Chapter 4 - Part 2

1800 Words
NILAPITAN ko si Chantal ng makita ko siyang nakaupo sa paborito niyang pwesto dito sa Dream Mugs. Sa tabi iyon ng dingding na salamin kung saan tanaw ang mga taong dumadaan. "Bes, nandito ka pala. Bakit hindi mo ako pinuntahan sa sa loob?" tanong ko at bumeso sa kanya. "I did not want to disturb you. Tatambay lang naman ako dito e,"she said smiling. "What happened to your foot?" tanong nito ng makitang pilay ako maglakad. "I sprained my ankle but it's a lot better now." Kibit balikat ko. I did not told her what almost happened to me sa party na dinaluhan ko. Mag-aalala lang siya. "By the way Art called me---" "Don't try to reason out about your cousin, bes." I saw sadness in her eyes, but she tried to hide it from me. Naupo ako sa bakanteng upuan sa harap niya. "Bes, nagtatampo ka parin ba sa pinsan ko?" "Sino ba naman ang hindi magtatampo sa kanya? Umalis siya ng hindi manlang nagpapaalam ng maayos sa akin. Kung ikaw ba matutuwa ka?" Naiintindihan ko ang side ni Chantal. Kahit nga naman sinong girlfriend ay magtatampo rin kung umalis ang boyfriend mo papuntang ibang bansa ng hindi manlang personal na nakapagpaalam sayo. "I'm sure hindi niya rin naman gusto na hindi nakapag paalam sayo." "I'm sorry bes ha. Sometimes I doubt if your cousin really loves me." Nagulat ako sa sinabi ni Chantal. Hindi ko alam na pinagdududahan pala niya ang pagmamahal ng pinsan ko sa kanya. I thought she was secure, but it seems that I was wrong. "Why do you think so?" I asked. "I don't think kaya niya akong ipaglaban sa pamilya niya," bakas sa boses nito ang lungkot.   I did not know what to say. Alam ko kasi may basihan ang sinasabi ni Chantal. Kapatid ng Mommy ko si tita Eliza at close ako sa mga pinsan ko kaya alam na alam ko kung gaano siya ka control freak sa mga anak niya at lalo na kay Art na siyang panganay sa tatlong magkakapatid. At alam ko rin na hindi niya gusto na si Chantal ang makatuluyan ni Art. Which I don't understand why. Chantal is a nice girl. Wala akong maisip na dahilan kung bakit ayaw ng tita ko sa kanya. "Art loves you so much, Bes. No doubt about that." "I know naman. Minsan lang talaga nakakapraning lalo ngayon na hindi manlang niya masabi sa akin kung kailan ang balik niya. Hindi ko maiwas na mag-isip na gusto siyang ilayo sa akin ng family niya." "Don't think too much. Basta ako butong boto ako sayo para sa pinsan ko." Dahil sa sinabi ko ay nakita kong ngumiti si Chantal. "Huwag na nga natin pag-usapan ang pinsan mo. Lalo lang akong napapraning," anito at pinagpatuloy ang pagbubuklat ng high society magazine na binabasa nito kanina. Nahinto ito sa paglipat ng pahina ng may makitang familiar na mukha. Nakakunot ang noo na sinisipat nitong mabuti kung ano man ang tinitingnan nito tapos ay tumingin sa akin tapos ay sa magazine ulit. "Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" "Is this you?"tanong niya sa akin sabay turo sa babaeng nasa pahina ng gossip magazine. Nakaside view ito kaya hindi masyadong kita ang mukha. Habang kitang kita naman ang mukha ng lalaking nakaalalay dito. At iyon ay walang iba kundi si Kevin Carlos Madrigal. Sa sobrang galing kumuha ng angle ng kung sino man ang kumuha sa picture nagmukhang may intimate na relasyon ang dalawang nasa litrato. Biglang kumabog ang aking dibdib ng makilala ko ang aking sarili. Ang nasabing larawan ay kuha noong gabi ng wedding anniversary ng mag asawang Lambert. Jeez! Paano hindi ko napansin na kinukunan pala kami ng litrato? Mabuti nalang talaga at hindi masyadong halata ang mukha ko. At basi sa kuha sa picture, itong 'yong time na tinutulungan akong maiupo ni Madrigal sa passengers seat ng kotse nito matapos ang muntikan ko nang pagkapahamak sa kamay noong Castro. "Filipino-Italian member of "The Billionaire's Club" and jewelry king, Kevin Carlos Madrigal spotted in Mr. and Mrs. Lambert's wedding anniversary with a mystery woman. Is this a sign that the eligible billionaire bachelor is going off the market?" basa ni Chantal sa caption sa ibaba ng larawan. Then she looked at me. "No, it's not you. Why would you be with Kevin? You just have similarities," she answered her question. "I know, right?" patay malisya kong saad. Hindi ko alam kung bakit hindi ko inamin sa kanya na ako ang nasa litrato. Hindi lang siguro ako komportable na pag-usapan si Kevin Carlos. "Right. And I know you, you won't jump into the arms of that devil-may-care casanova. Pareho lang din 'yan sa ugali ng bestfriend niya, paasa. May mga tanga lang talagang babae na nagkakagusto parin sa kanila kahit alam naman nila na wala silang mapapala. "   Napalunok ako bigla ng sarili kong laway. Ano nalang kaya ang iisipin ni Chantal kapag nalaman niyang ako talaga ang babae sa larawan at isa rin ako sa mga babae tanga na sinasabi niyang may gusto kay Kevin Carlos? Ang pagkakaiba lang, I haven't jump into Kevin Carlos bed. Not yet.   ---   ABALA akong tumutulong sa pagserve ng mga orders sa isang grupo ng anim na kalalakihan. Base sa mga suot at ilang mga dokumento na nasa mesa ay mukhang trabaho ang pinag-uusapan nila at dito sa "Dream Mugs" nila napiling magmeeting. Karamihan talaga sa mga costumers namin dito ay mga nag oopisina. Nakakataba lang sa puso na dito nila napipiling ganapin ang mga business meetings nila. Iyon naman talaga ang target customers namin dito dahil nga ang mga kapit bahay namin ay mga opisina ng malalaking negosyo. "If I'm not mistaken, you're the owner here, right?" kausap sa akin ng isang lalaki sa grupo. Sa tingin ko ay hindi nalalayo ang edad naming dalawa. Ngumiti ako. "Yes, I own this place," palakaibigan kong sagot. "Your place is really nice. I like the ambiance, it's relaxing and your products here are great." Nakakataba sa puso na makarinig ng mga ganitong positive comments galing mismo sa mga customers namin. "For sure from now on, I will be a regular here. I'll also recommend this place to my office mates and friends," he added. "Oh, wow. I'll be thankful if you do!" nakangiti kong pasasalamat. Malaking tulong sa marketing namin ang word of mouth mula sa mga satisfied customers ng Dream Mugs. Iyon bang sa mismong satisfied customer talaga manggagaling ang recommendation para maka attract ng mas marami pang customers. Kaya naman sa bawat customer na pumapasok dito sa "Dream Mugs" ay sinisigurado namin na masaya sa serbisyo at nasasarapan sa produktong binili nila. "Gino Alejandro by the way," pagpapakilala niya. "I'm the marketing manager of Datacom and they are my co-workers." Ang Datacom ay isang call center company na hindi kalayuan dito sa Dream Mugs. "Kristen Thomas," pagpapakilala ko naman at tinanggap ko ang pakikipag kamay niya. "Thomas? How are you related to the Thomas Global?"  banggit niya sa pangalang ng kumpanya ni Daddy at pinapatakbo nilang dalawa ni kuya Lucas. Hindi ko na nasagot ang tanong niya dahil nabaling ang attention ko sa lalaking palapit sa amin. Nag-iisang linya ang mga kilay nito habang palapit sa akin. "Patay ako, bumalik siya!" sa isip-isip ko. Subconsciously, bigla kong binawi ang kamay ko na hawak pa pala noong Gino nang mapansin kong doon nakatingin si Kevin Carlos. "E-Excuse me." paalam ko at lumayo na sa grupo. Sinalubong ko si Madrigal. "W-Why are you here again?" tanong ko noong makalapit siya sa akin. Medyo nautal pa ako dahil sa pagkabog ng dibdib ko. Para akong magnanakaw na nahuli sa akto kahit wala naman akong ginagawang masama. "Hindi ba dapat ako ang magtanong sayo niyan? Ano pang ginagawa mo dito? Haven't I told you to go home earlier? Look at your foot, it got worse!" Pagtingin ko sa paa ko ay nagulat pa ako ng makita kong mas namamaga nga iyon ngayon kaysa kanina. Hindi ko iyon napansin dahil marami akong ginagawa kanina. Hindi ko nagawang umuwi at iwan ang mga empleyado ko sa gitna ng maraming costumers na kailangan maasikaso. Nararamdaman ko ang kirot ng paa ko kanina pero hindi ko pinansin. Patuloy lang ako sa mga ginagawa ko. "What were you thinking?" nasa boses nito ang pagkayamot. "Will you lower your voice, nakakahiya sa mga customers," saway ko sa kanya. Nasa amin kasi ang attention ng halos lahat ng mga customers. "I was so busy I did not have time to notice my foot," paliwanag ko. "How is that possible? Manhid ka ba at hindi mo manlang naramdaman?" "Hindi naman kasi siya sumasakit kanina." Tiningnan niya ako sa anyong hindi naniniwala. Umiwas ako ng tingin. "Find yourself a seat. I'll get you something to drink." Anyong tatalikod na ako ng pigilan niya ang kamay ko. "No. We're leaving. And I mean NOW!" Hala saan niya ako dadalhin? Tototohanin niya ba ang banta niya sa akin kanina na hindi lang paa ko ang mamamaga? "W-Where are we going?" Hindi niya ako sinagot bagkos ay sumenyas siya sa isa sa waitress na lumapit. "Can you bring me her things?" "Sige po, Sir." Sunod naman dito ni Iris na akala mo ay ito ang amo nito at hindi ako. "Hindi ako sasama sayo." "Yes, you will. Hindi oobra sa akin ang tigas ng ulo mo ngayon." "Ito na po, Sir." Abot ni Iris ng mga gamit ko kay Kevin Carlos. "Thank you." pasalamat niya dito. "Let's go." Harap naman niya sa akin habang hawak sa isang kamay nito ang bag ko. Aangal pa sana ako ngunit  alam kong hindi ako mananalo sa pagkakataong ito lalo at pinagtitinginan na talaga kami ng mga customers dito. "Iris kayo na ang bahalang dito ha," bilin ko. "Okay po, Ma'am," sagot nito, nasa mukha ang pinipigilang kilig habang nakatingin kay Kevin Carlos. Nang makarating na kami sa parking area ng Dream Mugs agad kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin. "I'm not coming with you. Give me my bag, I'm going home now." I really can't go with him. I don't trust myself. I feel so weak whenever I'm near him. "How? You cannot drive in your foot state right now." "I'll take a taxi." "No way," he said. "I cannot allow you to do that." "Why not? I took a taxi today going to work and why can't I do that now?" "Because I said so." Ang labo niyang kausap sa totoo lang. "Bakit ang dami mo naman yatang oras at pati ang pagiging driver ko ay gusto mo na rin yatang mag-apply?" "Actually, I don't have luxurious time to waste. Do you even realize that I might be losing Millions now just because I choose to be here with you?" "What? Are you crazy?" "I think I am. Nababaliw na yata  ako sayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD