bc

Lucas' Lost Memory

book_age16+
1.6K
FOLLOW
12.7K
READ
family
sensitive
CEO
drama
twisted
bxg
mystery
office/work place
weak to strong
victim
like
intro-logo
Blurb

Mula noong unang magkita sina Gaia at Lucas dahil sa aksidenteng pagkakasuntok ng dalaga sa binata, unti-unting bumabalik sa alaala nito ang masamang panaginip na matagal nitong kinukubli. 

Habang nanunumbalik sa lalaki ang mga pira-piraso ng kanyang memorya, may mga alaala rin si Gaia na nakikita sa kanyang panaginip na may pagkakapareho sa binata ngunit nagtataka siya kung bakit naroon siya sa mga pangyayaring iyon. 

Siya na ba ang susi para sa mga alaalang pinilit ni Lucas na maibaon na lamang sa limot?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
MAHAPDI ang mga mata ni Gaia nang magising dahil sa pagtunog ng alarm clock niya.  Maaga siyang nakauwi kaninang umaga galing sa graveyard shift pero dahil sa pagkasabik sa text message na nabasa, hindi na siya nakatulog nang maayos.  "Ang bilis ng oras. Alas dos y media na kaagad ng hapon." Nakasimangot siyang tinanggal ang eye mask at naupo sa kama saka niya binasang muli ang text message na galing sa nobyong si James. From: James Message: 4 P.M. later. Kung saan kita sinusundo. Just wait for me. I'll pick you up.  "Hindi mo naman siguro ako paaasahin ngayon, ano?" tanong niya sa kanyang cellphone. Hindi siya nag-reply.  Inayos niya ang magulong kama bago lumabas ng kwarto.  Nabungaran niya si Tristan na bumibirit ng paborito nitong kanta habang ikinikembot ang baywang sa saliw nito.  "Nagluluto ka tapos sumasayaw? Nagdo-double tasking ka na pala ngayon?" pang-aasar niya sa pinsan at saka naupo sa dining area.  "Wala kang pakialam." Inirapan siya nito at bumalik sa ginagawa.  Nakahain na sa mesa ang sinangag at hinihintay niya na lang ang ulam nilang dalawa.  "Bakit pala ang aga mong nagising? Hindi ba, 6 P.M. pa ang shift mo?" tanong nito pagkalagay ng pinggang may hotdog sa mesa.  Tinanggal nito ang apron na suot at hininaan ang pagpapatugtog.  "James will pick me up at 4 P.M." Nauna siyang kumain kay Tristan dahil hindi na siya nakapag-almusal pag-uwi kaninang umaga at dumiretso na sa kwarto upang matulog.  "Si James na pinaghintay ka ng apat na oras noong nakaraang linggo dahil 'yan din ang sabi niya sa 'yo." Siya naman ang inasar nito.  "Excuse me, magkaiba 'yon sa ngayon. May importante siyang ginawa kaya hindi niya ako naihatid," pagtatanggol niya sa nobyo.  "Eh 'di nag-text man lang sana siya sa 'yo para hindi ka naghintay ng gano'n katagal. Mukha kang inihaw na daing no'ng makita kita patawid, eh."  "Hayaan mo na. Alam mo naman kung anong sitwasyon namin, eh," mahinahing sabi niya sa pinsan.  Marinig pa lamang kasi ni Tristan na binabanggit ni Gaia ang pangalan ni James ay napapataas na ito ng kilay.  "Oh siya. Sige na. Ayoko rin makipagbangayan sa 'yo dahil kagigising mo lang. Sige, kumain ka na riyan. Busugin mo sarili mo hanggang sa hindi ka na makahinga," pabirong sabi nito at saka sumabay na ng kain sa dalaga.  "Thank you, Mother." Nakangiti ito habang ngumunguya.  "Oo nga pala, maiba tayo. Kailan mo dadalawin si Tita Amor? Huwag mong kakalimutan 'yon next week."  "Actually, muntik ko na talagang makalimutan. Salamat sa pagpapaalala, Tristy."  "Kung hindi ka sasabay sa amin ni Papa, make sure na magpunta ka sa araw na 'yon. Alam kong off mo no'n kaya pumunta ka kung ayaw mong si Tita ang dumalaw sa 'yo."  "Oo na. Pupunta ako. Hindi ko makakalimutan. Heto na nga eh, ise-save ko na." Kinuha niya ang cellphone at s-in-ave sa kalendaryo ang death anniversary ng ina. Pinakita niya pa ito kay Tristan para makuntento ang pinsan.  "Ayan, very good. Isa pa..."  "Ano na naman? Hindi ako makakain nang maayos dahil sa kadaldalan mo." Kumuha siya ulit ng hotdog at inilagay ito sa plato.  "May nakita akong bagong milk tea cafe sa Sta. Lucia. Dinudumog ng mga tao kaya for sure, masarap sila magtimpla roon. Tapos, ang popogi pa ng mga waiter at nagtitimpla, grabe," eksaheradang kwento ni Tristan sa kanya.  Nakangiting umiiling si Gaia habang patuloy na nagkukwento tungkol sa cafe at mga gwapong nagtatrabaho roon.  Naligo na siya matapos kumain at d-in-ryer ang buhok. Kailangan kahit paano'y maganda siya ngayong araw. Mula ng mag-rest day ang nobyo ay hindi pa sila nagkikitang dalawa.  Sinuot niya ang isang kulay baby blue peplum top at faded jeans na tinupi ang laylayan.  Paulit-ulit niyang sinuklay ang mahaba at kulot niyang kulay lilang buhok. Naglagay siya ng paborito niyang old rose na lipstick at sinulyapan ang sarili sa salamin.  Sa wakas, magkikita na rin tayo after so many days... Lumabas siya ng kwarto. Nakita niyang nanonood ng T.V. si Tristan habang prenteng nakataas ang paa nito sa mesa.  "Bakla, aalis na ako." Muli itong nanalamim sa tabi ng pinsan at inayos pa ang buhok. "Tigil-tigilan mo 'yang kaaayos ng buhok mo. Naiirita ako. Papasok ka lang, Gaia. Susunduin ka lang. Kung makapag-ayos ka naman akala mo makikipag-date ka," alaska nito sa kanya.  "Oo na. Diyan ka na nga. Alam mo, kaya hindi ka nagkaka-lovelife, eh. Kasi napakasungit mo."  Binato pa siya ni Tristan ng unan bago lumabas ng pinto.  Masaya siyang naglakad mula sa condominium hanggang sa may pedestrian lane kung saan naghihintay ang mga taong tatawid.  Doon niya ito palaging hinihintay para hindi na magpa-park si James.  Kinse minuto bago mag-alas kwatro siya nakarating doon. Medyo marami ang taong tatawid patungo sa Marikina Sports Center kaya gumilid muna siya.  Lumipas ang trenta minuto ngunit hindi niya pa rin naaaninag ang plate number ni James sa mga kotseng dumadaan sa highway.  "James, nasaan ka na?" mahinang tanong niya sa sarili habang hawak ang cellphone na nakalagay sa baba.  Tinatamaan na siya ng init ng kahapunan sa gawing iyon ngunit hindi siya pwedeng umalis upang sumilong sa shed ng ospital na malapit lang doon dahil baka hindi siya makita ng lalaki. Binuksan niya ang cellphone at muling binasa ang message nito. Baka nagkamali lang siya sa pagkakabasa ng oras dahil sa excited siyang makitang muli ang lalaki.  From: James Message: 4 P.M. later. Kung saan kita sinusundo. Just wait for me. I'll pick you up.  Ngunit hindi siya nagkamali sa nabasa. Talaga ngang alas kwatro silang dalawa magkikita rito.  Lumapit siya sa may gutter ng kalsada. Baka mayamaya'y makita niya na si James kung dito siya pumwesto.  Hindi nga siya nagkamali. Nakita niya ang isang kulay abong Mistubishi Mirage na dahan-dahang lumapit sa gawi niya.  Sinasabi ko na nga ba. Hindi mo ako bibiguin.  Abot-tainga ang ngiti niya nang makitang si James nga ang lulan ng kotseng iyon. Huminto 'yon sa harap niya hindi dahil pagbubuksan siya ng pinto kundi dahil nakakulay pula ang traffic light.  Unti-unting natanggal ang lapad ng pagkakangiti niya nang makita kung sino ang kasama nitong nakaupo sa passenger's seat.  Labis siyang nilukuban ng kaba. Agad nanlamig ang mga kamay at paa niya at kumalat ito hanggang sa kanyang tiyan. Napakalakas ng pintig ng puso niya at tila ba pakiramdam niya ay lumalaki ang kanyang ulo.  Napaatras siya. Mabuti na lang at nakasuot siya ng ball cap dahil kung hindi sobrang mapapahiya siya kung makita siya ni James na parang tangang naghihintay roon.  Narinig niya pang tumatawa ang dalawa dahil nakabukas ang bintana sa gawi niya. Mabuti na lamang at hindi lumilingon ang dalawa dahil talagang kakaripas siya nang takbo pauwi at hindi na papasok sa shift niya ngayong araw.  Mabilis na pinatakbo ng lalaki ang kotse nang makitang nagkulay berde na ang kaninang pulang ilaw. Doon lang siya nakahinga nang maluwag. Napaupo siya kung saan siya nakatayo. Ngayon niya naramdaman ang pagkangawit ng mga tuhod sa humigit-kumulang kwarenta y singko minuto niyang pagtayo.  Napayakap siya sa kanyang mga tuhod. Wala siyang ibang magagawa kundi ang mag-commute patungo sa opisina dahil hindi na siya masusundo ng lalaki.  Muli siyang tumayo at tiningnan ang relo sa cellphone. Mag-a-alas singko na. Hindi siya pwedeng ma-late ngayon dahil nakakakota na siya sa team leader niya.  Nang magkulay berde ang ilaw sa pedestrian lane ay sumabay siya ng lakad sa mga taong patungo sa may Big Clock. Nagdire-diretso siya nang lakad hanggang sa marating niya ang sakayan ng jeep papuntang Pasig.  Paborito niyang upuan ang pinakadulong bahagi ng jeep dahil mas mabilis siyang nakakababa kapag doon siya umuupo. Hinintay niya lang na mapuno ito at saka nagbayad.  Napasimangot siya nang maisip ang nangyari kanina. Sa tatlong buwan nilang magkarelasyon ni James ay hindi pa niya ito napapatawa nang katulad nang narinig at nakita niya kanina.  Mukhang tama yata si Tristan sa sinabi niya kanina. Siguro dapat hindi na muna ako umasa kasi alam kong masasaktan lang din naman ako sa huli... SAKTONG kinse minuto na lang nang makarating siya sa office lobby nila. Mabuti na lang at hindi niya nakita si James na naghihintay roon.  Iniisip niya pa nga kung hindi ba talaga siya nakita ng lalaki o nagkunwari lang itong hindi siya nakita dahil may kasama ito sa kotse.  Nag-biometrics muna siya bago naglakad papunta sa hallway at inilagay ang bag sa locker kung saan katabi ng locker ni James. Muli siyang naglakad papunta sa production floor at binuksan ang pinto.  Nakita niyang naroon na ang mga ka-team mates niya ngunit hindi niya makita ang lalaki.  Dalawang team na lang sila pagdating ng ganitong oras. Ang team na kinabibilangan niya ay alas sais ang pasok at ang ikawala naman ay mamaya pang alas diyes magsisipagdatingan kaya sila-sila lang talaga ang magiging tao roon.  "Good morning," walang gana niyang batj kay Nestle. Naupo ito sa tabi ng dalaga at saka binuksan ang CPU at monitor.  "Mukhang may nangyaring hindi maganda base sa mukha mo. What happened?" tanong nito sa kanya habang nagbabasa ng e-mail.  "Akala ko masusundo niya ako ngayong araw. Kaso nakita ko siyang kasama si M," aniya sabay tipa sa keyboard upang maka-log in sa account niya.  Inayos ni Nestle ang swivel chair na kinauupuan at sumandal. Tiningnan nito si Gaia na nagbabasa ng mga e-mail.  "Nandito na siya kanina pa. Mukha ngang masaya siyang pumasok," saad nito.  "Ayoko na muna siyang pag-usapan. Mas poproblemahin ko kung paano ako makakapasa ngayong buwan dahil tadtad na naman ng negative feedback ang survey ko," malungkot niyang sabi.  "Hi, love." Marinig niya pa lang ang boses ni James ay bumibilis na kaagad ang t***k ng puso niya.  "H-hi." Hindi niya ito pinansin at nagbasa lang kunwari ng e-mail.  "Hey, I am sorry." Agad nitong pinaikot ang swiv chair kung saan nakaupo si Gaia upang maiharap ito sa kanya.  "O-okay lang 'yon. May next time pa. Baka nakalimutan mo lang na dapat susunduin mo ako ngayon," pagsisinungaling niya sabay ikot muli paharap sa monitor.  "I am with Matilde kanina kaya hindi kita nasundo. Alam mo naman, eh. Hayaan mo, bukas, I promise that I'll pick you up." Hinawakan siya nito sa kamay at humalik.  "S-sige na. Mag-log in ka na sa tools, anong oras na." Dahan-dahan niyang binawi ang kamay at muling nagbasa ng mga e-mail.  "Gaia, huwag ka munang mag-change aux to available. Mag-coaching mode ka na muna," utos ni Henry na TL ni Gaia. Napabuntong-hininga siya. Mukhang alam niya na kung bakit.  "Yes, Henry."  "Meet me at the huddle room. We need to talk." Pagkaalis na pagkaalis ng lalaki ay napayuko siya sa cubicle niya.  Hindi pa man nagsisimula ang shift niya pero paniguradong sasakit na ang ulo niya sa ibabalita nito.  "Bakit pinatawag ka na naman?" malambing na tanong ni James sa kanya.  "I've received three negative feedback. Hindi pa kasama doon 'yong nakuha kong isa kahapon. Bumaba 'yong stat ko ng 75%," paliwanag niya sa lalaki.  "Don't worry, everything will be alright. Makakabangon ka rin ulit. Tutulungan kita." Muli nitong hinawakan ang kamay niya at inilagay sa pisngi.  Nang pumatak ng alas sais ang orasan ay sinunod ni Gaia ang sinabi ni Henry. Nagpalit siya ng aux at sinara ang PC. Hindi na siya pinansin ni James nang makatayo dahil may mga ka-chat na itong kliyente.  Dali-dali siyang pumunta sa huddle room kung saan naghihintay si Henry.  "Have a seat." Umupo ito sa tapat ng lalaki at yumuko.  "Mukhang alam mo na kung bakit kita pinatawag." Tumango siya.  "Tatlong buwan nang mababa ang scores mo, Gaia. Kung hindi pa papasa ang scores mo ngayong buwan, baka ma-under observation ka o mas malala, baka ma-board review ka," mahinahong pagpapaliwanag nito.  "TL, nahihirapan na ako," aniya at saka sinuklay ang buhok.  "Nahihirapan ka na. Saan? Sa trabaho ba o sa sitwasyon mo ngayon?" Inilapag ni Henry ang performance sheet niya ngunit hindi niya na 'yon tiningnan pa dahil alam naman niyang lumagpak siya. "Pareho..."  "Gaia, I have something to tell you."  "Ano 'yon, TL?"  "Nakakakutob na si Matilde na nasa production floor natin ang girlfriend ni James kaya mag-ingat-ingat ka."  Nilingon niya si Henry.  "P-paano niya nalaman?"  "Hindi ko alam. Narinig ko lang ang usapan nila ni Rosie pagkatapos ng meeting namin kanina. Hindi ko alam kung sino ang nagsabi o paano niya nalaman. Basta narinig ko lang na alam niyang nasa prod natin ang girlfriend ng fiancé niya," paliwanag nito.  Nakaramdam siya ng p*******t ng ulo. Tila ayaw niya nang mag-process ng chats ngayong araw at umuwi na lang dahil paniguradong mayamaya'y nariyan na si Matilde.  "At, isa pa..."  "Ano 'yon, TL?"  "Buntis si Matilde."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Cheating Heart

read
41.7K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.9K
bc

Unexpected Romance

read
38.7K
bc

PROFESSIONAL BODYGUARD ( Tagalog )

read
171.6K
bc

Love Donor

read
87.0K
bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
166.3K
bc

OSCAR

read
227.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook