Masusing minamasdan ni Dana ang half-finished niyang obra habang nakatayo sa tapat ng canvas na ipinwesto niya ilang metro mula sa b****a ng Sunken Garden. It has been five days since Shebbah and Ravin’s wedding. Sa ngayon ay nasa honeymoon na ang dalawa. At si Ceza naman ay bumalik na rin sa Manila kasabay ng ibang kamag-anak ni Shebbah. Samantalang siya naman ay ginugol ang nakaraang mga araw sa pagsisimula ng pagbabalik-trabaho niya. Maganda ang natural light sa studio na ipinapaggamit sa kanya ni Lolo Nemo. Ngunit mas gusto niyang dito sa tapat mismo ng ipinipinta niyang hardin siya magtrabaho. “Hey!” Nanigas ang buo niyang katawan pagkarinig sa pamilyar na baritonong tinig na iyon mula sa likuran niya. Dahan-dahang inilapag niya ang hawak niyang paintbrush sa ibab

