Chapter 24 Biglang bumalik sa dati ang buhay ko. Ibig sabihin nun, hinihila ulit ako ni Joy para sabayan siyang mag-cutting. Kinukulit niya na ako ulit. Kaya naman minsan ay nase-stress ako kapag nakikita ang mga score ko. Hindi na rin kasi ako nakakapag-aral masyado. Pero kumpara noon, hindi na ganoon kabigat ang loob ko. "Ang OA mo, ha," sabi pa ni Joy nang minsa'y nagpunta kami sa mall para samahan siyang mag-arcade. "Hindi kaya..." "Quiz lang 'yan. Hindi naman grades ang basehan ng buhay." "Pero iyon ang basehan para makapasok ako sa Med school." Nahinto siya sa pagsho-shoot ng bola at tumingin sa 'kin. "Seryoso ka talaga dyan sa pagdo-doktor mo?" Tumango ako. "Ba't gusto mong maging doktor?" Nagpatuloy na ulit siya sa pagsho-shoot. "Nakaka-stress kaya 'yan. Nakaka-pangit."

