadalhan niya sa akin kung sa amoy palang ng hininga niya ay impyerno na ang pakiramdam ko?
Ang totoo, may pera ba talaga siya? Bakit mukhang kahit toothpaste at toothbrush ay namahalan yata siyang bumili?
"Let go of my hand!" natatakot na talaga ako. Hindi na ito biro. Seryoso talaga siya sa kung ano man ang balak niyang gawin sa akin. Pero mamamatay na muna ako bago niya magawa ang binabalak niya sa akin.
"Ikaw naman Miss maganda. Gusto lang naman kitang paligayahin. Magaling akong mag romansa. Titirik ang mata mo sa sarap. Hahaha..."
Ang lakas ng tawa ng animal. Akala mo ay wala ng bukas. Ang sarap ipalunok sa kanya ang sarili niyang itlog para matauhan.
"Langit talaga? Eh mukha mo palang mukha nang impyerno! Tsaka bibig mo amoy inidorong hindi nilinisan ng isang taon. Sana manlang nagmumog ka ng Clorox bago ka umattend ng party.“
Sumama ang mukha niya sa sinabi ko. "Suplada mo ah. Akala mo kung sino kang maganda! Kung hindi ko pa alam ay pinagsawaan narin naman 'yang katawan mo ni Lambert at Madrigal, right? Huwag kang mag-alala, hindi man ako kasing yaman nila... isa naman ang sigurado ako. Kaya kitang paligayahin at dalhin sa langit higit sa kaya nilang gawin sayo."
“Bakit mo ba pinagpipilitan sa akin ang salitang langit eh mukha mo palang mukha na ni kamatayan.” Lalo akong nagpumiglas na makawala sa kanya kahit pakiramdam ko ay kulang nalang humiwalay na ang braso ko sa katawan ko dahil sa pakikipagtulakan sa kanya.
“Ang talas-talas ng bibig mo rin noh? Tingnan lang natin kung hanggang saan ang tapang mo.” Pinipilit niya akong kinabig palapit sa kanya para halikan.
Kadiri! Dumapo ang labi niya sa balat ko sa leeg. s**t, baka may rabies pa ang asong ulol na ‘to.
Hindi ko talaga matatanggap kong ang isang tulad niya lang ang magiging first kiss ko at mas lalong hindi ko matatanggap kong siya lang ang makikinabang sa pinakaiingat-ingatan kong p********e.
"Bitawan mo sabi ako!" ibinuhos ko ang lakas ko sa pagsipa sa kanya.
Nabitawan niya ako. Kaagad kong pinulot ang sapatos ko na nabitawan ko kanina. Binato ko iyon sa kanya ng malakas. Sapol siya sa mukha. Tapos ay kumaripas na ako ng takbo. Hindi ako papayag na magtagumpay siya sa binabalak niya sa katawan ko. Hindi ko iningatan ang sarili ko para lang mapunta sa kamay ng maniac na katulad niya.
"Palaban ka ha... I like it! Nakakasawa na ang mga babaeng kusang tumitihaya. Mas lalo mo akong pinag-iinit! Lalo tuloy akong natatakam sayo,” turan niya habang hinahabol niya ako.
"Diyos ko po! Tulungan mo po ako. Huwag niyo po akong pabayaan mapahamak sa kamay ng isang hayop,” dalangin ko sa Diyos.
Akala ko ay mabilis na akong tumakbo ngunit mas mabilis pa rin talaga siya kaysa sa akin at naabutan niya ako.
"Huli ka balbon…" tumatawa niya pang turan ng mahawakan niya ang damit ko sa likod.
"Let me go!" Sapagsisikap ko na makawala ay kinalmot ko siya sa mukha.
"Abat ang sakit noon ah!" nabitiwan niya ako at dinama ang nasaktan na bahagi ng mukha niya.
Muli akong tumakbo palayo sa kanya.
"Aba't lintik kang babae ka. Ginagalit mo talaga ako ha." Muli niya akong hinabol.
Sa kamalas malasan ay natisod ako sa isang malaking sanga ng kahoy na mukhang inanod mula sa dagat. Naging dahilan iyon ng pagkadapa ko. Sobrang sakit ng paa ko. Pakiramdam ko ay may napilipit na ugat kaya hindi ako nakatayo kaagad.
“Help! Tulong, tulungan niyo ako!" sumigaw ako ng malakas abot sa makakaya ko kahit alam ko na imposibleng may makarinig sa akin mula sa party dahil sa malakas na tugtog.
Nang makita ko na ilang hakbang nalang sa akin ang maniac na lalaki ay naitakip ko na lang ang aking mga palad sa mata ko. Wala na. Lagot na ako! Mukhang hindi ko na talaga siya matatakasan. Ito na ba ang katapusan ko?
Ngunit wala. Hindi nakalapit sa akin ang mamang rapist. Inalis ko ang kamay kong nakatakip sa mukha para suriin kung saan na siya nagpunta. Pagtingin ko ay tamang bumabagsak ang katawan niya sa buhanginan.
Napatili ako sa pagkagulat. May isa pang lalaki akong nakita na siyang sumuntok sa rapist kaya siya natumba. Mas matangkad ang lalaking bagong dating kaysa sa mamang rapist. His body is well-built. Sa bawat pagtama ng suntok nito ay naririnig ko ang paghiyaw ng mamang rapist sa sakit. Hindi manlang nito magawang makaganti mula sa pananakit ng bagong dating na lalaki.
"Dito mo pa talaga napiling magkalat ng kamanyakan mo, Castro?” sabay suntok ulit nito sa mukha ng mamang rapist.
"Mind your own business, Madrigal,” anang lalaki ng sa wakas ay bitiwan ito.
"I could kill you now, damn bastard!"
His voice was so familiar. Nang humarap siya sa akin at makita ko ang mukha niya mula sa sinag ng buwan at mga bituin. Nakita ko ang galit na mukha ni Kevin Carlos.
Yes, I was right! The guy who rescued me was Kevin Carlos. Thank God he came. I'm safe now! Dininig ng Diyos ang dasal ko.
"Huwag kang makialam dito, Madrigal. Syota ko 'yan!" pagsisinungaling ng manyak na mama. Nakita ko siyang nakatayo na mula sa pagkakatumba nito kanina habang hawak ang nasaktan nitong panga.
"N-No, I don't know him at all!" agad kong turan. Nanginginig ang baba ko sa takot.
“Come-on, my love. Hindi naman kailangan umabot sa ganito ang pagseselos mo,” umaarte pa ang lalaking maniac.
"No, no no... I really don't know that guy,” sunod-sunod ang naging pag-iling ko. "H-He attempted to rape me."
Muli siyang nilapitan ni Kevin Carlos at kwenelyohan sabay bitaw ng isang suntok sa tagiliran. Napaigik sa sakit ang mamang manyak.
"Do you think I'm idiot to believe you?" said Kevin Carlos. "The next time you make up a story, make sure it's convincing." Naniningkit ang mga mata nito sa galit sabay pakawala ng isa pang suntok sa mukha noong maniac na lalaki.
"Araayyy... " daing ko ng maramdaman ko ang sakit sa binti ko ng subukan kong tumayo.
Nilingon aka ni Kevin Carlos. Patulak nitong binitawan yong mamang manyak pasadsad sa buhanginan at nilapitan ako para alalayan.
"Are you hurt? Did he hurt you?" naramdaman ko ang pinaghalong pag-aalala at galit sa boses niya. Parang kapag sinabi kong nasaktan ako ay mapapatay niya ang mamang maniac.
"M-My legs..."
“Damn," mura niya.
"Babagsak ka rin sa mga kamay ko, babae ka! Tandaan mo 'yan. At ikaw Madrigal, hindi pa tayo tapos. Napaka pakialamero mo talaga kahit kailan. May araw ka rin sa akin. Tandaan mo 'yan,” narinig kong bantang turan noong mamang maniac bago ito tumakbo palayo sa amin na halos pagapang dahil sa mga suntok na natamo mula kay Kevin Carlos.
Hahabulin sana ito ni Kevin Carlos ngunit pinigilan ko siya sa braso.
"Tama na. Please take me out of here!"
"Are you okay? Can you walk?"
"I-I'm okay!" sagot ko kahit pakiramdam ko ay nanginginig pa ang mga tuhod ko sa takot. Paano na lang kung hindi siya dumating? Baka kung ano na ang nagawa ng manyak na lalaki na iyon sa akin.
“What the hell are you thinking, Kristen? Why did you come here alone? Why didn't you listen to me?”
"I've lost track. I-I was just having a walk. I---"
"A walk? My goodness, Kristen! Are you even thinking? You've almost got yourself raped. I told you earlier not to go far from where the people are but you did not listen to me. Paano kung hindi ako dumating? Baka may masama nang nangyari sayo dahil sa katigasan ng ulo mo.”
Hindi ko alam pero bakit parang mas natatakot ako sa galit na itsura ni Kevin Carlos ngayon kaysa sa muntikan nang nangyari na kapahamakan sa akin sa kamay noong manyak na Castro kanina?
Bigla ko nalang naramdaman ang pagkabasa ng mukha ko dahil sa pag-agos ng pinipigilan kong mga luha kanina. Parang ngayon pa lang lubos na nag sisink-in sa utak ko ang muntik nang nangyari sa akin.
"s**t, s**t s**t!" sunod-sunod naman na mura ni Kevin Carlos sabay sabunot sa sariling buhok. “Women,” dagdag pa nito.
Binitawan niya ako sabay tumalikod tapos humarap ulit. Inihilamos ang isang palad sa mukha. Anino hindi alam ang gagawin niya sa akin.
"Will you stop crying?"
Nakita ko ang pagkalito sa mga mata niya. Parang galit na parang takot na parang confuse. Iwan, hindi ko maipaliwanag.
"You're a-angry..." medyo may hikbi kong turan.
"I am not,” he denied.
Hindi daw galit pero halata naman sa hitsura at pananalita niya.
"Y-You're shouting at me..."
Takot na nga ako sa muntik nang nangyari sa akin tapos ngayon sinisigawan niya pa ako.
"Fine, I am mad. Who wouldn't be? You did not listen to me. You put yourself in danger."
Mas lalo pa akong naiyak. Bakit naman kasi hindi ako nakinig sa kanya. Binalaan na niya ako kanina na huwag lalayo. Pero hindi ako nakinig. Masyado akong nagtiwala na safe ang lugar. Pero hindi ko naman kasi inakala na may nakawala palang hayop dito.
Lumapit siya sa akin. "Please, stop the tears now,” mababa na ang boses na wika niya. "You know, I can fight with ten big man but I don't know how to handle a crying woman, he admitted pagkatapos ay kinabig niya ako palapit sa kanya at ikinulong sa malapad niyang dibdib.
Iyon lang naman talaga ang hinihintay ko. For him to comfort me and make me feel safe. And I do feel safe in his arms. It's as if no one can hurt me with him around.
"Shhh. I am not mad at you. You just got me worried, sweetheart,” he whispered.