Chapter 27 Hindi ako tanga para 'di makita ang totoo niyang ngiti nang makita ako. Kaagad niya kasi iyong pinalitan ng simangot. "Para sa 'kin ba 'yan?" tukoy niya sa bouquet. "Ah, oo..." "'Yan lang? Walang pagkain?" Umiling ako. "Ang useless mo naman. Mapapakinabangan ko ba 'yang bulaklak mo? Tss." Okay lang bang sabihin na masaya ako kasi masungit pa rin siya? Iba kasi ang inasahan ko. Umupo ako sa stall na nasa tabi ng kama niya. "Hindi ako baliw, okay..." aniya at tumingin muli sa aklat na hawak. Pinagmasdan ko lang siya. "Naniniwala ako sa 'yo." "Ba't mo pala nalaman na nandito ako?" "Alam ko lang." "Ah." Tumingin siya sa 'kin. "Dahil ba sa ninang mo? Si Imelda?" Nagkunot-noo ako, kinakabahan. "Ba't mo alam 'yan." "Alam ko lang," aniya at nagkibit-balikat bago ibinalik ang

