CHAPTER 6

1627 Words
Kahit pa anong pilit kong matulog, hindi ako dinadalaw ng antok. Mula sa siwang ng aming kurtina ay kita ko ang mapusyaw na ilaw mula sa labas. Sa kabila ng pagod na katawan, gising na gising ang isip ko dahil alam kong bukas, magbabago na ang lahat. Hindi ko alam kung anong mas mabigat yung gutom na bumalot sa amin buong araw, o yung bigat ng desisyong naghihintay sa akin sa pagputok ng araw. My mother didn’t say it outright, but I knew may pupuntahan kami. May kakausapin. At ako ang alay. Sa loob ng marupok naming bahay, naririnig ko pa ang pagtikhim ni Mama sa sala habang kausap ang isa sa mga tiyahin ko. Nagsisigarilyo siya, at kahit hindi ko amoy ang usok, ramdam ko ang tensyon sa hangin. Ipinagkibit-balikat niya ang pag-ubo ko kanina habang nililinis ko ang luma naming kalan. "Ano ba, Clara," naalala kong sabi niya, "Kung makatingin ka sa akin parang ako 'yung may kasalanan. E kung nag-aaral ka nang mabuti noon, baka hindi tayo nasa ganitong sitwasyon." Natahimik lang ako. Hindi niya alam, buong gabi akong nag-iiyak noong hindi ko nakuha ang scholarship. Hindi niya alam na ilang beses kong pinilit lumaban para sa sarili ko. Pero siguro nga, sa mata niya, ako lang ang palaging may pagkukulang. Napaupo ako sa gilid ng kama, pinisil ang manipis kong palda, at marahang isiniksik ang paa sa ilalim ng kumot. Dama ko ang malamig na semento sa ilalim. Tahimik ang bahay pero maingay ang puso ko umaasa, nangangamba, natatakot. Hindi ko alam kung kailan ako huling tumingin sa salamin at nagustuhan ang nakita ko. Ngayon, wala na akong ibang makita kundi isang batang babae na pinilit tumanda, dahil wala siyang choice kundi magpakatatag. “Clara, bumaba ka nga rito. Ayusin mo sarili mo. May pupuntahan tayo,” tawag ni Mama mula sa sala. Tanghali na pala. Hindi ko na namalayan ang pagdaan ng oras. Marahan akong bumangon, isinuot ang tanging puting blouse na hindi pa butas, at maingat na pinatong sa mukha ang manipis kong pulbo. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong mag-ayos, pero ginagawa ko pa rin baka sakaling 'yun ang makatulong sa amin. Paglabas ko, tahimik lang si Mama. Nakatiklop ang mga braso niya, may hawak na envelope. Walang salita. Walang tingin. Pero ramdam ko may dala siyang pasya. Sa loob ng sasakyan, Walang imikan. Ang tanging musika lang ay ang tunog ng makina habang binabaybay namin ang highway. Minsan napapatingin siya sa akin, pero agad ding iniiwas ang tingin. Hanggang sa bigla siyang nagsalita. “Kung makakatulong 'to para makabayad tayo ng utang, Clara… gagawin mo, ‘di ba?” Parang may sumuntok sa dibdib ko. Hindi ko masagot. Pero ang katahimikang binigay ko ay sagot na rin. Pagdating sa mansion, Saka ko lang napagtantong hindi lang basta utang ang babayaran namin. May mas malalim pa. Nakatayo kami ngayon sa harap ng isang malawak na bakuran, napapaligiran ng marble statues, fountains, at isang pintuang doble ang laki sa amin. Ang mga kasambahay ay nakasuot ng pormal, ang mga mata ay hindi makatingin nang diretso. Ang huling sinabi ni Mama bago siya tumalikod: “Basta wag kang sasagot ha. Kahit anong sabihin nila. Gawin mo lang ang dapat mong gawin.” Tila umikot ang mundo ko sa bigat ng iniwan niyang salita. I was not just about to meet someone. I was about to be sold and I didn’t even know the price. Hindi ko alam kung anong mas masakit yung tanawin ng malawak na mansion na para bang palasyo, o yung lamig na bumalot sa akin pagkapasok ko pa lang sa loob. Parang hindi ako dinala sa tahanan ng asawa ko. Parang itinapon ako sa pugad ng mga leon. "Stand straight," bulong ni Tita Regina ang tita kong kasama kong bumiyahe mula sa probinsya. Isa siya sa mga nangunguna sa pagbenta ng kinabukasan ko kapalit ng pangalan at koneksyon. Pagbukas ng malalaking double doors, bumungad ang isang eleganteng sala marble floors, crystal chandelier, at mga antique na upuang mukhang mas mahal pa sa buong bahay namin. At sa gitna ng marangyang lugar ay isang babaeng nakasuot ng perlas at manipis na ngiti. Hindi ako kailangang tanungin kung sino siya. Lucinda Valderama. Ang nanay ng lalaki na ngayon ay legal ko nang asawa. “Clara Evangelista,” ani niya, halos bulong ngunit punong-puno ng yabang ang tono. “So this is the girl my son married.” Napalunok ako. Tumango. “Good afternoon po.” “Is that how you greet your elders?” Tumindig siya mula sa pagkakaupo, bitbit ang isang tasa ng tea. “Do you not know how to curtsy, or were you raised in a barn?” Napalingon ako kay Tita Regina. Hindi siya nagsalita. Hindi rin ako makagalaw. Parang natuyuan ng lakas ang tuhod ko, pero alam ko sa sarili kong kailangan kong tumayo. Tumayo para sa sarili ko. Kahit wala akong laban sa tahanang ‘to. “I apologize po,” mahinahong sagot ko. Napangisi si Lucinda. Tumikhim, saka itinaas ang kamay. “Yaya, escort this girl to the kitchen. She’ll help serve lunch. Might as well train her early.” Nagkatinginan ang mga kasambahay. Isa lang ang umalalay sa akin isang matandang babae na may maamong mukha. Hinawakan niya ako sa braso, marahang sinenyasan na sumunod. “Pero ako po ang asawa—” Hindi ko na natapos. Naramdaman kong humigpit ang tingin sa akin ni Lucinda. Para bang isa lang akong ipis na pumasok sa maling bahay. “Asawa?” Umalingawngaw ang tawa niya sa buong sala. “Sweetheart, wives in this house know how to behave. So unless you’re here to be useful, you’re just furniture.” Napatigil ako sa pagsagot. Ang sakit. Literal. Parang may kumalabit sa puso kong hindi ko pa man lubos na binubuo ay unti-unti nang ginigiba. Tumulo ang pawis sa batok ko habang nagsasaing, nag-aayos ng kubyertos, at naglilinis ng mesa. Kahit ang mga kasambahay ay halatang nahihiya sa nangyayari pero wala ring makaimik. Saka lang bumigat ang paligid nang biglang dumating ang boses na pamilyar na sa pandinig ko. "She doesn't belong here." Boses iyon ni Lucien. Mapanatag. Walang emosyon. Tila isang estranghero lang na napadaan. At kahit asawa ko siya sa papel—hindi ko naramdaman kahit katiting na proteksyon mula sa kanya. “Let her prove she does,” malamig na sagot ng ina niya. Parang piniga ang puso ko. Pagkalatag ko ng huling kutsara sa mesa, tinapik ako ng isa sa mga kasambahay. “Clara... uupo ka ba sa mesa?” Ngumiti ako, pilit. “Hindi. Dito na lang ako sa gilid.” Tahimik lang ako sa isang sulok habang pinagmamasdan ko ang pamilya ni Lucien. Sa gitna siya ng mesa. Parang hari. Habang ako nakatayo sa likod. Tahimik. Takot. Pero may galit na ring sumisibol. "Hindi mo ba siya pauupuin?" tanong ng ama ni Lucien, si Mr. Oscar Valderama. Hindi sumagot si Lucien. Inabot lang niya ang wine, uminom. Tumitig saglit sa akin blangko. At doon ko naisip... Ako ang pinakasalan niya. Pero hindi ako parte ng buhay niya. Ako ang asawa niya. Pero hindi niya ako ipinagtatanggol. Ako si Clara Evangelista. At sa simula pa lang ng kasunduang ito, malinaw na: Ako ang alipin. Kinagabihan, habang naglalagay ako ng malamig na tubig sa baso sa kwartong inilaan para sa akin (malayo sa silid ni Lucien), doon ko lang lubos na naramdaman ang bigat ng lahat. "Akala ko masasanay ako..." Bulong ko sa sarili. Pero sa gabing iyon, habang nakasilip ako sa bintana at tinatanaw ang malamlam na buwan, nangako ako sa sarili ko: Hindi habambuhay akong magiging tahimik. At kung mananatiling bato si Lucien... Ako mismo ang huhubog sa mga bitak niya. Pagkababa ko sa hagdan dala ang tray ng kape at biskwit, ramdam ko pa rin ang kirot sa talampakan ko. Kanina pa ako paikot-ikot sa kusina naglalaba, nagwawalis, naglilinis ng mga gamit sa hapag. Hindi na ako tinutulungan ni Yaya Loring ngayon. Kahit ang katulong ay tila tinuruan nang huwag akong tulungan. “Naku, Clara! Huwag kang matulala diyan. Baka mabitawan mo pa 'yan, nakakahiya sa bisita!” sigaw ni Señora Helena mula sa living room. Agad akong kumilos. Nakatingin sa akin ang dalawang ginang na tila kilala sa lipunan, may dalang Gucci at nakasuot ng makukulay na pearls. Nakaupo sila sa paligid ng glass coffee table habang si Señora ay parang reyna na namumuno sa lahat ng kilos ng bahay. “Pasensya na po,” bulong ko habang ibinaba ang tray. Hindi sila ngumiti. Hindi rin ako pinansin. Itinuloy lang nila ang tsismisan tungkol sa isang babae raw na buntis ng hindi kasal. “Ganyan ang mahihirap,” ani ng isa. “Kapag desperate na sa pera, kahit sino papatulan.” Hindi ko alam kung ako ba ang pinapatamaan nila, pero ang sakit-sakit sa dibdib. Mas gusto kong hindi na lang makadinig. “Ma’am Clara, tapos na po akong magwalis sa likod,” mahina pero may malasakit na sabi ni Yaya Loring habang papalapit. “Pakilinis mo na rin ang banyo sa itaas,” sabat agad ni Señora. “At Clara, tapusin mo ang kusina bago ka kumain. Kung kakain ka man.” Hindi ko alam kung gutom ba ako o uhaw, basta ang alam ko lang, gusto ko nang umiyak. “Si Lucien? Nasa kwarto lang po ba?” tanong ko kay Yaya habang nilalampasan siya. Tumango si Yaya, pero may pag-aalalang sumilay sa kanyang mga mata. “Oo, anak. Pero…huwag ka munang lalapit. Hindi siya hindi siya okay ngayon.” Gusto ko lang sanang makausap siya. Kahit isang sulyap. Ilang araw na akong nasa bahay nila at ni minsan, hindi pa kami nagkausap nang maayos. Lagi siyang may layo. Lagi siyang malamig. Parang ako ang sakit ng ulo niya. Pero ngayong gabi, hindi ko mapigilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD