Ang bulwagan ng law office ay malamig. Hindi dahil sa aircon kundi sa presensya ng mga taong hindi tumatawa. Lahat pormal. Tahimik. Kahit ang click ng heels ko parang ayaw gumalaw. Nilamon ako ng polong marmol at glass walls. Doon ko lang napagtanto kung gaano ako ka-out of place. Suot ko pa rin ang luma kong blouse at lumang slacks na pilit kong sinuklay para bumango gamit ang coconut-scented cologne.
Sa harap ko, may receptionist na naka-black pencil skirt at crisp white blouse. Tiningnan niya lang ako saglit, tapos nagtuloy ulit sa pagta-type. Hindi na ako nagtaka. Hindi naman ako mukhang client. Mukha akong... charity case.
“Clara Evangelista?” tanong niya, malamig.
Tumango ako. “Opo.”
“Tuloy ka sa conference room. I’ll inform Atty. Ilustre.”
Sinundan ko ang direksyon niya. Sa likod ng mga glass panels, kita ko ang isang mahabang lamesa, may apat na leather chairs, isang pitcher ng tubig, at isang folder na may pangalan ko.
Pagkaupo ko, napansin ko ang camera sa taas. CCTV. Saksi ang bawat kisapmata sa lugar na 'to.
Maya-maya pa, bumukas ang pinto.
Isang lalaki ang pumasok. Matangkad. Kulay-kape ang balat, mapipino ang features, at may suot na three-piece suit na mas mahal pa sa sahod ng tatlong buwan ng isang guro. Tumigil siya sa harap ng table. Hindi siya ngumiti. Hindi rin ako inasikaso gaya ng mga normal na abugado sa TV.
“Miss Evangelista. I’m Attorney Ivan Ilustre. I’m here to facilitate the legal terms on behalf of my client.” Umupo siya. Binuksan ang folder. “Do you have any questions before we proceed?”
Saka ko lang naramdaman ang t***k ng puso ko sa tenga ko. Hindi pa man nagsisimula, parang may bumabara na sa lalamunan ko.
“Ano pong pangalan ng magiging asawa ko?”
Napatingin siya sa akin. Tahimik. Seryoso.
“Hindi pa siya kailangang makilala sa ngayon. Sa araw mismo ng kasal, doon mo lang siya makikita.”
Napakunot ang noo ko. “Hindi po ba ako pwedeng pumili?”
“Hindi ito romantic arrangement. This is a legal one.”
“Paano kung... hindi ko siya gusto?”
“Hindi mo kailangang gustuhin. Kailangan mo lang pirmahan ang kasunduan. You live under the same roof. You follow his security rules. Pero walang physical obligation. Unless… mutually consensual.”
Namilog ang mata ko. “Ano pong trabaho niya?”
Tahimik ulit si Attorney Ilustre.
Pero sa saglit na pag-alis ng kanyang tingin, may sinabi na ang katawan niya na hindi niya kayang banggitin.
“Powerful. Dangerous. And extremely private,” sagot niya.
Hindi ko alam kung dapat akong matakot o ma-curious.
Binuksan niya ang isa pang sobre at inabot sa akin. “This is the proof of deposit. Two million. Your brother’s hospital bills will be settled by today. The remaining balance will be wired the moment you sign the contract.”
Dahan-dahan kong kinuha ang sobre. May resibo. May bank confirmation. Totoo.
Lumingon ako sa baso ng tubig sa harapan ko. Nanginginig ang daliri ko habang nilalaro ang condensation sa gilid.
“Bakit ako?”
Nag-angat siya ng tingin. “Napili ka. Sapat na ‘yon.”
“Paano kung tumanggi ako?”
“Then the opportunity is withdrawn permanently. The money vanishes. And your brother...” Naputol ang sasabihin niya pero sapat na. Sapat na para kumirot ang puso ko. Sapat na para tuluyang mawala ang alinlangan.
Bumuntong-hininga ako. Sa tagal ko nang umaasa sa awa ng mundo, ngayon lang ako inabutan ng offer na walang kasamang panghuhusga. Kundi panganib.
Tumingin ako sa papel sa mesa. Hawak ko ang ballpen. At hawak ng taong hindi ko pa nakikilala ang kinabukasan ng pamilya ko.
Sa mabigat na tinig, bumulong ako.
“Kailan ang kasal?”
Sa Loob ng Limousine – The Next Day
Walang kaalam-alam si Mama. Ang sabi ko lang, may nag-sponsor sa lahat. Hindi ko kinaya ang magpaliwanag. Hindi pa ngayon.
Suot ko ang isang cream-colored na silk dress. Simpleng wedding dress na hindi mukhang bride, kundi parang formal party attire. Walang bulaklak. Walang belo. Walang sinuman kundi ako, isang saksi, at ang lalaking pakakasalan ko sa loob ng sampung minuto.
Nasa loob ako ng limousine, papunta sa private property sa Antipolo. Wala akong cellphone. Kinuha nila. Confidential daw. For my protection, sabi nila.
Sa bintana, tanaw ko ang lumulubog na araw. Ginto’t dugo ang kulay ng langit. Parang babala.
Hanggang sa tumigil ang sasakyan sa harap ng malaking gate.
Sinalubong ako ng dalawang lalaking naka-itim. May ear piece. Security.
“Welcome to Valderama Estate.”
Napalingon ako.
Valderama? Parang narinig ko na 'yon.
Pero bago ko pa matuloy mag-isip, bumukas ang pinto ng mansion. At sa loob ng hallway, sa liwanag ng chandelier, nakita ko siyang nakatayo.
Ang lalaking ikakasal ko.
Matangkad. Naka-black suit. Walang ngiti. Walang emosyon. Isang tingin pa lang...
...alam kong hindi ordinaryo ang lalaking ito.
Tumigil ako sa may pinto ng grand hallway. Lahat ng ingay sa paligid, tila nilamon ng katahimikan. Maging ang t***k ng puso ko, parang bumagal. Humigpit ang pagkakahawak ko sa laylayan ng dress ko habang pinagmamasdan siya ang lalaking pakakasalan ko sa araw na ito.
Matangkad. Maputi. Matalim ang panga. Ang postura niya'y parang hindi sanay ngumiti. Nakasuot siya ng itim na tuxedo na bagay na bagay sa kanyang broad shoulders at matikas na tindig. Pero ang pinaka-nakakagimbal?
Yung mga mata.
Malamig. Mapagmasid. Para bang kahit hindi siya magsalita, kaya niyang iparamdam kung gaano ka-konti ang alam ko tungkol sa mundo. Sa mundong ginagalawan niya.
“Ikaw si Clara Evangelista?” tanong niya, diretsong tono, parang ayaw mag-aksaya ng salita.
Tumango ako, bagama’t bahagyang nanginginig.
“Good. Let’s get this over with.”
Tinalikuran niya ako at tumuloy sa maliit na silid sa gilid ng hallway. Sinundan ko siya, tahimik lang. Walang bulaklak. Walang altar. Walang kaibigan. Isang hukom lang ang naroon, kasamang nakatayo ang abogadong si Atty. Ilustre at dalawang lalaki sa itim na pormal na barong mga saksi raw.
Tila business deal lang talaga ito.
“Maghawak kayo ng kamay,” utos ng hukom.
Nag-aalangan akong itaas ang kamay ko. Pero inabot niya 'yon. Mainit ang palad niya malaking contrast sa malamig na presensyang taglay niya.
“Magsisimula na tayo,” ani hukom. “Mr. Valderama, do you take Clara Evangelista to be your lawful wedded wife”
“Affirmative,” malamig na sagot niya.
Parang hindi nga “I do” ang binigkas niya, kundi “Permission granted.”
Hindi ko alam kung mapapatawa ako o matatakot.
Ako naman.
“Ms. Evangelista, do you take Lucien Valderama”
Lucien.
Yun pala ang pangalan niya.
Lucien.
Valderama.
Hindi lang basta pamilyar. Narinig ko na ang apelyidong 'yon sa mga balita. Mga kaso. Mga imbestigasyon. Mga sindikato.
Pero bakit ngayon ko lang ‘to narealize?
“Ms. Evangelista?”
Naputol ang iniisip ko.
Tumango ako. “Opo.”
At doon, parang may tumunog na invisible lock sa paligid namin. Tapos na.
Pagkatapos ng Kasal
Walang reception. Walang halik. Walang kahit anong emosyon. Dinala ako ni Lucien sa loob ng silid sa ikalawang palapag ng mansion. Ang silid na magiging “amin” daw mula ngayon.
“Dito ka titira. Walang lalabas ng gate nang walang pahintulot ko. Huwag kang makikialam sa anumang maririnig mo. Huwag kang magtatanong kung hindi ko gustong sumagot. At higit sa lahat…”
Napalingon siya sa akin. Nakatingin siya diretso sa mga mata ko. Mas malapit na siya ngayon. Sapat para maamoy ko ang mamahaling cologne niya, may halong spice at yosi.
“…kung gusto mong mabuhay nang tahimik, matutong manahimik.”
Hinagis niya ang isang cellphone sa kama. “Walang sim. Pang-loob lang. Gusto mo ng pagkain, tumawag ka sa staff. You’re not a prisoner, but don’t test me.”
Tumalikod siya. Tumigil sa may pinto. Ngunit bago tuluyang lumabas, nagsalita siya ng dahan-dahan, halos bulong.
“Sa labas ng pamilyang ‘to, Clara, ikaw ay isang alamat. Isang pantasya.”
Napakunot ang noo ko. “Ano pong ibig ninyong sabihin?”
Ngunit tumawa lang siya, malamig. “Wala. Magpahinga ka. Bukas, magsisimula ka nang mamuhay bilang asawa ng halimaw.”
At tuluyan siyang nawala sa pinto.
Sa Loob ng Kwarto
Hindi ko napigilang mapaupo sa gilid ng kama. Nangangatog ang tuhod ko. Tiningnan ko ang paligid masyado itong elegante para sa katulad kong simpleng babae. May chandelier. May vanity mirror. May walk-in closet na punong-puno ng designer clothes lahat may pangalan ko sa tag.
Masyado akong sinakal ng tanong:
Bakit ako?
Anong totoo sa likod ng pangalang Valderama?
At sinong halimaw ba talaga si Lucien?