Kabanata 3

2057 Words
It made me think what kind of relationship I had with Ricollo before. Sa klase ng galit ng kapatid niya ay humantong ito sa pisikalan. "Because of you my brother died! Hindi ka na nakuntento sa pagpera mo sakanya! Ikaw ang dahilan kaya namatay siya! You killed him!" Pagpera? Ako ang dahilan ng pagkamatay ng asawa ko? Madaming katanungan at pakiramdam ko mababaliw ako dahil sa wala akong alam sa lahat. Paano ko maiintindihan ang pinanggagalingan ng galit niya kung kahit katiting ay wala akong maalala? This is frustrating! Mahapdi ang mga mata dahil sa pag-iyak, hinayaan kong maglandas ang maligamgam na tubig sa buo kong katawan. Ilang minuto na akong nananatili dito para pilit na paupahin ang bigat ng nararamdaman. Ang kaisipan may katotohana sa naging paratang sa kin ay labing na pumipiga sa puso ko. Hindi ko maatim na isipin na pera lang ang habol ko sa naging asawa, at ang posibilidad na ako rin ang naging dahilan ng pagkamatay niya. I couldn’t accept it! It’s sickening! Should I ask Manang Desa already? May naikwento ba si Ricollo sa kanya tungkol sa akin? Sa aming dalawa noon? Dahil sa naisip agad akong nagpasya na tapusin ang pagligo. Paglabas ay nakita ko si Manang Desa na halata pa din ang pag-aalala. "Inayos ko na ang susuotin mo, hija." usal niya at mataman akong tinitigan. Kita sa mata niya ang labis na pag-alala sa nangyaring away sa pagitan namin ng batang Monsuegra. "Salamat ho." mahina kong sabi bago umupo sa may paanan ng kama. "Ayos ka lang ba?" tanong niya at lumapit sa akin. "Ang sabi ni Danah si Amirah ang nagsimula ng gulong iyon. Pasensya ka na, hija." "Manang.." nagsimulang mangilid muli ang luha sa mga mata ko. "Ang dami kong katanungan, ang dami kong gustong malaman." Mabilis na umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang mga kamay. "Alam ko, hija.. Alam ko, pero hindi natin pwedeng madaliino pwersahin man lang ang sarili mo para makaalala." "Sino ho ba ako? Anong klaseng pagkatao ang mayroon ako noon, Manang?" inignora ang kanyang paalala. "Wala bang naikwento ang.. ang asawa ko? Nakauwi ho siya dito, hindi ba? Na hinihintay niya ako dito?" "Bianca..." kita ang hirap sa mukha ni Manang, pilit na humahagilap ng maisasagot. Alam kong kahit paano may alam siya tungkol sa akin at sa amin ng asawa ko. Kahit na iilang impormasyon lang. Kailangan ko lang kahit iilan sa mga ito. Maaring mula sa mga iyon ay magawa kong ipagtagpi ang mga kasagutan. "May nagawa ho kaya ako kaya ganoon na lang ang galit ni Amirah sa akin? T-Totoo ho ba ang mga naibintang niya sa akin?" "Hindi ko alam, hija." Nanatili ang kahirapan sa sagot nang tumingin siya sa akin. "Alam kong nahihirapan ka sitwasyon mo dahil sa pagkawala ng mga alaala mo pero mas inaalala ko na makasama sa kundisyon mo ang sobrang pag-iisip. Inaalala ko na mawala nang tuluyan ang mga memorya mo gaya ng sanabi ni Doc. Grazia." “Manang pakiusap.” Tumulo ang ilang patak ng luha sa aking mata. I feel like drowning. Ilang segundo siyang natahimik, tila nagdadalawang isip sa mga maaring sabihin pero sa huli bumuntong hininga siya. "Bukas sasamahan kita sa puntod ng asawa mo. Baka roon, sa tabi niya ay kahit paano ay mapanatag mo ang sarili mo. Susubukan ko ring sagutin ang mga magiging tanong mo na ayon sa mga nalalaman ko lang. Sa ngayon magpahinga ka muna, hija." Sa huli, naiwan pa rin akong mabigat ang nararamdaman at magulo ang isip sa lahat. Ni hindi ako nakatulog nang maayos hanggang sa sumapit ang umaga. Tulala at halos walang gana noong kumain ako ng almusal sa umagang iyon. Miminsan ko ring nararamdaman si Manang Desa sa mga buntong hininga dahil sa katamlayan ko. Ang tanging nagpalubag na lang sa loob ko ay ang hindi makasalo sa agahan ang kahit sino sa mga Monsuegra. At tulad ng sinabi ni Manang Desa, matapos ang agahan bumyahe kami papunta sa puntod ng asawa ko. Kasama si Mang Cesar, na personal driver ng pamilya, bumyahe kami na wala sa dalawangpung minuto patungo sa libingan ng aking asawa. Nang huminto ang sasakyan ay hindi ko inaasahan na sa mapunong lugar nakatayo ang maganda at pribadong libingan ng mga yumaong Monsuegra. From my place I can deeply feel the intimate reflection of the place. It is a beautiful family mausoleum, a private one. The mausoleum is in Ionic order of Greek architectural design. They used spiral scroll-like ornamentations in each column. The pathway to the mausoleum is also flanked by lions. They were like symbols for majesty, courage, bravery, and justice. It was so fascinating looking at the compositions and the details. Sa pagpasok namin kaagad nakuha ang atensyon ko ng isang may kalakihang litrato ng asawa ko. Sa taas nito ay may mas malaking litrato na agad ko din nakilala, it was Don Enrique Monsuegra. Pareho silang nakasuot na pormal at pormal ding ang ayos sa litrato. Ibang iba ito sa litratong niya na nasa akin. "Bianca.." kuha ni Manang Desa sa atensyon ko. Mabagal akong tumango sa kanya bago inilagay ang mga bulaklak para sa kanila. Ilang sandaling ang katahimikan sa amin, dinadama ang kapayapaan sa pribadong lugar. Heto ang unang beses na tumapak ako sa puntod ng asawa ko. Hindi ko alam ang mararamdaman dahil maging ang utak ko ay walang mahagilap na kahit anong alaala.Hindi ko siya maalala, hindi ko mahagilap sa sariling isipan ang mga maaring naging pagsasama naming dalawa. Ricollo.. Ricollo Monsuegra, ang asawa ko. "Biglaan ang pagkamatay niya at naging pribado lamang sa pamilya at malalapit na kamag-anak ang kanyang burol hanggang sa libing." panimula ni Manang Desa. Kaagad dumako ang tingin ko sa kanya pero nanatili siyang nakatingin sa puntod ng asawa ko. "B-Bakit ho siya namatay? Ano ho ang naging dahilan?" Isang buntong hininga ang pinakawalan niya bago muling nagsalita. "Hindi ko rin alam, hija. Ang mga impormasyong gaya niyan ay lubos na pribado lamang sa kanilang pamilya. Ang mga detalye at aksyon ay sila lamang ang may alam.." Kung wala siyang alam sa kinamatay ng asawa ko, siguro kahit paano may maibibigay siyang impormasyon sa naging pagsasama namin o sa kahit sa pagkatao ko. Anong relasyon mayroon kami noon? Alam kong may pinanggagalingan ang galit ni Amirah sakin. May kinalaman ba talaga ako kung bakit namatay ang sarili kong asawa? "May alam ho ba kayo tungkol sa akin? May nasabi ho ba ang asawa ko? Ano ho ang trahedyang kinasangkutan ko na naging dahilan nang pagkawala ng alaala ko ngayon?" sunud sunod kong tanong sa kanya. Sa pagkakataong ito, tuluyan na siyang humarap sa akin. Nandoon pa rin ang kahirapan sa paghagilap ng sagot niya pero nagawa pa rin niya sagutin ang mga ito. "Ang tanging nabanggit ni Ricollo sa amin noon ay ulila ka at lumaki sa isang ampunan, hija. Dalawang buwan mula nang magkakilala kayo ay nagpasya na kayong magpakasal." Umawang ang labi ko. “D-Dalawa hong buwan?” "Oo, hija. Maging ako ay nagulat nang maanunsyo ni Rico na kasal na siya. Wala akong ideya kung nabanggit niya ang pagpapakasal ninyo na mas maaga sa sa mga Monsuegra. Ang naging huling bilin lamang niya ay ang tungkol sa pagdating mo dito sa hacienda.” "K-Kaya ho pala. Kaya walang impormasyon o pamilya man na pwedeng kong mapuntahan dahil nanggaling ako sa isang ampunan." Dumoble ang bigat na nararamdaman ko. Noong nagising ako sa hospital walang ibang umasikaso sa akin kung hindi sila ng asawa niyang si Mang Lando. Ngayon alam ko na, wala akong pamilya maliban kay Ricollo, sa asawa ko. Pero paano na ngayon na nawala na din siya sa akin? I feel so lost. "Isang araw laking gulat ko nang makatanggap ng tawag sa manyson. Ang tawag ay tungkol sa babaeng nakaligtas sa paglubong ng barko, tungkol sa’yo. Isa ka sa maswerteng nakaligtas sa trahedyang iyon, hija." Nangilid ang luha sa mga mata ko. Muling dumaan sa akin ang panaginip ko noong isang gabi. Ang malakas na ulan. Ang kadiliman. Mga nagsisigawan, ang apoy at ang malakas na pagbangga ng kung ano sa kin. It was a fragment of my memory. "Naalala mo ang litrato ng asawa mo? Dala mo ito nang makita ka. Lubos na kilala ang pamilyang Monsuegra sa isla kung saan lumubong ang barkong sinakyan mo kaya hindi naging mahirap sa kanila na kilalanin ka. At napatunayan nga namin ni Lando na ikaw ang asawa ni Ricollo dahil sa suot mo ang isa sa singsing na minana nila mula sa kanilang lola, si Donya Esperanza, ang ina ni Don Enrique." Malamlam siyang ngumiti sa akin at hinawakan ang kamay. "Kahit wala na ang asawa mo ay tinulungan ka niya na makauwi dito sa hacienda tulad ng gusto niyang mangyari." Napatitig ako sa ngayon ay hinahaplos niyang singsing sa daliri ko. It was a vintage ring featuring intricate art deco design and vigorous high polish band. The huge rare stone is held in a V-prong with a delicate pave-set diamond. Sa itsura nito ay mahahalata ang kamahalan at karangyaan ng nagmamay-ari. It is a kind of heirloom that tells not just their fortune but it shows how powerful their family name is. Nanatili pa kami ni Manang Desa nang ilang sandali. Nasabi na niya lahat ng alam niya at lubos ako nagpapasalamat na kahit paano nagkakaroon na akong ideya sa pagkatao ko. Mas nabuhay din ako ng loob dahil sa naging panaginip ko. Maaring senyales ito na mas mapapaaga ang pag-alala ko sa karaan dahil dito. Sana nga, sana talaga. I was emotionally exhausted after that visit. At sa sobrang daming gumugulong katanungan pa rin sa isip ko hindi ko na napansin ang halos patakbong pagsalubong ni Danah samin pagkapasok sa mansyon. "Inay! señorita! Buti nandito na kayo!" kabado niyang turan paghinto sa harapan namin. "Anong problema, Danah? Bakit ba aligaga kang bata ka?” Tanong ni Manang Desa pero kabadong pinalipat-lipat lang niya ang tingin sa amin. "S-Si señorito Regon kasi Inay kanina pa hinihanap si señorita Bianca." tumingin siya sa akin na may pag-aalala. "Hihintayin ka raw ho niya sa opisina niya, señorita." Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan namin pero ngayon pa lang ay halos dumagundong na ang t***k ng puso ko. Ito ang unang pagkakataon na magkakaroon kami ng pag-uusap mula nang dumating ako, at maliban sa hindi inaasahan na pagtatagpo namin ng gabing iyon. "Hija kung gusto mo munang magpahinga ako na--." "Ayos lang ho Manang Desa. Kakausapin ko ho siya." alam kong nag-aalala sila matapos ng mangyaring away sa pagitan namin ni Amirah pero ayaw ko nang madagdagan ang taong maaring magalit kung hindi ako susunod. "Bianca.." Isang ngiti ang binigay ko sa kanila bago umangat ang tingin sa malaki at magarbong hagdanan. "Ayos lang ho talaga ako, Manang." Paninigurado ko. "Akyat na ho ako. Salamat ho sa pagsama sa akin sa puntod ng asawa ko." huli kong sabi bago tuluyang nagpasyang umakyat para puntahan siya. Ang bawat hakbang ko ay gumagawa ng ingay. Hindi ko na alam kung ano ba ang malakas na tunog, ang mga yapak ko o ang kabog ng dibdib ko dahil sa naghahalong damdamin. Naramdaman ko ang panlalamig nang tuluyan akong huminto sa isang malaking pintuan. Ang sinabi ni Manang Desa na pribadong opisina ng yumaong Don Enrique na ngayon ay opisina na ng nakakatandang anak ng mga Monsuegra. Pumikit ako ng mariin bago kumatok ng tatlong beses. Naghintay ako ng ilang segundo pero hindi ko alam kung mahina ang mga katok dahil wala akong narinig na tugon mula sa loob. Sa nanlalamig na kamay, pinihit ko ang hawakan ng pinto at lakas loob na binuksan ito saka pumasok. The moment I entered the room, our eyes locked. "Wait for my approval. I will personally visit that property." lihim akong napalunok sa pagkakarinig sa malalim at seryoso niyang boses. Hindi rin nakatulong ang pananatili ng malalim niyang titig sa akin, lalo pa't tuluyan ko ng naisara ang pinto. Pakiramdam ko hihimatayin ako anumang oras dahil sa hindi maipaliwanag na kaba. 'Calm your nerves, Bianca. It might be your chance to know about yourself and your husband.' Dahil sa ngayon, ang inaasahan ko nalang talaga ay ang pagbabalik ng mga alaala ko. Kung hindi man bumalik agad, isang tao lang ang maaaring makakasagot sa mga katanungan ko, ang lalaking nasa harapan ko ngayon, si Regon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD