Chapter 25 Warning: SPG. Violence. Theme. Language. * * * 4 years ago... "Sandali lang naman tayo Joy, eh," sabay hila ng isa sa mga kaibigan ko. "Ikamamatay mo ba 'yan, ha?" I rolled my eyes and sighed. "Next time na lang, okay? Libre ko kayo sa arcade." Pilit silang tumango. Nagpaalam na ako at sumakay na ng taxi papunta sa bahay. Alas-tres pa lamang nang pinakawalan kami ng teacher. Gusto ko namang sumama, pero pagod ako. I also have this feeling that I need to go home. 'Tsaka day off ngayon ni Daddy. Madalas lang kaming magkasama kaya naman susulitin ko na. "Maraming salamat, po," sabi ko sa driver pagkakuha ko sa sukli. Pumasok na ako sa gate at kaagad nahinto nang marinig ang boses ni Mama. "You're at it again! Ilang beses ba kitang pinagsabihan?" I closed my eyes and si

