Chapter 26 Sa totoo lang, hindi naman talaga ako nahihirapan sa exam. Minsan, nagdadalawang-isip, pero hindi talaga ako umabot sa punto na walang mai-sagot. Kagaya nga ng lagi kong sinasabi, daig ko pa ang boyscout sa paghahanda. Pero parang bumagsak yata an tuhod ko nang marinig ang balita mula kay Ninang. Pagkaalis niya, kaagad akong napaupo at pinakiramdaman ang sarili. Masakit sa loob na mula kay Ninang ko pa talaga nalaman ang tungkol sa nangyari. Sumasakit ang dibdib ko habang inaalala kung ano ang naranasan ni Joy. Hindi ko akalain na ganoon pala kalala. Hindi ko rin maintindihan kung anong nangyayari. Anong ibig sabihin sa pagkaka-ospital ulit ni Joy? Ba't nataranta si Ninang? Pumikit ako at nag-inhale-exhale, lihim na nagdadasal na sana okay lang siya. Pero lumilipad ng isip

