Kabanata 5

1862 Words
Magkahalo ang damdamin ko sa paglipat ni Amirah. Hindi niya magawang manatili sa sarili nilang bahay dahil sa lalim nang pagkamuhi niya sa akin. Gayunpaman, kahit anong pakiramdam ang mayroon ako ngayon ay wala itong patutunguhan. Kung ako ang aalis, saan ako pupunta? Napabuntong-hininga ako bago nagpasyang lumabas ng silid. Sa araw na ito ay inaasahan namin ang pagdating ng doktor na muling kukunsulta sa kalagayan ko. Sa nakaraang araw, ito lamang ang naging alu ko sa sarili. Na hindi magtatagal ay babalik ang mga alaala ko. At kung mangyari man iyon kaagad ay hindi ko na kailangan pang manatili dito at pagtiisan ang galit ng mga Monsuegra. Pagbaba ko ay siya ring pagdating ng taong susuri sa akin. Kaagad namin siyang sinalubong ni Manang Desa. Medyo nagulat ako nang makita na iba ang lalaking ito sa inaasahan ko. Magiliw siyang bumati kay Manang bago tumuon ang atensyon sa akin. "You must be Bianca?" he is way younger from the previous doctor I met. "I am Carlos Grazia. It's my pleasure to meet you." Pakilala niya sa inilahad ang kamay na agad kong tinanggap. Habang nagpapakilala siya ay nagawa kong pagmasdan siya. His white long sleeve polo and slacks are revealing the shape of his well-developed body. He got smooth white complexion, clean-cut hair, strong jawlines, sharp eyes, pointed nose and a pair of pinkish lips. With his looks, he could pass any celebrity I’ve seen on television. Ilang segundo rin akong namangha sa kanya. Kung hindi ko pa narinig ang utos ni Manang Desa na dalhan kami ng inumin ay hindi ako matatauhan. "U-Uhm yes Bianca. Nice to meet you, Mr. Grazia.." "Oh please just call me Carlos. Hindi na iba sa akin ang pamilyang ito." tugon niya saka tinuro ang upuang malapit sa kanya. "Hija, anak siya ni Doc Carlito Grazia. Ang doktor na sumuri sayo noong nasa hospital ka pa at wala pang malay. Doktor din siya gaya ng ama niya." imporma ni Manang Desa nang makaupo na rin ako. "My father is currently working on his research aboard. Kaya ako na muna ang titingin sa kalagayan mo simula ngayon." Tumango ako bilang sagot sa kanya bago siya nagsimula sa iilang pagsusuri sa akin. Hindi naman ganoon kakumplikado ang ginawa niya, kaunting tingin lamang sa mata at mga tanong tungkol sa mga naramdaman ko gaya na lamang kung may nararamdaman akong sakit sa ulo o kaya may sumagi ng alaala sa akin nitong mga nakaraang araw. "Akala ko panaginip lang pero nasisiguro kong mga alaala iyon sa trahedyang kinasangkutan ko." kwento ko sa naunang alaalang meron ako. "I see. It is a good sign, Bianca. Kung may mga alaala na ang nanunumbalik sa’yo ay maaring mapapabilis ang tuluyan mong pag-alala sa lahat." naging malaking pag-asa sa akin ang sinabi niyang iyon. Dumako ang tingin ko kay Manang Desa. Tulad ko, ang kagalakan sa mga mata niya ay hindi maitago. Sana nga, sana maikling panahon nalang ang hintayin ko para bumalik na ang mga alaala ko. "For now don't force yourself to remember. Babalik din naman ng kusa ang mga iyan kaya hindi mo pupwedeng madaliin o pwersahin ang sarili mo." Tinandaan ko lahat ng mga bilin niya sakin, ang mga dapat at hindi para sa mabilisang pagbabalik ng mga alaala ko. In between our conversations, nalaman kong malapit ang pamilya nila sa pamilya ng asawa ko. Maliban kasi sa family doctor ng mga Monsuegra ang ama niya ay matalik na kaibigan din ito ni Don Enrique. "And I can vividly remember when we had our horse riding. Ricollo got injured when he tried to win against Regon." patuloy na kwento ni Carlos sa mga kababatang Monsuegra. Natigil lamang ang pagsasalita niya nang marinig namin ang iilang yapag ng taong pumasok sa mansyon. Mabilis na kumalabog ang dibdib ko sa unang pagtama ng paningin namin. With his darkly intense eyes, he swiftly scanned us. My breath hitched when his eyes stayed on me, particular to my dress or body. I'm wearing a champagne floral summer dress that reveals a bit of my skin. At dahil din sa kulay ng damit ay mas nadepina nito ang kaputian taglay ko. Bahagya akong napalunok at pilit ininda ang tingin niya. "Regon, hijo mabuti at maaga ang balik mo. Sakto at nandito si Carlos na kakatapos lang suriin si Bianca." Halos magkakasabay kaming tumayo nila Manang Desa at Carlos. "Hey man it's been a long time." mabilis na lumapit si Carlos sa kanya para sa isang yakap sa balikat. "I got the files you asked me. Do you really need it?" tanong ni Carlos at medyo sumulyap pa sa akin. "Sa opisina na tayo mag-usap, Carlos." sagot ni Regon na nanatili ang seryosong ekspresyon. "Alright. Tapos na rin naman ang pagtingin ko sa kalagayan ni Bianca." dahil sa sinabi ni Carlos ay muling dumako ang tingin niya sa akin. Akala ko may sasabihin siya pero matapos niyang mabilisang pagpasada sa akin  ay walang salitang humakbang ito paakyat ng hagdanan. Isang ngiti naman ang binigay ni Carlos sa akin bago sumunod na rin kay Regon. "Hija may gagawin ka ba ngayong araw?" tanong ni Manang Desa habang nililigpit ang mga inumin. "Wala ho. Magpapahinga lang ho siguro." Tipid akong ngumiti sa kanya. "Sige mabuti pa nga. Ako naman ay maghahanda ng kakainin ng dalawa sa taas." Ganoon nga ang nangyari. Iniwan ko si Manang para umakyat sa silid ko. Pagkasarado ko sa pinto ay nakahinga ako ng maluwang. Hindi ko alam kung bakit ganito ang reaksyon ng sistema ko kay Regon. His presence is too much for me. I'm very intimidated in everything he does. His every movements, the way he stares and even his silence. Pakiramdam ko higit pa siya sa pangalan at reputasyong dala niya. Nang mga sumunod na araw ay muling naging abala ang mga tauhan sa hacienda. May iilan din ang mga bumibisita sa masyon na nalaman kong mga eksperto sa agrikultura. Halos lahat ng tauhan sa Hacienda ay pawing may mga ginagawa kaya naman naghanap din ako ng maaring paglipasan ng oras. "Grabe na ang init ng panahon. Magpahinga na muna ho kayo, señorita Bianca. Ako na ho ang tatapos at konting ayos na lang ho naman." sulyap ni Danah sa akin matapos ibaba ang may kalakihang paso. "Ayos lang, Danah. Patapos na rin naman ako dito." sagot ko na inililipat naman ang mga bulaklak sa mga bagong lalagyan. Sa ilang araw na abala ang lahat sa hacienda ay nahanap namin ni Danah ang gawaing magpapalipas sa oras namin. Ang malaking hardin sa harap ng mansyon ay naisipan naming ayusin. At first, she didn't want me to help her but I insisted. The garden is very huge, it is surrounded by vibrant colors from the different flowers and plants. There is also these fences and ornate stone benches that are made of wrought iron. At dahil sa malaki nga ang hardin, inumpisan muna namin ang paglilipat ng mga bulaklak. May mga nasira at namatay dahil na din siguro sa nagdaan na bagyo. Marami-rami ang mga napabayaang bulaklak kaya sa tingin ko ay aabutin pa kami ng ilang araw bago tuluyang malipat ang lahat. Kapag natapos ang mga ito ay lilinisan din namin ang hardin para maayusan ito pagkatapos. Marami rin kasi ang tumubong ligaw na mga d**o kaya hindi na halos magandang sa paningin ang lugar kahit na marami ang mga bulaklak. "Tapos na ang isang ito." tukoy ko sa mga rosas na nailipat ko sa mas malaking paso. Tumayo ako sandali at may ilang segundong ininda ang init ng araw. Buti na lang at nakasuot ako ng isang loose cotton shirt at pinarisan ng itim na leggings para hindi mahirapan. I also put my hair into a ponytail to ease the heat. "Ako na ho magbubuhat, señorita." mabilis na lumapit si Danah para buhatin ang paso. Ganoon din ang ginawa niya sa ilang maliliit na paso na natapos ko na rin. Ang ilan kanina ay naitabi ko na pero dahil aligaga si Danah kapag nakikita niya akong nagbubuhat ay hinayaan ko na lang siyang bumuhat. Nakakatuwa lang na inaalala niya ang kalagayan ko kahit pa ilang ulit ko nang sinabi na ayos lang naman. Sa huli, hinayaan ko na lang siya. "Wala na tayong tubig. Ako na lang kukuha ng inumin natin." prisinta ko nang mapansin wala ng laman ang lalagyan namin ng tubig. Sa init ng panahon ay madalas kaming uhawin sa ginagawa. "Nako señorita ak--." I cut her off. "Ako na dito, Danah." tinanggal ko ang mga suot na gloves at kinuha ang babasaging pitsel bago pumasok na sa loob ng masyon para hindi na niya iyon makuha sa akin. Ramdam ko ang bawat pawis ko sa leeg, likod at maging sa may harapang bahagi ng katawan ko. Wala lang naman sa akin ang kasalukuyang ayos ko hanggang sa tuluyan akong makapasok sa kusina. "Yes. Every details, Gregor." Regon's broad and muscular back greeted me. Nahinto ako sa paglakad dahil sa pagkagulat. "I need it as soon as possible." huli niyang sabi bago binaba ang tawag at humarap sa akin. Halos mapugto ang hininga ko sa biglang pagbilis ng pintig ng puso ko. Tulad noon, mabilis na sinuri niya ang kabuuan ko gamit ang madilim niyang tingin. Ang bahagyang pagsasalubong ng mga kilay ay nagpapahiwatig ng disgusto. He must be really disgusted. I'm sweating as hell while he looks and smells so fresh. Sa basa at medyo magulo niyang buhok mahahalata na kakatapos lang niya maligo. Hindi ko alam kung anong unang gagawin ko. Batiin ko ba siya? Pero ano naman sasabihin ko? O kaya igiban ko na lang ng walang salita ang dala kong pitsel? Baka mabastusan naman-- Halos mapatalon ako nang bahagya siyang lumapit. Lihim akong napalunok at sinalubong ang madidiin na niyang tingin. Hindi nakawala sa mabilis na sulyap ko ang hawak niyang baso ng tubig at tablet na nakikitaan ng mga graphs. "Pack your things." I stunned looking back at him. "In two days now, kailangan natin bumyahe papuntang San Fabian. Tita Carmela is expecting you." Damn! I thought he'll kick me out. Kung palayasin niya ako na walang alaala, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kinalma ko ang sarili bago sumagot sa kanya. "K-Kailangan ba talaga akong sumama?" "Ikaw ang gustong makita at makausap ni Tita Carmela tungkol sa lupa." malamig niyang sagot pero gumapang ang init sa sistema ko dahil sa paglandas ng tingin niya sa leeg ko. "We'll only stay there for three days." Wala sa sariling napahawak ako sa leeg ko dahil sa intensidad ng tingin niya. At doon mas nalaman ko kung gaano ako kapawis. "O-Okay.. Naiintindihan ko.." halos pabulong ko na lang na sagot. Iniisip na sa mga mata niya ngayon, mukha akong basahan. Wala na ulit mga salitang nanggaling sa kanya nang kunin niya ang gamit at humakbang na paalis ng kusina. Mabilis naman akong humakbang patagilid sa takot na mas lalo hindi magustuhan ang posibleng amoy ko dahil sa ilang oras sa ilalim ng arawan. Nakahinga lamang ako ng maayos nang tuluyan siyang makaalis. It is always nerve wracking moments every time I'm with him. At hindi ko alam kung gaano ako tatagal pa lalo na sa napipintong pag-alis namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD