“Dana? Bakit nandito ka?” pukaw ni Flynn sa tahimik na pagmumuni-muni ng nakatalikod na pigura ni Dana habang nakadungaw ito sa balkonahe ng entertainment room ng castillo. Inaasahan niyang sa studio niya ito matatagpuan at hindi dito sa entertainment room. Siguro mas maaga nitong natapos ang finishing touches sa ginawa nitong painting niya. Kadarating lang niya mula sa pagbisita sa bahay ng kababata at matagal nang kaibigang si Alejo na bagong kasal sa nobya nitong si Angela. Pag-ari ng pamilya ni Alejo ang kanugnog na lupain ng Aseron Farms. Kaya si Alejo ay isa sa mga madalas nilang makasama magpipinsan noon sa tuwing summer vacation at binubulabog nila ang buong isla. Paakyat na siya sa ikatlo

