Kabanata 2

1749 Words
It was indeed an unexpected encounter. Nakakahiya! Tinanong ko pa kung sino siya! "Dahil sa walang humpay na ulan ay mahigpit na nakabantay ang lahat sa pananiman. Sana'y umayos na ang panahon upang makauwi na si Regon at makilala mo na ang nakakatandang kapatid ng asawa mo." That was the exact words from Manang Desa. Bakit nga ba nakalimutan ko iyon? Nakakahiya talaga! Habang nagpapalipas kami ng oras kahapon ay naikwento nila ang iilang impormasyon tungkol sa hacienda at sa pamilya ng asawa ko. Ayon kay Manang Desa, ang hacienda Monsuegra ay ang may pinakamalaking lupain at may malaking produksyon ng mga produktong pang-agrikultura sa buong probinsya. Gitna sa tatlong anak nina Don Enrique at Donya Adella ang asawa ko. Nang mamatay si Don Enrique dahil sa sakit, ang bunsong anak na babae at ang Donya ay piniling mamalagi muna sa ibang bansa para makabawi sa pagkamatay ng Don. "Ang hacienda ay lubos na nagpapaalala kay Don Enrique kaya miminsan lang umuwi ang dalawa. Kapag may mahalagang pakay lang o hindi kaya'y bibisitahin ang dalawang anak na lalaki."  At matapos mamatay ni Don Enrique, limang taon na nakakalipas, ang dalawang anak na lalaki na ang namahala sa lahat ng ari-arian ng pamilya. Ang aking asawa ay minsan tumutulong dito sa hacienda pero madalas ay mga negosyong pangkomersyal at sa industriya ang hawak. Kaya madalas na wala ang asawa ko sa hacienda dahil sa klase ng mga negosyong hinahawakan. Kadalasan sa mga siyudad at ibang bansa ang kanyang pinupuntahan. Tanging ang anak na panganay ang namamahala sa lahat dito sa hacienda. Mula sa mga malalawak na lupain, pananiman, anihan hanggang sa bentahan ng mga produkto. And last night. It was him. It surprised me that he looks darker than my husband. Mula sa kanyang tikas, galaw at pananalita mahahalata na hindi lang siya pangkaraniwang tao na basta papasok sa mansyon. Dahil sa kalituhan ko sa naging panaginip ay hindi na sumagi sa isip ko na maaring siya ang nakakatandang kapatid ng asawa ko! "Bianca ayos ka lang ba?" gulat akong napabalik sa kasalukuyan. Alalang nakatingin si Manang Desa habang ako ay nanatili lang na nakaupo kaharap ang inihaing almusal.. "H-Ho? Ayos lang ho." hiya kong sagot. "Kanina ka pa kasi tulala, hija. Hindi ka pa ba kakain? Baka lumamig ang almusal mo." umayos ako ng upo at nagsimulang kumuha ng pagkain sa hapag. The foods were placed in a huge dining table that made of mahogany with an oak veneer on top. "Hindi ka ho ba talaga sasabay sa akin, Manang?" hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkailang dahil ako lang ang kakain sa mga pagkain na nasa malaking mesa. "Tapos na kami nila Danah at mga tauhan dito sa mansyon, hija. Huwag mo akong intindihin at kumain ka na." Pasulyap akong tumingin sa kanya at alanganing muling nagtanong. "Uhm.. Si ano ho ba.. Si Regon?" It feels so strange saying his name. I'm so intimidated by him that even his name has an effect on me. "Nako maaga rin siyang kumain at umalis papuntang pananiman. Ganoon talaga ang batang iyon. Kailangan masiguro niyang maayos na ang lahat bago siya mapanatag." Tumango na lang ako bilang sagot at nagsimulang kumain. I can't imagine him running the whole hacienda. I can't imagine the weight on his shoulder now. Dahil ang pagkawala ng asawa ko ay paniguradong malaki ang naging epekto sa responsibilidad hindi lang sa pamilya maging sa mga negosyong kanyang hinahawakan. Tuluyan na ang pagtila ng ulan sa araw na iyon. Nang sumapit ang tanghali ay sinama ako ni Danah sa kuwadra ng mga kabayo. "Kapag mas umayos na ang panahon señorita sa may talon naman ho kita ipapasyal." masaya niyang sabi habang inaalalayan ako sa paglalakad. Dahil sa ulan ay pahirapan ang pagpunta namin. Maputik ang daan na aming nilalakaran.. "Salamat, Danah.." iniwas ko ang paa sa pagtapak sa matubig na parte ng lupa bago muling binalik ang atensyon sa kanya. "Pero sigurado ka bang ayos lang na pumunta ako sa kuwadra?" "Ano ka ba naman señorita siyempre naman ho! Asawa kayo ni señorito Rico kaya ayos na ayos!" Dahil sa wala pang bumabalik sa mga alaala ko ay hindi ako sigurado sa lahat ng mga gagawin ko. Ayaw ko lang makagawa na hindi naman dapat sa hacienda na ito. Hindi katagalan ay natanaw ko na ang kuwadra na sinasabi ni Danah. At gaya ng inaasahan ko ay may kalakihan din ito. "Kuya Dino!" tawag ni Danah sa isang binatang nakatayo sa labas at abala sa kung anong ginagawa. "Danah? Anong ginagawa mo rito?" anang binata na sinalubong kami. "Ipapasyal ko lang ang señorita. Naikwento na namin siya sa'yo ni Nanay, hindi ba? Si señorita Bianca, ang asawa ni señorito Rico." naalarma ang lalaki at agad inalis ang suot na sumbrero. "Nako señorita! Maligayang pagdating ho sa hacienda. Dino ho, kuya ni Danah. Kinagagalak ko ho kayong makilala." inilahad niya ang kamay na agad kong tinanggap. "Salamat. Ako din, Dino." kumpara sa amin ni Danah mahahalata na mas matanda siya sa amin ng ilang taon. May pagkasingkit rin ang mata niya gaya kay Danah, maitim at malinis din ang pagkakagupit sa kanyang buhok. He is tall with an average body build and a darker skin. "Ano ho bang sadya ninyo dito sa kuwadra, señorita? May maipaglilingkod ho ba ako?" tanong niya at napansing tumingin sa kapatid na may katanungan sa mata. "Ah ipapasyal ko lang sana siya dito, Kuya." mabilis na sagot ng katabi ko. "Ganoon ba? Sige tuloy kayo." Pagpasok ay agad kong narinig ang ibat ibang tunog mula sa mga kabayo. The horse stable was huge with a wide aisleway. They used bricks, woods and still as the main materials. The stalls were solid and finished in hardwood. At sa tingin ko, aabot sa limangpung malalaking stalls ang nandito. Nagtagal kami ni Danah sa kuwadra dahil sa sobrang kalibangan sa pagmamasid sa mga magagandang kabayo. Hindi basta basta ang mga uri ng mga ito. They have different breeds here like Mustang, Appaloosa, Andalusian and even the rare breed of Camalliro white horse. Della, ang pangalang ng napakagandang puting kabayo. Ayon kay Dino, kinuha ang pangalan nito kay Donya Adella. Sa kasalukuyan ay nasa walong buwan nang pagbubuntis ang kabayo kaya mahigpit din ang pag-aalaga sa kanya. Inaasahan na sa ika-tatlo o higit na buwan ay manganganak na ito. Bago pa kami abutan ng hapon sa kuwadra ay nagpasya na kaming bumalik sa mansyon ni Danah.  Naging pahirapan din ang pagbalik namin dahil sa basang daan pero mas naging mabilis ito kumpara kanina. Ilang sandali lang ay parehas bumagal ang paglalakad namin ni Danah dahil sa hindi kalayuan sa mansyon ay may magandang kotse kaming natanaw. "May bisita sa mansyon?" wala sa sariling usal niya. Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Pinagpatuloy namin ang paglalakad pero bago pa kami makalapit man lang sa kotse ay may dalawang babae ang lumabas mula sa mansyon papunta sa amin. "Tanya-- Señorita Amirah!" Mabilis na napako ang mata ko sa kanila, partikular sa magandang babae na diretso ang matiim na tingin sa akin. Everything about this girl speaks sophistication. From her long black shinny hair, fair skin complexion, expressive dark eyes, turn-up nose and perfect pair of red pouty lips. Her visual is just unreal. "Señorita Amira--." bago pa matapos ni Danah ang pagtawag ay mabilis na dumapo ang palad ng babae sa pisngi ko. Pinaghalong pagsinghap ang naghari sa amin. Napahawak ako sa pisngi at gulat na napatingin muli sa kanya. "So it was true, huh?! Ang kapal ng mukha mong tumapak sa pamamahay namin!" mas nadepina ang galit sa mga mata niya. "Señorita Amirah--." "Shut up, Danah!" the other girl hissed. "You gold digger b***h! Ang kapal ng mukha mo!" naging mabilis ang pangyayari. Ang sunod na naging malinaw na lang sa akin ay mga sigaw ni Danah habang hinihiwalay ako sa babaeng ngayon nakasabunot sa akin. "B-Bitawan mo ako.." sinubukan kong lumayo sa kanya dahil sa unti unti ko nang nararamdaman ang sakit sa ginagawa niyang pagsabunot. "Because of you my brother died! Hindi ka na nakuntento sa pagpera mo sa kanya! Ikaw ang dahilan kaya namatay siya! You killed him!" histerikal niya. "S-Señorita Amirah tama na po!" awat ni Danah saka inalis ang pagkakahawak sa akin. Dahil sa lakas ng puwersang nang paghihiwalay sa amin ay nawalan ako ng balanse at natumba sa putikan. Muling napasinghap si Danah. Ang akma niyang pagtulong sa akin ay muling hinarangan ng isa pang babae. "Ano ba, Tanya?! Bitawan mo ako! Señorita Bianca!" nagpumiglas siya pero muli nanaman akong inatake ng magandang babae. "You deserves this place you slut!" tuluyan na akong napahiga sa putikan at walang laban sa pagsabunot niya. "Tama na po señorita Amirah! Bitawan mo ako Tanya!" rinig kong sigaw pa rin ni Danah. Maya maya pa naramdaman kong may humila sa magandang babaeng sumasabunot sa akin. "Let go of me, Danah! Dammit!" nagawa niyang hilain ito paalis sa akin dahilan para makaahon ako paupo. "T-Tama na po, señorita. Tama na po.." pakiusap ni Danah na nanatiling nakahawak sa babae. Nanghihina akong umakma tatayo pero hindi nangyari dahil sa malamig na tubig na bumuhos sa buo kong katawan. Napasinghap ako. Ang babaeng may pangalang Tanya ay may hawak na timba na ngayon ibinuhos sa akin. Isang asar na ngiti ang sumilay sa labi niya pero mabilis din nawala. "What's happening here?!" and that was the voice that made us all freeze. Not far from us, Regon is now standing looking at us with his dangerous aura. Mula sa kanyang likod ay ang mga gulantang na trabahador at ang paglabas na rin nila Manang Desa mula sa loob. "Ano bang ingay ang nangyayari dito sa labas ng --Susmaryosep! Hija!" mabilis akong pinuntahan ni Manang Desa, gayon din si Danah. Dumako ang madilim na paningin ni Regon sa akin pero mabilis din na lumipat sa ngayon ay alam ko na bunso niyang kapatid. "You started this, Amirah?" mababa pero madiin na tanong niya. Everyone is silent. His voice is lethal as its own. "So what if I did, Kuya?! Why did you let this girl step--." "Enough!" "Kuya! Baka nakakalimutan mo na dahil sa babaeng yan nama--." he cut her off again. "I said enough, Amirah!" halos mapayuko ang lahat na nakapaligid. He's mad and dangerous. "In my office now!" Isang matalim na tingin ang binigay ni Amirah sa akin bago sinundan ang kapatid kasama ang nangangalang Tanya. "Ayos ka lang ba, hija? Maryosep! Ano bang nangyari?" alalang tanong ni Manang Desa pero walang sabi akong nagpatianod sa kanya papasok ng mansyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD