bc

DIYOSA NG TROUBLE (SPG)

book_age18+
58
FOLLOW
1K
READ
billionaire
love-triangle
family
HE
second chance
badboy
billionairess
heir/heiress
drama
sweet
bxg
brilliant
campus
city
small town
disappearance
lies
secrets
love at the first sight
selfish
seductive
like
intro-logo
Blurb

Paano kung ang ex-convict na kakalabas lang ay masasangkot na naman sa gulo dahil sa isang babaeng ang talento ay manggulo ng buhay ng may buhay? Si Evan, kakalaya pa lang, gusto lang ng tahimik na araw, murang ulam, at buhay na walang kulong pero mali ang mundo niya. Dahil isang iglap lang, dumating si Diyosa. Maingay, astig, magulo, at may ngiting parang nagsasabing “Pasensiya na, damay ka na.”Hindi niya hiningi ang suntukan, ang habulan, at ang pekeng relasyon pero ibinigay lahat ni Diyosa, walang resibo. Kapag kasama niya ang babae, laging may problema may naghahabol, may nagagalit, at may biglang nagiging “mahal.” Si Evan ang tipo ng lalaking gusto nang magbago, pero si Diyosa ang babaeng parang sinusubok ang tibay niya emosyonal, mental, at minsan… pisikal (sa maling paraan).Habang ang lahat ay nagsisimula sa kunwari, unti-unting nagiging totoo ang mga titig, ang hawak, at ang mga salitang may biro pero may ibig sabihin. Pero sa likod ng tawanan ay may selos, lihim, at mga taong handang manira para lang makuha ang gusto nila.Kung ang pag-ibig ay gulo, at ang gulo ay si Diyosa handa ba si Evan na muling ipagsapalaran ang kalayaan niya para sa babaeng maaaring maging huling problema ng buhay niya?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
THIRD PERSON POV “Uy, Evan! Siguraduhin mong hindi mo kami kakalimutan kapag sikat ka na ha!” “Sikat saan? Sa parole office?” sagot ni Lucian Estevan “Evan” Belloro habang nakasandal sa malamig na pader ng process area ng kulungan, suot ang kupas na kulay-dalandang uniform na parang mas matanda pa sa warden. “Hoy gago ka talaga,” tawa ni Berto, isang bilanggong pandak na may tattoo ng agila sa leeg. “Anim na taon ka naming tiniis tapos ganyan ka lang?” “Anong tiniis? Kayo ang tiniis ko,” balik ni Evan, may bahid ng ngisi. “Ikaw nga araw-araw umutot sa selda eh.” “Hoy medical condition ‘yon!” depensa ni Berto. “May pangalan ‘yon” “Putok Syndrome,” sabat ni Mang Kulas, ang pinakamatandang preso sa grupo, habang inaayos ang salamin niyang tape ang isang paa. “Doktor ako sa dati kong buhay.” “Doktor ka ng tong-its,” kontra ni Berto. “Pareho lang ‘yon,” kibit-balikat ni Mang Kulas. Nakatawa si Evan, pero sa ilalim ng tawa niya, may bigat. Anim na taon. Anim na Paskong walang pamilya. Anim na kaarawang kandila lang ay ilaw ng selda. Anim na taong paulit-ulit niyang sinabi sa sarili: Hindi ko ginawa ‘to. “Belloro!” Biglang bumukas ang pinto ng process area. Tumambad ang matigas na boses ni Warden Ramirez, isang lalaking mukhang hindi marunong ngumiti kahit may baril sa sentido. “Yes, Sir,” diretso ang tindig ni Evan. “Relax. Hindi ka na nasa arraignment,” sabay taas ng kilay ng warden. “Masyado ka pa ring formal.” “Occupational hazard,” sagot ni Evan. “Anim na taon po akong inaakusahan araw-araw.” May ilang preso ang napangiti. Si Warden Ramirez? Hindi. “Maupo ka. Processing ka pa. Huwag ka munang feeling free,” malamig na utos nito. Umupo si Evan sa bakal na upuan. Tumunog ito na parang iiyak. Katabi niya si Jun-Jun, isang batang preso na mukhang mas bata pa sa sentensiya niya. “Kuya Evan… totoo ba talaga na lalabas ka na?” mahina ang tanong ni Jun-Jun. “Oo. Unless magbago isip nila at sabihin, ‘Joke lang!’” biro ni Evan. “Pwede ‘yon?” namutla si Jun-Jun. “Hindi. Joke lang. Relax,” tapik ni Evan sa balikat niya. “Sayang naman,” sabat ni Berto. “Hindi na tayo kompleto sa selda. Sino na mang-aasar sa akin?” “Si Warden,” bulong ni Mang Kulas. “Hoy narinig ko ‘yon,” singhal ni Warden Ramirez, kahit obvious na hindi naman. Pumasok ang isang female correction officer, si Officer Lianne Cruz, may hawak na folder. “Belloro, Evan. Thirty years old. Six years served. Case dismissed due to new evidence.” binasa niya. “Congratulations. Mukhang maswerte ka ngayon.” Tumingin si Evan sa kanya. “Luck had nothing to do with it, Ma’am. Truth lang.” Natigilan si Officer Cruz sandali. “Fair enough.” “Ma’am,” biglang taas-kamay ni Berto. “Pwede bang isama na rin ako? Mabait po ako sa labas.” “You stabbed someone with a spoon,” deadpan na sagot ni Officer Cruz. “Self-defense po. Siya po unang kumain ng ulam ko.” “Sit down,” sabay turo sa upuan. “Yes, Ma’am. With respect,” upo ulit si Berto. Tumahimik sandali ang process area. Tanging tunog ng electric fan na parang naghihingalo ang maririnig. “Evan,” mahinang tawag ni Mang Kulas. “Paglabas mo… anong una mong gagawin?” Napatingin si Evan sa sahig. “Hihinga. Walang bilang. Walang bantay. Walang orasan.” “At pagkain,” dagdag ni Berto. “Tunay na pagkain. Hindi ‘yung tinapay na parang sponge.” “Miss ko na adobo ng nanay ko,” bulong ni Evan, halos hindi marinig. Tahimik ang lahat. “Uy, drama na ‘to,” biglang sabi ni Jun-Jun. “Bawal ‘yan dito. Comedy area ‘to diba?” Napatawa si Evan. “Oo nga. Sabi ko nga dapat may laugh track tayo dito eh.” “Pwede tayo mag-‘Ha. Ha. Ha.’ sabay-sabay,” suhestiyon ni Berto. “Ha. Ha. Ha,” sabay-sabay nilang sabi, sablay at pilit. “Enough,” putol ni Warden Ramirez. “Belloro, pirma ka dito.” Inabot ang papel. Nanginginig ng bahagya ang kamay ni Evan habang pinipirmahan. Hindi sa takot kundi sa bigat ng anim na taong hinintay ang sandaling ito. “After this, fingerprint verification. Then locker. Then” tumigil ang warden. “then you walk out.” Nilunok ni Evan ang laway niya. “Sir,” bigla niyang sabi. “Pwede po bang magtanong?” “Make it quick.” “Yung anim na taon ko po ba… may resibo?” Nagtaasan ang kilay ng mga preso. Si Officer Cruz ang unang natawa, mabilis tinakpan ang bibig. “Funny guy,” sabi ni Warden Ramirez, pilit ang ngiti. “Maybe too late to be a comedian.” “Six years too late, Sir,” sagot ni Evan. Habang tinatanggal ang posas sa kanya, lumapit si Berto. “Pare… huwag mo kaming kalimutan ha,” seryoso na siya ngayon. “Hindi ko kayo makakalimutan,” sagot ni Evan. “Kayo ang patunay na kahit nasa impyerno ka, may mga taong marunong magpatawa.” “At umutot,” dagdag ni Mang Kulas. “Lalo na ‘yon,” tawa ni Evan. “Belloro!” sigaw ni Warden. “Move!” Tumayo si Evan. Humarap sa mga kasamang preso. Tumingin sa bawat mukha mga taong nakilala niya sa pinakamasamang yugto ng buhay niya. “Mag-iingat kayo,” sabi niya. “At tandaan n’yo… hindi kayo ang kaso n’yo.” Tahimik sila. Walang biro. Walang tawa. Habang naglalakad si Evan papunta sa susunod na pinto ng process area, naramdaman niya ang bigat at gaan nang sabay. Anim na taon ang kinuha sa kanya. Pero buhay pa siya. At sa labas ng pintuang ‘yon, may mundo pang naghihintay kahit hindi pa siya handa. “Hoy, pare… saan ka sasakay?” Napahinto si Evan sa mismong tapat ng City Jail gate, dala ang maliit na brown envelope na naglalaman ng buong mundo niya sa kasalukuyan: isang lumang ID, release papers, at ₱1,000 na parang mas manipis pa sa pasensya ng warden kanina. Napalingon siya sa boses. Isang tricycle driver ang nakangiti, tila handang ihatid siya saan man basta may bayad. “Ah… wala. Lakad lang,” sagot ni Evan. “Sigurado ka? Mainit, pare. Mukha ka pang bagong laya ah,” sabi ng driver sabay tawa. “Ganun ba kahalata?” napakamot sa batok si Evan. “Oo. Yung lakad mo parang ‘di sanay sa sidewalk,” biro ng driver. Ngumiti si Evan, pilit. “Practice lang. Salamat.” Tumakbo na ang tricycle, iniwan siyang mag-isa sa gilid ng kalsada. Walang naghihintay. Walang yakap. Walang “welcome home.” Hindi na siya umasa. Matagal na niyang tinanggap na para sa pamilya niya, siya ang salot, ang kahihiyan, ang pangalan na binubulong lang kapag walang bisita. “Okay lang,” bulong niya sa sarili. “Hindi naman masakit. Medyo lang.” Sinimulan niyang maglakad. “TAHOOOOOO!” Napalingon agad si Evan, para bang may tumawag sa kaluluwa niya. “Ay puta… buhay pa pala ako,” natawa siya mag-isa. Isang matandang magtataho ang dumaan, may dalang dalawang bakal na timba, pawis na pawis pero malakas pa rin ang boses. “Kuya!” tawag ni Evan. “Magkano na taho ngayon?” “Sampu, kinse, bente depende sa pagmamahal mo sa sarili mo,” sagot ng matanda. “Grabe, kuya. Philosophy na ah,” tawa ni Evan. “Eh ikaw, mukha kang may pinagdadaanan,” sabi ng magtataho habang sinasandok ang taho para sa ibang bata. “Lahat naman tayo,” sagot ni Evan. “Sige kuya, sampu lang muna. Budgeted ang buhay.” “Ganun talaga. Welcome back sa labas,” bulong ng magtataho sabay abot ng baso. Napahinto si Evan. “Paano n’yo nalaman?” Ngumiti lang ang matanda. “Sa mata. Ganyan mata ng mga taong unang beses ulit nakakakita ng mundo.” Hindi na sumagot si Evan. Uminom na lang siya ng taho. Mainit. Matamis. Totoo. “Salamat, kuya,” sabi niya. “Ingat sa lakad,” tugon ng matanda bago muling sumigaw, “TAHOOOOOO!” Habang naglalakad si Evan, napansin niya ang mga batang naglalaro sa gilid ng kalsada may lata, may tsinelas, may improvised na bola. “Kuya! Kuya!” sigaw ng isang bata. “Panoorin mo kami!” “Anong laro ‘yan?” tanong ni Evan. “Patintero… pero upgraded,” sabi ng bata. “Paano upgraded?” “Pag nahuli ka, may dagdag na taya maghuhugas ka ng pinggan sa bahay ni nanay!” “Grabe. Mas mabigat pa ‘yan sa sentensya ko ah,” biro ni Evan. Nagtawanan ang mga bata. “Kuya, gusto mo sumali?” tanong ng isa. Napatingin si Evan sa paa niya. Sa kalsada. Sa oras. “Next time,” sabi niya. “Sa ngayon, naglalakad muna ako papunta sa… ewan.” “Saan ‘yun?” sabay-sabay nilang tanong. “Eksakto,” sagot niya, sabay kindat. May dumaan na dyip sa harap niya. “Quiapo! Quiapo! Isang sakay na lang oh!” Napahinto si Evan. Napatingin sa bulsa. Dinukot ang ₱1,000. Tiniklop. Ibinilang sa isip. “Hindi. Lakad muna,” bulong niya. “Kuya sasakay ka ba o maglalakad ka hanggang tumanda ka diyan?” sigaw ng konduktor. “Exercise po. Doctor’s order,” sigaw pabalik ni Evan. “Sinong doctor?” “Si Mang Kulas,” sagot niya sabay tawa, kahit wala namang nakaintindi. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Dumaan sa karinderya. “Adobo! Menudo! Lumpia!” Huminto ang sikmura niya. Literal. “Ate,” tawag niya. “Magkano ulam?” “Sisenta. Kanin dose,” sagot ng tindera. Mabilis na nag-compute ang utak ni Evan. “Ah… next time na lang po,” ngiti niya. “Kuya, mukha kang gutom,” sabi ng tindera. “Mukha lang po. Artista po ako,” biro niya. “Ah kaya pala. Extra ka sa drama,” tawa ng tindera. Habang papalayo, narinig niya ang dalawang lalaking nag-uusap sa gilid. “Pare, nakita mo ‘yun? Parang galing kulungan.” “Oo nga. Mukha.” Napahigpit ang hawak ni Evan sa envelope. “Relax,” sabi niya sa sarili. “Hindi lahat ng tingin, hatol.” Huminto siya sa overpass, tumingin sa baba mga sasakyan, mga tao, bawat isa may pupuntahan. “Ako… meron ba?” tanong niya sa hangin. “Oo naman,” sagot ng isang lalaking biglang tumabi sa kanya. Mukhang vendor. Nagulat si Evan. “Ha?” “Lahat may pupuntahan. Kahit ikaw,” sabi ng lalaki sabay abot ng flyers. “Insurance ka ba?” “Ay hindi po,” tawa ni Evan. “Kakawala ko lang sa sistema, ayoko muna pumasok ulit.” “Ah ganun ba,” sabi ng lalaki. “Ingat sa lakad ha.” “Ikaw din,” sagot niya. Lumalim ang hapon. Umiinit ang kalsada. Dumami ang tao. May nadaanan siyang simbahan. Huminto siya saglit. “Hindi pa ako handang pumasok,” bulong niya. “Baka masunog agad.” May dumaan na matandang babae. “Iho, may oras ka ba?” tanong nito. “Meron po. Buong araw,” sagot ni Evan. “Salamat. Akala ko wala na akong oras,” sabi ng matanda sabay lakad palayo. Napangiti si Evan. “Ang gulo ng mundo,” sabi niya. Sa wakas, napagod siya. Umupo sa waiting shed. Katabi niya ang isang lalaking naka-sando. “Pare, mukhang bagong labas ka ah,” sabi nito. Napabuntong-hininga si Evan. “Ganun ba talaga kahalata?” “Oo. Ganyan din ako noon,” sagot ng lalaki. “Pero okay na ngayon. Buhay pa.” Tahimik sila sandali. “Pare,” sabi ng lalaki. “Kahit wala kang sundo… welcome back.” Napalunok si Evan. “Salamat,” mahina niyang sabi. Tumayo siya muli. Huminga nang malalim. Naglakad muli walang direksyon, walang kasiguraduhan, pero malaya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

His Obsession

read
104.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.3K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook