When you used to work as an undercover cop, the things that kept you alive while you are on the job is deeply ingrained in your bones. Kaya naman papasok pa lang si Flynn sa front door ng bahay niya ay naka-alerto na siya laban sa taong batid niyang nasa loob ng dapat ay bakanteng bahay niya. Gustuhin man niyang bumunot ng baril ay wala siyang bitbit nang mga sandaling iyon. Bagamat licensed to carry pa rin siya, mula nang maging sila n Dana ay iniwasan na niyang palaging may nakasukbit na baril sa baywang niya. She’s the least violent person he knows at ayaw niyang takutin ito sakaling makapa nito ang baril niya sa tuwing niyayakap siya nito. Bukod doon, sa sakit nitong accident-prone, malamang aksidenteng matanggal pa nito ang safety lock ng baril niya, makalabit iyon a

