There was an indulgent smile on Flynn’s lips as he listened to Dana’s amusing anecdotes about her adopted family. Bagamat hindi pa niya nakikilala ng personal ang tatlong estrangherong kinupkop nito at itinuturing na pamilya, pakiramdam niya ay matagal na niyang kakilala ang mga iyon base sa makukulay na kwento nito tungkol sa mga iyon. “They’re lucky to have you, babe,” aniya. “No. Sa tingin ko ako ang maswerte na nakilala ko sila. I mean, pwedeng hindi nila tanggapin ang alok kong tumira sa bahay at maging kapamilya ko, hindi ba? Pero pumayag sila at ngayon ay itinuturing akong parang tunay nilang kadugo. Mamsie treats me like his daughter, Gamay treats me like her younger sister and Goyong treats me like his older sister. Hindi nila ako hinayaang mag-isa sa bahay ko nang tangga

