With the throbbing heart, I stood there like a frozen statue.
Ang kulay ng pangtanghaliang sinag ng araw mula sa bintana ay mas nagpadepina sa ngayon ay mas malinaw kong napagmamasdang kabuuan niya.
He is wearing his faded pants and white shirt that show off his muscles. He got this brown skin adonis, deep and dark calculated eyes, a strong jaw lines, pointed nose, and rosy attractive lips. His hair is messy but it made him hotter.
I guess, good blood really runs in this family.
They almost have the same features of my husband but with different intensity. My husband seems dark yet kinda soft, but with this man, he seems darker with no softness at all. He's dark, intense and dangerous.
"You visited the mausoleum." he coldly stated.
Akala ko wala ng mas magpapabilis pa sa t***k ng puso ko pero nagkamali ako lalo na ngayong pasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. I am wearing sleeveless turtleneck blouse and a simple dark pants. It reveals only a little of my skin. Pero sa paraan nang pagmamasid niya parang may mali rito.
"U-Uh.. binisita ko lang ang puntod ng.. a-asawa ko." I can't calm myself. He's too much for me. Mas dumilim ang ekspresyon niya na parang hindi nagustuhan ang sagot ko. Hindi siya nagsalita at may kinuhang folder sa taas ng mesa niya.
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko nang muli ay humarap siya at walang hirap na pinaliit ang distansya sa pagitan namin.
"This is the recent property that my brother is about to acquire. Ang lupaing ito ay katabi lamang ng hacienda na pagmamay-ari ni Tita Carmela. I also want this land but for some reason my auntie decided to sell it to my brother." walang pasubali niyang imporma sa akin saka inilahad ang folder.
Hindi sigurado sa mga sinasabi niya, dahan-dahan kong kinuha ito mula sa kanya.
Tinignan ko ang mga litrato at detalye na nakalagay patungkol sa sinasabi niyang lupain. Matapos suriin ito natanto kong kahit anong isip ay hindi ko alam kung bakit pinapakita niya ito sa akin. Anong kinalaman ko rito?
"H-Hindi ko maintindihan." lito kong sabi sa kanya.
Nagtiim-bagang siya bago sumagot. "My brother put his all properties under your name, including this land if Tita Carmela decided to sign the papers."
Napaawang ang labi ko dahil sa gulat. Napansin ko ang pagdako ng madilim niyang mata sa mga ito pero naging mabilis lang.
Hindi ko alam ang isasagot. I'm still in the process of retrieving my memories. How will I know about these things?
"At para tuluyan makuha ang lupain na iyan ay kinakailangan ka niyang makita. I think there was an agreement between Ricollo and her that's why she wanted to meet you." patuloy niya na mas kinagulo ng isip ko.
Hindi ko alam kung kilala ko ba ang sinasabi niya, o kung naikwento man lang siya ng asawa ko sa akin.
Wala pa akong maalala maliban sa iilang sumagi sa panaginip ko noong isang gabi, na alaalang may kinalaman sa trahedyang kinasangkutan ko.
Ang hirap na hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. I am uncertain and.. scared.
"Hindi ko alam kung ano o may magagawa ba ako.. lalo na sa kundisyon ko ngayon."
Mas lalong naging kritikal ang lalim na pagtitig niya sa akin. "Let's go straight to point. I want that land and I'm willing to pay your desire price if you sell it to me."
Tulala lang ako at nanatili ang bilis nang tahip ng puso ko. Tumikhim ako upang mawala ang bara sa lalamunan ko. Kung kay Ricollo ang sinasabi niyang lupain, at kung nakapangalan man ito sa akin tulad ng sinabi niya, wala akong nakikitang dahilan para hindi ibigay sa kanya ito.
Kahit na asawa ko ang kapatid niya mas nararapat na mapunta ito sa kanya lalo na't wala akong alam sa ganito. I don't need to sell it to him because I'm more than willing to just hand it over, this is their property after all.
Sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng kaunting galak dahil sa maaari kong magawa para sa pamilyang ito.
"H-Hindi na naman kailangan.." bahagyang umangat ang gilid ng labi ko para sana sa isang ngiti. "Hindi mo na naman kailangang bilhin. Ibibigay ko ang lupain ninyo--."
"Bibilhin ko lahat ng ari-arian ng kapatid ko na nasa pangalan mo. Ibibigay ko ang tamang halaga ng pera sa’yo."
Natigilan at tuluyang nawala ang nagbabadyang ngiti ko sa kanya. Sa likod ng malalim niyang tingin ay ramdam kong may pamamaratang dito.
"Malaking halaga ang makukuha mo sa lahat ng ari-arian ni Ricollo. Hindi ka na maghihirapan pa sa buhay kahit pa umalis ka sa lugar na ito."
Humigpit ang hawak ko sa folder. Hindi ko rin magawang ignorahin ang kakaibang sakit na dumaloy sa dibdib ko. Kinagat ko ang pang-ilalim na labi upang mapakalma ang sarili sa nagbabadyang init sa mga mata.
"I-Ibibigay ko pabalik ang lahat ng ari-arian ni Ricollo. Hindi ko hahabulin ang pera ng asawa ko. Ang mabalik ang alaala--." he cut me off.
"Really? Hindi ba pera ang dahilan ng pagpunta mo dito?"
Tuluyang nang naglandas ang sakit sa ekspresyon ko. Mabilis kong iniwas ang paningin ko sa kanya. Pera ba talaga ang dahilan? Ganito ba ako.. kasamamg babae?
Bumigat ang bawat paghinga ko dahil sa mga pinaghalong damdamin. Sa kabila nito, naramdaman ko ang paggalaw niya hanggang sa tuluyan na nga siyang makalapit sa akin.
The mixture of his body's heat, intoxicating scent, and his warm mint breath made me looked at him again. Hindi ko alam paano ko nagawang labanan din ang titig niya kahit pa halos wala ng distansya sa pagitan namin.
Madiin at hindi mabasa ang mga mata niya nang bumaba ito papunta sa mga labi ko. I breathe slowly trying my hardest to calm my flitting heartbeats when his hand made a way up to my face.
"Get the money you want and leave this place." he whispered with his unconcerned eyes as he caressed my cheek softly.
At sa mga oras na iyon, habang nakatitig ako sa mga mata niya, may napatunayan ako. This man is ruthless.
Sa nangangatog na binti ay hindi makapaniwalang nagawa kong lumayo mula sa kanya. Ang simpleng haplos niya ay parang apoy, mainit at masakit.
"H-Hindi ko kailangan ng kahit ano maliban sa mga alaala ko. I'll leave as soon as I remember my way home." Hindi na ako nag-atubili pang tumalikod at umalis sa lugar na iyon. Iniwan ko siya na may mas madilim na tingin sa akin.
Pagsara sa pintuan ng silid ko ay nahahapo akong umupo sa paanan ng kama. Nagsimula na ring maglandas ang mga luhang kanina pa gustong kumawala.
Blood is really thicker than water. Wala akong ibang maisip na ibang dahilan kung bakit bigla niya akong gusto umalis na sa lugar na ito kung hindi dahil sa naging pisikalan sa pagitan namin ng kapatid niya. Poprotektahan niya ang kapatid niya at wala akong laban doon. Gusto niya akong umalis.
Anong klaseng tao ba talaga ako bago pa nawala ang mga alaala ko? Ano ba ang nagawa ko na maaring naging dahilan ng pagkamatay ng asawa ko? Marahil ito ang dahilan ng galit niya sa akin, at maari ng buo nilang pamily.
Pero bakit ganoon? Bakit kahit wala akong maalala ay may boses sa loob ko na sinasabing hindi ko kayang gumawa ng kahit ano tulad ng pinaparatang nila sa akin. A gold digger? Pagpera ko kay Ricollo? Perang gusto ko lang makuha sa asawa ko? Mas tumindi ang sakit sa mga naisip ko. Anong klaseng babae ba ako noon?
Hinayaan ko ang sariling damhin ang sakit hanggang sa unti unti itong lumipas. In time, I will fully understand their wrath towards me.
Ang tensyon ay nagpatuloy pa pagsapit ng tanghalian. Sa unang pagkakataon ay makakasama ko silang magkapatid sa hapag. Habang tahimik na naglalapag ng mga pagkain sila Manang Desa ay siyang pagpasok ni Amirah.
With her sleek high ponytail, Amirah walks gracefully with her expensive off shoulder red dress and bohemian flats. Mabilis na naningkit ang mata niya nang makita niya ako. Madrama siyang umupo sa tapat ko na hindi inaalis ang tingin sa akin.
"You feel so at home, huh?" pagak niyang sabi pero may inis ang ngiti sa labi.
Hindi ako sumagot sa naging asik niyang iyon sa akin. Iniiwasan ko ang posibilidad na away na pwedeng mangyari pa sa amin. She is not even sorry for what she did to me and that's something beyond hate.
Ilang segundo lang sumunod din si Regon. Tulad kanina, nanatili pa rin ang blangko pero madiin niyang tingin sa akin nang umupo siya sa kabisera.
I tried not to get affected by his blazing eyes by staring back at his appearance. He is now wearing a gray shirt along with the denim pants and his brown boots.
Naging tahimik ang unang mga minuto ng pagkain. Tanging tunog ng mga kubyetos ang madidinig sa amin. Maging ang bawat galaw ko ay naging maingat. Ang kaalamang nasa paligid lang sila Manang Desa ang nagpapagaan ng loob ko. Dahil maliban sa kanila, wala na akong ibang maisip na maayos ang tungo sa akin sa mansyong ito.
"Sa bahay natin sa Siyudad Del Sol ako mananatili, Kuya." basag ni Amirah sa katahimikan.
"Why not stay here, Amirah? Wala kang ibang makakasama doon kung hindi sila Manang Rosaria at ang iilang mga kasama sa bahay." matamang sabi ni Regon sa kapatid.
"You know I can't stay here, Kuya. Mas gugustuhin ko pa na makasama sila doon kaysa ang manatili dito na kasama ang manghuhuthot gaya ng babaeng ito." may diin sa bawat salita ni Amirah.
"Amirah.." may banta sa boses ni Regon pero hindi ito ininda ng kapatid.
"How ironic, right? Sa sariling bahay natin ako ang umaalis? Hindi ba dapat itong babae na ito ang--."
"S-Señorita Amirah juice pa po." singit ni Danah na nagpaputol sa pang-iinsulto niya sa akin. Hindi nakaligtas si Danah sa isang matalim na tingin mula kay Amirah.
Nang magtama ang tingin namin ni Danah ay ngumiti na ito nang malawak sa akin. Naputol lang din ito dahil sa tunog ng mga kubyertos na nanggaling naman sa pwesto ni Regon.
"Do whatever pleases you. Just tell me if you need something."
Sa kabuuan, natapos naman nang matiwasay ang tanghalian kahit pa ramdam ko ang disgusto talaga ni Amirah sa akin. Hindi nakakaligtas ang mapangutya o kaya ang mapanghusga niyang mga tingin sa akin.
I really wonder what I have done to Ricollo.
Naiintindihan ko na nawalan sila ng mahal sa buhay pero hindi ba't ako din? Nawala sakin ang nag-iisang taong masasabi kong pamilya ko. Bago ko pa siya makasama nawala na siya sakin. I lost my husband.
Did I really cause his death? This question is haunting me. I need to know, I need to remember.