HINDI makapali si Lucas habang nasa kanyang kwarto. Pagpasok niya sa shower room ay napaatras pa siya nang mapihit ang malamig na tubig na bumuhos sa kanyang katawan. Ngayon niya nararamdaman kung paano nagiging kumplikado ang isang misyon ng bawat ahente sa Black Moon. Napakahirap mag-isip kung ganito ang sitwasyon nila. Pakiramdam niya ay magiging pilay sila ngayon dahil sa nangyari sa tiyahin kahit na alam niya namang si Six talaga ang nagpapatakbo ng organisasyon. Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan. Nakayuko lang siya at pikapakiramdaman ng pagdaloy ng maligamgam na tubig mula sa kanyang ulo hanggang sa paanan. Sa bawat pagpikit niya ay hindi pwedeng hindi niya makita ang ngiti ni Gaia. Na-mi-miss niya na nang sobra ang babae at ipinapangako niya na pagkatapos ng lahat ng ito hind

