Tahimik lang ako habang pinapanood ang bawat galaw nila sa hapag-kainan. Tila ba may sarili silang mundo, habang ako, nakaupo lang sa pinakadulo, parang ekstra sa sariling buhay.
“Pass me the wine,” malamig na utos ni Doña Amalia sa akin, ni hindi man lang ako tinitingnan.
Mabilis akong tumayo para abutin ang bote ng mamahaling alak mula sa bar cart. Nang ibigay ko ito sa kanya, hindi sinasadya ay medyo nadulas sa daliri ko ang bote, dahilan para matapon ang ilang patak sa table runner.
“Ikaw talaga,” madiin niyang sabi, punong-puno ng hinanakit. “Wala ka bang natutunan sa bahay ninyo? Kahit simpleng pag-abot ng bote, palpak.”
Gusto kong sumagot. Gusto kong magpaliwanag. Pero ang tanging nagawa ko ay yumuko.
“Sorry po…” mahina kong sabi.
Wala ni isa sa kanila ang umimik. Maging si Lucien, na nakaupo sa tapat ko, ay hindi man lang tumingin. Tila ba isa lang akong anino sa buhay niya isang kontrata, isang obligasyon, isang napilitan lang.
Bakit ba ako nandito talaga?
Dahil sinabi ni Papa na kailangan naming bayaran ang utang.
Dahil kailangan kong magsakripisyo para sa kapakanan ng pamilya.
Dahil... baka sakaling sa dulo nito, may karapat-dapat na ako sa kahit kaunting respeto.
Pagkatapos ng hapunan, ako rin ang inatasang magligpit ng mga pinggan. Pati ang pinagkainan ni Lucien, ako ang nagbuhat, kahit hindi siya nagsalita.
Sa kusina, habang hinuhugasan ko ang mga mamahaling plato’t baso, naramdaman ko ang biglaang paglapit ng katawan sa likod ko.
Hindi ko kailangang lumingon para malaman kung sino.
“Bakit mo hinahayaan na tratuhin ka nilang parang katulong?” malamig na tanong ni Lucien, halos pabulong.
Napasinghap ako. Di ko alam kung galit siya, o nang-aasar lang.
“Dahil ‘yon naman talaga ang tingin nila sa’kin, ‘di ba?” mahinang sagot ko habang pinipilit kong hindi manginig ang boses.
“Kung alam mong ganun, bakit ka pumayag sa kasunduan?”
Tiningnan ko siya, tuluyang humarap. Nagtama ang mga mata namin. Mata niyang punong-puno ng pagdududa. Ako naman, punong-puno ng sakit.
“Dahil hindi lahat ng bagay, pinipili, Lucien. Minsan, nilulunok natin ang pride para sa mga mahal natin sa buhay.”
He blinked. For a moment, something I couldn't explain appeared in his eyes, something that wasn't anger, nor pity. It was like... shock.
It was the first time he had heard me answer directly.
"Good. At least you know where you are," he replied coldly, but there was clearly a hint of shock in his voice.
After he left, I only noticed my wet hands and trembling chest. I leaned my forehead against the tiles while holding back tears.
I wasn't crying because of what he said.
I was crying because of my own weakness.
Sa kuwartong tinutuluyan ni Clara (guest room sa first floor)
Doon ko lang naibuhos ang lahat. Ang inis. Ang kirot. Ang galit sa sarili.
I took out my old notebook and started writing down everything I felt.
"If I don't be brave, no one else will do anything for me.
If I continue to be silent, I won't be able to defend my own identity."
Suddenly the door opened without a knock. Doña Amalia came straight in, carrying laundry.
"Bring this with you tomorrow. Have it pressed. And make sure it's unreadable. It's hard to get scolded by your husband."
"Husband?" I managed to say, weakly.
He looked me up and down.
"What do you think your role is in this? Does Lucien love you?"
I was silent.
"You have no place in my son's life. We just made you a debt to pay. And you will never be part of the family."
He left after slapping me with the truth.
And in the silence of that night, it was only then that I realized that they weren't the only ones who were my enemies. Even myself, I bind with fear.
But one thing is clear, I will not give up.
Hindi siya makatulog.
Laging bumabalik sa isip niya ang sinabi ni Clara.
“Minsan, nilulunok natin ang pride para sa mga mahal natin sa buhay.”
Hindi niya alam kung bakit tinamaan siya ro’n. Sanay siyang makakita ng babaeng sumisipsip, umaasa, nagpapaka-martir. Pero si Clara... may alab kahit tahimik. May sugat kahit hindi sumisigaw.
Napakuyom siya ng kamao.
Bakit ba ako naapektuhan sa sinabi niya?
Sa bawat patak ng ulan na tumama sa bubong ng mansion, lalong bumibigat ang dibdib ni Clara.
She sat quietly at the small kitchen table, eating rice and dried fish while the maids cleaned up for the Valderamas' dinner. Even though she was very hungry, it felt like there was a lump in her throat. At the other end of the house, Mrs. Valderama could be heard laughing, along with Selene and Lucien. Every word was clear, as if they were deliberately making her hear it.
“I’m glad you’re back, Selene. This house felt… dull without you,” malambing na wika ng ina ni Lucien.
“Lucien needs someone who can match his status and upbringing,” dagdag pa nito, kasabay ng mahinang halakhak ni Selene.
Hindi makapaniwala si Clara sa naririnig. Akala niya, matapos siyang pakilusin buong araw bilang katulong, ay pahinga na. Pero mas pinili pa ng mga ito na ipahiya siya sa tunog ng kanilang kasiyahan.
Tumayo siya at tahimik na nagligpit ng pinagkainan, saka lumabas sa hardin. Doon siya tumambay, sa ilalim ng malalaking puno. Ulan. Lamig. Tahimik. Doon lang siya nakakahanap ng konting kapayapaan.
Maya-maya’y may narinig siyang mga yabag sa likod. Hindi na siya lumingon. Hanggang sa may malamig na boses ang tumawid sa hangin.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Lucien.
Hindi siya sumagot. Ayaw niyang harapin ang lalaking hindi man lang siya ipinagtanggol kanina sa harap ng ex-fiancée nito.
“Kinakausap kita, Clara.” Mas malalim na ngayon ang boses niya, may bahid ng tensyon.
She turned around, finally meeting his eyes. Basang-basa ang buhok nito, pero ni hindi ito nagmukhang disheveled. Parang mas lalo lang siyang naging imposing sa ulan.
“Ano bang gusto mong gawin ko, Lucien?” buwelta niya, mahina pero may diin. “Tumayo sa tabi mo habang pinagpipiyestahan nila ako? Magpakabait habang binabastos ako sa sariling bahay na pinapagawa mo ng kung anu-ano?”
Tahimik si Lucien. Parang hindi inaasahan ang tapang niya.
“Hindi ako katulong. Hindi ako basahan. At kung akala mo, kaya mong baliwalain ako habang nilalandi ng ex mo sa harap ko, nagkakamali ka.”
“Watch your tone,” malamig nitong sagot.
Ngumisi siya. “O bakit? Galit ka? Kasi totoo?”
May umigting sa panga ni Lucien. Tumikhim ito, parang nagpipigil.
“Hindi kita pinapabayaan,” mariin nitong sagot. “Ginagawa ko ito para sa ‘yo.”
“Tawag mo diyan proteksyon?” Tumayo siya, lumapit sa kaniya. “That’s not protection, Lucien. That’s control.”
At doon niya nakita ang hindi niya inaasahan ang saglit na pagkirot ng mga mata nito. Hindi galit. Hindi poot. Kundi parang nasaktan siya sa mga salitang binitawan ni Clara.
Isang matagal na katahimikan ang bumalot sa kanila.
“Hindi mo ako kilala, Clara,” mahina pero malinaw na wika ni Lucien.
“Ganon din ikaw. At kahit pakasalan mo ako bukas, hindi ibig sabihin noon, pag-aari mo na ako.”
Isang hakbang pa si Clara, saka siya tumalikod. “Huwag mong hayaang dumating ang araw na pagsisihan mong tinrato mo akong parang wala.”
At iniwan niya si Lucien roon. Sa ulan. Sa kanyang tahimik na pagkabigla.
Hindi na muling lumingon si Clara.
Nang muling sumara ang pintuan sa likod niya, pakiramdam niya'y tila isa siyang nilalang na pinagsakluban ng langit at lupa. Wala siyang lakas. Wala siyang direksyon. At higit sa lahat wala siyang karapatan.
Pero hindi siya huminto. Sa bawat hakbang papalayo mula sa silid na iyon, ramdam niya ang kirot sa talampakan. Hindi dahil sa sakit ng balat, kundi dahil sa bigat ng konsensyang bumalot sa kaniya. Hindi niya alam kung tama ba ang ginawa niya. Hindi niya rin alam kung may karapatan siyang humarap sa mga taong iyon, sa pamilya ni Lucien, nang ganoon nang walang paalam, walang galang, walang pagpapakumbaba.
Pero hindi niya na kaya.
Hindi na niya kayang kimkimin ang bawat luhang matagal nang gusto tumulo. Hindi na niya kayang magpanggap na ang lahat ay maayos. Dahil simula nang mapunta siya sa bahay na iyon, ang tanging papel lang na kaya niyang gampanan ay ang pagiging tahimik.
Tahimik na anak.
Tahimik na babae.
Tahimik na alipin.
Lumabas siya sa hardin, basang-basa ng ulan ang mga dahon at semento. Nakasuot pa rin siya ng manipis na daster, ang lumang tela’y kumakapit sa balat niya. Nanginginig siya, hindi lang sa lamig kundi sa takot. Baka sundan siya ni Lucien. Baka pagalitan siya ng mga kasambahay. Baka… may sumampal ulit sa kaniya.
Ngunit ang sumunod na marinig niya ay hindi galit. Hindi sigaw. Hindi sampal.
“Clara!”
Isang pamilyar na tinig.
Mabilis siyang napalingon. Si Lyka. Kaibigan niya mula pa sa dating pamantasan. Isa sa mga iilang taong alam ang ilang bahagi ng totoo niyang buhay kahit hindi ang buong bangungot.
Nagmamadaling lumapit si Lyka, may hawak na payong at jaket. “Anong ginagawa mo rito sa labas? Basang-basa ka na!”
Nanginig ang baba ni Clara. Hindi siya nakasagot. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa kaibigan na hindi niya na alam kung sino pa ba siya.
“Halika, sumama ka muna sa ‘kin. Sandali lang. Hindi mo kailangan bumalik doon. Kahit ngayon lang, Clara. Please.”
Kahit saglit, bumalik ang liwanag sa mga mata niya. Kumapit siya sa braso ng kaibigan. Hindi na siya nag-isip. Hindi na siya nagtanong. Basta’t kailangan niyang makalayo. Kahit isang gabi lang. Kahit ilang oras.
At sa pag-alis niyang iyon, hindi niya alam na may dalawang mata ang matagal nang nakamasid mula sa madilim na pasilyo.
Si Lucien.