“You are so evil, lolo,” ang eksasperadong komento ni Joleen nang umagapay ito sa pag-akyat ni Lolo Nemo sa grand staircase ng mansyon. Hindi sinasadya ni Joleen na marinig ang usapan sa pagitan ng matandang patriyarka ng mga Aseron at ng kaibigan ng malapit na niyang maging cousin-in-law na si Shebbah. At sa totoo lang, nahirapan siyang pigilan ang mapabungisngis habang pinakikinggan ang lolo niya sa paghahabi nito ng mala-soap opera’ng istorya patungkol sa nakaraan ni Flynn. Oo nga at maagang namatay si Tita Fionna, ang ina nina Flynn at Ethan. Pero hindi naman na batang-bata ang magkapatid nang mangyari iyon. Dise-otso na si Flynn noon at dise-siyete naman si Ethan. And as for

