CHAPTER 7

1708 Words
Later That Night Tahimik ang buong bahay. Tulog na ang mga tao sa servants' quarters. Nasa guest room ako, nakahiga pero hindi mapakali. Hindi ko na kayang kimkimin lahat. Kumatok ako sa kwarto ni Lucien. Walang sumagot. “Lucien…” mahina kong tawag. Kumatok ulit ako. Sa pangatlong beses, bumukas ang pinto. Nakatayo siya sa dilim, suot ang puting sando at boxers. Mukha siyang bagong gising. O baka hindi rin siya natutulog. “Ano?” malamig niyang tanong. “Bawal ba dito ang privacy?” Hindi ako nakasagot agad. Gusto kong sabihin, “Sorry.” Gusto kong sabihin, “Pagod na ako.” Pero ang lumabas ay, “Hindi ko na kaya.” Napakunot ang noo niya. “Hindi mo na kaya ano?” Hindi ko na napigilan. Bumagsak ang luha ko. “Yung tingin nila sa’kin. Yung trato nila. Yung bawat hakbang ko parang mali. Parang hindi ako tao.” Natahimik siya. Tahimik pero hindi galit. Tahimik na parang gulat. Bumuntong-hininga ako. “Alam kong hindi mo ako gusto. Hindi mo pinili ‘to. Ako rin. Pero hindi ko naman ginusto na alilain ako sa bahay na ‘to. Hindi ako masamang tao.” Gusto ko sanang tumalikod. Pero narinig ko ang pagbuntung-hininga niya. “Bakit ka pa nandito kung hindi mo rin gusto?” tanong niya. May halong pagod ang tono, pero hindi na kasing lamig ng dati. “Tinatapos ko lang ang sinimulan ng mga magulang natin. At ” napalunok ako. “Ayokong umalis na talunan.” Tahimik. Hanggang sa…bumukas ang pinto. “Pumasok ka.” Napatingin ako sa kanya. “Ha?” “Sandali lang. Gusto ko lang malaman ano ba talaga ang gusto mong mangyari sa atin?” Nang magtagpo ang mga mata namin, parang may kung anong sakit ang pumasok sa dibdib ko. Kasi sa unang pagkakataon, nakita ko sa kanya ang tanong. Hindi poot. Hindi inis. Tanong lang. “Ayokong mahalin mo ako. Pero gusto kong igalang mo ako.” Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Walang sagot. Pero hindi niya ako isinara ng pinto. Hindi na niya ako itinataboy. At para sa akin, sapat na ‘yon sa gabing ‘yon. Lumipas ang tanghalian nang hindi ko namamalayang tumulo na pala ang pawis ko sa gilid ng sentido. Nakaluhod ako sa kusina, pinupunasan ang tiles gamit ang lumang basahan na inilapag lang sa harap ko kanina ng isang kasambahay. Hindi ko alam kung anong mas masakit ang masakit na tuhod ko o 'yung mga sulyap na ibinabato ng mga taong nasa paligid ko. Sa kabilang sulok ng kusina, tanaw ko si Ma’am Teresa ang ina ni Lucien. Nakaupo siya sa mamahaling upuang kahoy, nakataaas ang isang kilay habang pinapanood ako parang eksena sa TV. “Tingnan mo nga, Alma,” aniya sa isa sa mga kasambahay, habang inikot ang hawak niyang baso ng wine. “Kahit pala anak ng gobernador, marunong palang maglinis ng sahig.” Napayuko ako. Hindi ko alam kung dahil sa hiya o sa galit na pilit kong nilulunok. Hindi ko siya sinagot. Wala naman akong karapatan. Ako ang dayo rito. “Ma’am, okay na po ‘yung kitchen counter,” sabi ko, pinilit ngumiti kahit ramdam ko ang pamamanhid ng labi ko. Hindi siya tumugon. Nagbukas lang siya ng bag at nagsimulang maglagay ng lipstick habang nakaharap sa repleksyon sa window. Tila bang wala lang siyang naririnig. Invisible ako sa harap niya. Then biglang “Clara,” tawag niya. “Halika nga rito.” Mabigat ang hakbang ko papunta sa kanya. Nang lumapit ako, hindi siya nag-aksaya ng panahon. Kinuha niya ang kamay ko at mabilis na sinuri. “Ang lambot ng palad mo. Hindi sanay sa gawaing bahay. Mukhang spoiled.” Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. Gusto kong sagutin, pero hindi pwede. Hindi pa ngayon. Hindi rito. “Kung talagang gusto mong tumagal sa pamilyang ‘to, Clara,” malamig niyang sambit, “matututo kang kumilos na parang isa sa amin. Hindi lang sa ayos, kundi pati sa ugali.” Tumango ako. “Opo.” Tumayo siya bigla. “Mag-ayos ka. Darating ang bisita mamaya. Si Congressman Morelos. Ayokong makita ka niyang mukhang alila.” Alila. Gusto kong matawa. Akala ko ba gusto niyang gawin akong alila? Pero hindi ko na lang sinabi. Sa halip, lumakad akong mabilis pabalik sa kwarto. Isa-isang hinubad ang maruming damit, at kinuha ang simpleng bestida na dala ko pa mula sa probinsya. Wala akong makeup. Wala akong branded na damit. I felt so out of place. Habang nag-aayos sa harap ng salamin, biglang bumukas ang pinto. “Hindi ka ba marunong kumatok?!” sigaw ko, akmang tatakpan ang sarili. Pero nang makita ko kung sino, natigilan ako. Si Lucien. Nakatayo sa pinto, nakasandal, malamig ang tingin, at parang lalong nanliit ako sa sarili kong katawan. “Relax. Hindi ko naman intensyong makita ‘yan,” aniya, kunot-noo habang iniwas ang tingin. “Nagpadala lang si Mama. Gusto niyang sumama ka sa amin sa dining area mamaya.” “Hindi ba alila lang ako rito?” sarkastiko kong sagot, hindi ko na napigilan. Natawa siya. Isang mapait na tawa. “Alila? Ikaw lang naman ang pumayag sa kontratang ‘to, di ba?” Lumingon ako sa kanya. “Wala akong choice.” Tumingin siya nang diretso sa’kin. “Lahat may choice, Clara. Nagkataon lang, ‘yung pinili mo, hindi ka pinapaboran.” Tahimik. Tahimik na parang may pumutok na salitang hindi ko alam kung paano tutugunan. Pero sa loob-loob ko, ramdam kong kahit isang sulyap lang ng awa, hindi ko mararamdaman mula sa kanya. Hindi pa ngayon. Pero kung akala niyang kaya niya akong yurakan habang buhay, nagkakamali siya. Fast forward – Later that night Magkasama kaming naupo sa hapag kasama ang mga bisita. Congressman Morelos, matandang lalaki na nakangiti habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa, parang pinipresyohan ako. Si Ma’am Teresa ay may pekeng ngiti, at si Lucien tahimik, hawak ang baso ng red wine at walang imik. “Kaya pala, Lucien,” wika ng congressman. “Ito ang magiging asawa mo? Maganda, mukhang mahinhin. Pero mukhang... masarap turuan, hindi ba?” Tumawa ang ina ni Lucien. “Oh, Morelos. Alam mo namang gusto ko ‘yang mga batang maamo.” Pinisil ni Lucien ang hawak niyang kutsara. Bigla siyang tumayo. “Excuse me,” malamig niyang wika, at umalis sa mesa. Hindi ko alam kung nasuka siya o na-bad trip lang. Pero sa loob ng dibdib ko, may mumunting tuwa akong naramdaman. Na baka… baka kahit papaano, may konsensya pa rin siya. Pero agad kong sinupil ang ilusyon na ‘yon. Dahil ang totoo? Ako ang alipin sa bahay na ‘to. At hanggang hindi pa ako kasal, wala akong boses. Pero balang araw, maniningil ako. Pakiramdam ko’y hindi lang ako bisita sa bahay na ito. Parang ako mismo ang dayuhang basta na lang ipinasok sa mundong hindi naman ako kabilang. Kahit anong gawin kong ayusin ang sarili ko, kahit ilang beses kong ulitin sa isip kong wala akong ginagawang masama, palaging may malamig na tingin na sumasalubong sa’kin. Lalo na mula sa babaeng nakaupo sa dulo ng mahabang dining table—si Señora Valderama. Nakasandal siya sa upuan na parang reyna, habang ako naman, halos hindi makatingin ng diretso. Gusto kong ngumiti, gusto kong magpakumbaba, pero sa bawat saglit na maglalakas ako ng loob, para bang may mga matang humuhusga agad sa buong pagkatao ko. "Wala bang nagturo sa’yo kung paano mag-ayos sa harap ng pamilya ng fiancé mo?" malamig niyang tanong, sabay tingin sa simpleng bestidang suot ko. Nag-init ang mukha ko. Napayuko ako at marahang pinisil ang palad ko sa ilalim ng mesa. "I—I’m sorry po, Tita. Hindi ko po alam na may dinner. Wala po kasing nakapagsabi." "‘Tita’? Huwag mo akong tawaging ‘Tita,’ hindi tayo magkapamilya. At huwag kang sumagot-sagot. Dito sa bahay na ’to, marunong ang babae sa kaniyang lugar. Kung gusto mong makitira dito, matuto kang sumunod." Wala akong nasabi. Napansin ko ang maikling sulyap ni Lucien, pero hindi siya nagsalita. Tahimik siyang kumukuha ng wine habang tinitigan lang ako, para bang tinitimbang niya kung kailan siya gagalaw. Ang sakit. "May kailangan pa ba kayo, Señora?" tanong ko, pilit pinipigil ang pag-alog ng tinig ko. "Maghugas ka ng pinagkainan pagkatapos. Hindi ito hotel. At habang nandito ka, hindi ka prinsesa." Narinig ko ang mahihinang tawa ng kapatid ni Lucien sa kabilang side ng mesa. Si Samantha. Maganda, matangkad, mukhang laging nasa fashion magazine. Pero kung tumingin siya sa akin, para akong alikabok sa sapatos niya. "Sure ka ba diyan, kuya? Parang… hindi naman siya bagay sa ’yo. Cheap," bulong niya, pero sapat na para marinig ko. Lucien’s jaw tightened, pero hindi pa rin siya umimik. Naramdaman ko ang kirot sa dibdib ko. Hindi ko alam kung mas masakit bang hindi niya ako ipinagtanggol o dahil ramdam kong hindi lang si Señora ang galit sa akin—pati na rin ang buong bahay. Kinagabihan, habang naglilinis ako ng kusina, ramdam ko ang pananakit ng likod ko. Hindi naman ako inuutusan ni Lucien mismo, pero ni minsan hindi rin siya nagsalita para pigilan sila. Parang sinasadya niyang hayaan akong maranasan lahat. “Bakit mo hinahayaan?” hindi ko napigilang tanungin nang dumaan siya sa kusina. Napahinto siya sa paglakad. “Excuse me?” “Hinahayaan mo silang maliitin ako. Hindi mo man lang ako ipinagtatanggol kanina. Akala ko ba ikaw ang may gusto ng kasunduang ito?” Lumapit siya sa’kin, mabagal pero matatag ang bawat hakbang. Tumigil siya sa harapan ko, sapat lang ang layo para maramdaman ko ang init ng katawan niya. Pero malamig ang tingin niya. “Hindi kita pinilit sa kasunduang ito. Ikaw ang pumirma. At kung gusto mong umalis, nobody’s stopping you.” “Hindi mo ako kailangang saktan nang ganyan, Lucien.” Saglit siyang natahimik. Tinitigan lang niya ako, parang may kung anong gustong sabihin pero hindi niya masabi. Tapos bigla na lang siyang tumalikod at umalis. Naiwan akong mag-isa, tulala, habang nanginginig ang kamay ko sa hinahawakang baso. Sa gabing ’yon, doon ko unang naramdaman na baka hindi lang ito kasunduan. Baka unti-unti na ring nadadamay ang puso ko. Pero paano kung hindi naman siya marunong magmahal? At paano kung mali ako, at mas masama pa siya sa iniisip ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD