NABALOT na ng takot si Gaia at wala na siyang maintindihan sa mga sumunod na sinabi ni Six habang patuloy sila nitong kinakausap. Una niyang inisip ang kalagayan ng ama. Hinding-hindi siya makakapayag na madamay ito sa kung anuman ang balak ng amain sa kanya. Wala rin siyang maisip na posibleng gawin sa kanya kung sakali mang makuha siya nito. Ni hindi rin alam nina Six hanggang sa ngayon kung ano nga ba ang pakay ni Temyong kay Gaia. Kung ang sitwasyon naman ni Bettina ang pag-uusapan, posible pa silang magkaroon ng hinuha dahil gustong-gusto nitong maangkin ang babae. “Pasensya na talaga kayo at hanggang ngayon ay patuloy naming pinag-aaralan pa kung ano ba talaga ang mga plano niya. Basta’t isa lang ang sinisigurado namin, hind ilang ikaw ang gusto niyang kunin pati si Bettina

