...to be continued... EVAN POV Hindi ko alam kung saan ko hinuhugot ang lakas ko. Siguro sa galit. Siguro sa takot. O baka sa isang bagay na mas delikado pagmamahal. Ang mundo ko ay umiikot sa isang imahe lang si Diyosa, nakagapos, umiiyak, at pilit lumalaban habang pinagtatawanan ng mga halimaw na ito. Ang bawat hikbi niya ay parang kutsilyong paulit-ulit na sumasaksak sa dibdib ko. “Evan…” mahina niyang tawag, halos wala nang boses. “Hindi ko na kaya…” At doon ako tuluyang nabaliw. Hindi ko na naramdaman ang sakit ng mga sugat ko. Hindi ko na naramdaman ang dugo sa mukha ko. Ang naramdaman ko lang ay ang matinding pangangailangan na iligtas siya kahit isang segundo lang, kahit isang hakbang lang palayo sa impyernong ito. Napansin ko ang lubid sa pulso ko. Basa na ito ng dugo at pa

