DIYOSA POV Hindi ko alam kung alin ang mas masakit ang higpit ng lubid sa aking mga pulso o ang lamig na gumagapang sa aking dibdib sa bawat hikbi ng mga batang kasama namin. Nakatali kami sa loob ng isang kubo. Luma. Mabaho. Ang sahig ay punô ng dayami tila ginawa lang para may maupuan kami, o baka para masipsip ang dugo kung sakaling may mangyari. Sa bawat paghinga ko, naamoy ko ang pinaghalong alikabok, pawis, at takot. Ang liwanag ay galing lang sa siwang ng mga tabla sapat para makita ang mga mukha mapuputla, nanginginig, umiiyak. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng katawan ko. Diyos ko… nasaan na ba kami? Sa tabi ko, may batang babae yakap ang tuhod, umiiyak nang walang tunog. Pilit niyang tinatakpan ang bibig niya, parang natutunan na niyang ang pag-iyak ay may kapalit. Sa ka

