Kabanata 6

2212 Words
At kahit gustuhin ko man pabagalin ang usad ng araw ay lubos itong imposible. Tulad ng mabilisang pagdaan ng mga araw, mabilis din dumating ang tuluyang naming pag-alis. "Ingatan mo ang sarili mo habang nandoon ka, hija." paalala ni Manang Desa nang huminto kami malapit sa kotseng sasakyan paalis. Nasa tabi niya si Danah naman na bitbit ang itim na duffle bag na para sa kin. "Huwag kang mag-alala señorita tatawagan kita ng madalas para kumustahin." napangiti ako sa singit ni Danah. Naalala ko ang mumurahing phone niya na pinaheram sa akin. Noong una ayaw kong kunin pero nagpumilit siya. Kung tutuusin tatlong araw lang ako malalayo sa hacienda pero baka nga kailanganin ko ito. "Kung kukulitin ka lang ng batang ito hija ay huwag mo n alang sagutin ang mga magiging tawag niya sa’yo." paalala ni Manang Desa na mabilis na nagpabusangot kay Danah. "Inay naman eh." nakangiting pinagmasdan ko silang mag-ina nagbabangayan nang biglang mapadako ang paningin ko sa lugar na hindi kalayuan sa amin. Standing with such power and pride, Regon is strictly talking with some of the workers of the hacienda Monsuegra. Bahagyang nagpakaba sa puso ko ang makitang seryoso at bahagyang salubong ang mga kilay habang may sinasabi sa mga ito. Hindi ko maitanggi ang intensidad sa bawat paggalaw ng panga niya at magandang hubog ng labi. His presence speaks supremacy. Makikita na kahit karamihan sa mga trabahador ay hindi hamak na mas matanda sa kanya ay nagagawa niyang makuha ang respeto ng mga ito para sa kanya. Kita ko kung paano tumango at hangaan siya ng mga ito sa kung ano mang sinasabi niya. Mabilis kong inalis ang mata sa kanya nang bigla siyang sumulyap sa gawi namin. Ang kaalamang baka nakita niya ang pagmamasid ko sa kanya ay mas lalo lamang nagpatahip sa puso ko. Hindi nawala ang kaba sa sistema lalo na noong tuluya na kaming umalis. Napansin ko na bago tuluyang lumabas ang kotseng sinasakyan namin sa arkong may 'Hacienda Monsuegra' ay may dalawang itim na kotse rin ang sumunod sa amin sa buong biyahe. Sina Mang Cesar at Mang Roy, ang mga driver na magpapalitan sa pagmamaneho. Parehas silang nakaupo sa harapan bahagi ng sasakyan. Ako at si Regon naman ay sa magkabilang dulo ng backseat parehas nakaupo. Sa aming dalawa, ako ang tensyonado at siya naman ay abala sa maraming tawag. "Let them suffer, Allan. That's the consequences for changing their supplier behind my back." Mariin at pinal sa sabi niya sa kausap. Sumulyap ako sa kanyang lugar kaya mas malapitan kong nakita ang pagtiim-bagang niya. Ang madiin at madilim niyang mata ay mas nadepina ng magkakapal na kilay. Nanatili ang tingin ko sa kanya dahil napansing kong nag-iba ng kaunti ang ayos niya ngayon. Mula sa mga nakasanayan kong shirt na suot niya ay napalitan ito ng isang pormal na polo at tinupi hanggang siko. Tinernuhan niya ito ng isang pantalon din pero kulay itim at isang magandang combat boots. Muling bumalik ang mata ko sa mukha niya at halos lumabas ang puso ko dahil sa ay nakatingin na rin siya sa gawi ko na may mas salubong na kilay. Mabilis akong napatuwid ng upo at mabilis na nag-iwas ng tingin sa kanya. Ano bang pumasok sa isip ko na titigan siya? Sa pagkakataong ito nahuli niya ako! Kung pwede lang humiling sa lupa na lamunin na ako ay ginawa ko na dahil sa kahihiyan! Ilang segundong kabado ang lumipas nang nakahinga ako dahil wala naman siyang sinabi at nagpatuloy lang siya sa pagtanggap ng mga tawag. Pinanitili ko na lang ang paningin ko sa labas ng bintana at hindi na muling nagtangkang tingnan pa siya. It was a long travel for me. Nakatulugan ko na lang ang pagmamasid sa labas ng bintana. Muli lamang akong nagising nang maramdaman ko ang pangangawit ng leeg ko dahil sa hindi naging maayos na pwesto. Umayos ako ng upo at bahagyang inunat ang katawan. Napansin kong nakapagpalitan na sa pagmamaneho sila Mang Cesar kaya nasisiguro kong mahaba na ang naging biyahe namin. Dumako ang tingin ko kay Regon, maayos at pormal pa ring nakaupo pero ngayon ay nakasandal na ang ulo at nakapikit. Sa ilang segundo tinignan ko lang siya pero agad din naputol dahil sa biglang pagmulat niya. Nakatulog ba siya o pumikit lang? Mas umayos ako ng upo at naramdaman kong napatingin siya sa akin pero mabilis lang din dahil sa nagsalitang si Mang Roy. "Malapit na, señorito. Nasa labinglimang minuto na lang ho." tanging tango ang sinagot niya rito. Dahil sa narinig na iyon ay hindi ko maiwasan na makaramdam ng pangamba. Carmela Gaviola-Trejano o mas kilalang Donya Carmela ay ang nag-iisang kapatid ni Donya Adella. Ang kaalamang may galit ang pamilya nila ay nagbibigay ng takot sa akin. Iniisip ko ang magiging trato niya sa akin matapos ang naging paghaharap namin ni Amirah. Paano kung ganoon din katindi ang pagkamuhi niya sa akin? Ipinilig koi yon sa isipan at pinagmasdan na lamang ang magandang tanawin sa labas ng bintana. Habang tumatagal ay mas nagiging maganda at mapuno ang tinatahak ng sasakyan. Napansin kong maayos ang daan pero iilan lang ang nakakasalubong na mga sasakyan. Patunay lang ito na nagiging liblib na ang lugar. Nang lumiko ang sasakyan sa mas makipot na daan ay kaagad kong natanaw ang isang malaking bahay na nasa gitna ng malagubat na lugar. It is not as huge as the mansion in hacienda but this house is just so big. Mas lalo akong namangha nang tuluyang makababa sa sasakyan at mas malapitan ito. The first thing I saw was the impressive outdoor terrace furnished with cozy seating and fireplace. The exterior is just giving me a ranch house feel where wood materials are in perfect blend with the surroundings and the genuine rustic effect. For a moment, I got destructed by the place. Nang mapansing may mga sumalubong sa amin ay saka lang ako muling nabalik sa kasalukuyan. "Maligayang pagdating ho, señorito Regon." tumingin ang may edad na lalaki sa akin "At señorita. Kanina pa ho kayo hinihintay nila Madam." imporma niya habang may mga iba pang kumuha na sa mga gamit namin na nasa likod ng sasakyan. Ilang sandali lang ay napansin ko rin na nakaparada na ang mga itim na kotseng sumunod sa amin pagka-alis ng hacienda. Inisip ko na lang na siguro ay mga tauhan din ito ni Regon. Parehas kaming naglakad ni Regon papasok ng malaking bahay. Ako na nananatili ang pagkamangha, at siya na pamilyar na sa lugar. As we entered inside, we were greeted by an impressive social area filled with handcrafted furnitures, accessories and high ceilings. The wooden beams, exposed natural stone, generously-sized windows, a fireplace, fluffy cushions, and expansive glass walls created a warm connection with nature. "Regon, hijo.." mula sa kung saan ay lumabas ang dalawang tao na magkahawak ang kamay. "Tito Ben.." Regon responded behind me before walking towards them. Mabilis na nakaramdam ako nang panlalamig dahil sa may ideya na kung sino sila. They seemed so expensive and influential. Ang lalaki ay kahit may edad na ay nanatili ang kakisigan at kagandahang lalake. Mas bumata ang itsura niya sa suot na inner polo, gray coat at pants.  Mabilis na nagyakap ang dalawang lalaki bago humalik si Regon sa pisngi naman ng babae. "Finally, hijo. How are you?" "Fine, Tita. Have you been well?" malambing at nakangiting tumango ang magandang ginang sa kanya bago tumingin sa akin. "Siya na ba ang asawa ng kapatid mo?" tanong niya na hindi inaalis ang tingin sa akin. She looks regal with her very elegant retro golden dress, accessories, and medium length curly hair. Nanlamig ang sikmura ko sa sobrang kaba na ngayon ay may kaharap akong panibagong pamilya ng mga Monsuegra. "Yes." ang kalamigan sa sagot ni Regon ay mas nagpadoble sa takot ko. Mas bumilis ng tahip ng puso ko sa paglakad ng ginang papalapit sa akin. Hindi ko magawang iwasan ang tingin niya dahil pakiramdam ko hindi niya ito magugustuhan. Ayokong umisip ng masama para sa ginang pero ang kaalamang may galit ang pamilya nila sa akin ay nagiging sanhi ng hindi magandang pag-iisip. Ayaw kong may maulit pang hindi maganda sa pagitan ko at pamilya ng asawa. "So, it's you.." seryoso niyang sabi at pinagmasdan ang mukha ko. "You're really a beauty, hija. Totoo lamang ang sinabi ni Ricollo sa akin noon." Ang takot ko ay unti unting nalusaw dahil sa ngiting ibinigay niya sa akin bago humalik din sa pisngi ko. "Welcome to our home." Hindi ko alam kung anong magiging reakyson ko. Nanatili akong gulat at tulala lang na nakatingin sa kanya. Kung hindi pa namin narinig ang mahinang tawa mula sa matandang lalaki ay hindi matatapos ang tinginan namin. "Darling, stop scaring her." natutuwang sabi nito at lumapit sa tabi ng asawa. "Welcome here, hija. I'm Benedict Trejano, just call me Tito Ben." "What? Scaring her? Me?" hindi makapaniwalang sabi ng ginang at mabilis na bumaling mula sa akin. "Am I scaring you, hija?" alala niyang tanong na mabilis kong inilingan. "H-Hindi naman ho." sagot ko na muling kinatawa nalang ng asawang lalaki. "Oh sige na. Halina kayo at kumain na muna para makapagpahinga pagkatapos. Alam namin naging mahaba ang naging biyahe ninyo. Let's go, darling." maingat niyang inalalayan ang asawa habang kami ni Regon ay tahimik na sumunod. We had our early lunch on the outdoor terrace. Tahimik lang ako buong pagkain habang paminsan minsan pinagmamasdan ang kagandahan ng buong paligid. Karamihan sa naging usapan ay ang kamustahan nila, sa negosyo at iilang mga kwento sa pamilya nila. Benedict Trejano is a retired general. Nakilala niya ang asawang si Carmela Gaviola sa ibang bansa kung saan dating nagmomodelo ito noong dalaga pa. Hindi naman kataka-taka dahil hanggang ngayon ay napakaganda niya. Matapos ang tanghaliang iyon ay hinayaan muna kaming magpahinga. Unang umalis si Regon sa akin papasok sa loob ng bahay dahil nagtagal pa ako sa pagmamasid ng kapaligiran. Maliban kasi sa outdoor terrace nakita kong may isang pool sa gilid ng bahay na ang tubig ay nanggagaling sa maatas na parteng lugar. The water is coming from some natural water resource, might be the waterfalls somewhere near the place. Binabaan ko ito at nagtagal pa ng ilang minutong namangha. May kalakihan ang pool, malapit ditto ay ang mga eleganteng mga upuan at mesa rin na tama para pagpapahinga o pagkain. Mas naging maganda at malamig ang lugar dahil sa malabong na mga puno sa paligid. Kahit saang parte ka man tumingin ay mayroon kaya naman nakakagaan sa loob na pagmasdan ang kanuuan ng lugar. Pinagsawa ko ang mata sa paligid, noong makuntento ay sa lamang ako muling bumalik sa loob. Nang makapasok ako ay naalalang wala pala akong ideya kung saan ang silid na tutuluyan ko. Kinuha na ang mga gamit namin pero hindi ko alam kung saan ako magsisilid. Inikot ko ang paningin sa malaking bahay at agad na nakahinga ng maluwang nang may mapadaang isang kasama sa bahay. "Excuse me." tawag ko na agad naman niyang narinig kaya nilapitan ako. "Señorita?" Ang lumapit na babae ay sa tingin ko medyo bata pa. I think she’s between late twenty or thirty years old. "Uh Hi. Hindi ko kasi alam kung saan ang magiging silid ko. Saan dinala ang gamit ko?" tanong ko at nakitang bahagyang siyang napaisip doon. "Ang pagkakaalam ko ho señorita ang magiging silid para sa’yo ay ang isang malaki sa bandang dulong iyon." sabi niya na nakatingin at nakaturo pa sa malayong parte ng bahay. "Pasensya na ho kayo at bago pa lang ho kasi din ako dito." "Ah ganoon ba? Sige salamat." pasasalamat ko na tinanguan niya pero medyo napapakamot sa ulo niya. Iniwan ko siya doon na parang nalilito at may iniisip. Nang tuluyan akong matapat sa kalakihang pinto ay agad kong pinihit ang saraduhan nito. Kaya lang, halos mapatili ako dahil ang tumambad sa akin ay si Regon na kakalabas lang sa kung saan at tanging maliit na tuwalya ang tapis sa ibabang parte ng katawan. "Oh god!" napaatras ako sa hamba ng pinto at natuluyang nanigas. When our eyes met I started to hyperventilate. Ang tamang liwanag sa malaking bintana ay nagpakinang sa mga mililiit na butil ng tubig sa katawan niya. Unconsciously, I shamelessly gazed his body. His shoulders were so broad and tight. His chiseled chest looks so strong with some fine hairs extending to lower of that v-shape part. When I look at him again I suddenly feel my heavy breathing. His dark eyes are more intense right now. I wanted to run but before I could do that someone called me again. "S-Señorita! Señorita!" hinihingal na lumapit sa akin ang babae kanina. Wala sa sariling hinila kong bahagya ang pinto para hindi makita ang nasa loob. Nasa bandang gilid ang kinatatayuan ni Regon kaya nasisiguro kong hindi siya makikita. "S-Señorita nagkamali ho ako! Hindi ho pala riyan ang magiging silid ninyo. Sa kabilang silid ho pala ang sa inyo. Pasensya na po.. Pasensya na." Pumikit ako ng mariin para pakalmahin ang sarili. Nang makakuha ng lakas ay isang mabilis na sulyap ang ginawa ko sa kanya bago walang sabing tuluyang isinara ang pinto. Nang makapasok ako sa tamang silid ay nahahapong napaupo ako sa kama. Damn! I.. I almost see him naked!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD