How's it like to live without your memories? How's my life would be like without knowing anything?
It's terrifying..
Sa loob ng mahabang minuto, tumanaw lang ako sa paligid. Dahil sa walang humpay na ulan, hindi ko makita nang maayos ang kapaligiran.
Ang malaking arko na may salitang 'Hacienda Monsuegra' ang tanging malinaw kong nakita nang lumiko rito ang sasakyan.
"Nakahanda na ang tutuluyan mo sa mansyon. Sa silid ng asawa mo." Isang tipid na tango lang ang isinagot ko kay Manang Desa.
'Asawa' I don't know but I feel so strange hearing that word.
Ganito ba talaga? Kapag nawala ang mga memorya, maging ang nararamdam ay makakalimutan din pansamantala?
Hindi ko alam. Lahat ng katanungan sa isip ko ngayon ay mga pawang walang kasagutan.
Kasabay nang bahagyang paghupa ng ulan ay ang tuluyang paghinto rin ng sasakyan. Unang silay pa lamang ay hindi ko na naiwasan ang mamangha sa pagtambad ng isang malaking mansyon.
Viewing from the car's window, I saw the old and classic Mediterranean Spanish style mansion. From the darkness, it looks enchanting with these lights like fireflies that sparkle all over it.
It has been built with sandstone and has brown stone decorations. Tall and wide windows were also added to the overall look that mostly in symmetric way.
At mas napatunayan ko ang ganda nito pagtapak ko sa loob. Hindi ko gaanong napagtuunan ng pansin ang mamahaling mga paintings, malalaking mga pigura, banga at iba pang mga kagamitan dahil mas nakuha ang atensyon ko ng detalye ng pagkagawa ng lugar.
'This is lavish!' I can't help but to comment while scanning the place.
Inside is the extravagant marble and limestone flooring. It is also packed of custom features including the fascinating grand two-story foyer that features a majestic double staircase with intricately detailed wrought iron railings and extravagant chandlers. I also noticed that the funishings were in a textured approach, a blend of stone, wood beams and dark beige.
Pakiramdam ko nakatapak ako sa isang lugar na tanging sa mga napapanuod na pelikula lamang nakikita.
"Inay! Salamat naman at nakauwi na kayo!" Dahil sa pagkamangha ay hindi ko napansin ang mga iilang sumalubong na sa amin.
"Salamat, anak. Tulungan mong ipasok sa silid ang mga gamit, Danah." si Manang Desa pero nakatuon na sa akin ang atensyon ng babaeng nangangalang Danah.
She's genuinely smiling at me. She got these chinky eyes, small but proud nose, neck length black hair and morena skin.
Sa tingin ko ay hindi nalalayo ang edad namin kahit pa mas mataas ako ng iilang guhit sa kanya.
"Inay siya na ho ba ang asawa ni señorito Ricollo?" hininaan man niya ang boses ay malinaw ko pa rin naririnig ang sinasabi sa ina. "Napakaganda pala talaga niya, Nay."
"Mahiya kang bata ka! Sige na at sundin mo ang inuutos ko sa'yo!" mahinang saway ni Manang Desa bago bumalik sa akin. "Halika na, hija. Ihahatid na kita sa silid ng asawa mo."
Tulad nang pagkamangha ko kanina ay ganoon din sa silid na tutuluyan ko. I feel like I will never get used to this luxurious place.
As I entered the room, I was greeted by an ornate four-poster bed that dressed with sophisticated white linens. The curtains were also swaying revealing the double door windows out onto a terrace. A huge walk-in closet was placed along the tufted chaise, comfortable sofa and chairs for cozy seating.
Nang magsimulang mag-ayos ng iilang damit ko si Manang Desa ay nakamasid lang ako. Napansin ko ang dami ng mga damit, sapatos, bags at mga paperbags na sa tingin ko ay hindi pa nabubuksan.
"Bakit ho ang dami ng mga iyan?" wala sa sariling sambit ko na agad niyang sinagot.
"Si Rico ang may gawa niyan, hija. Inaasahan na kasi ng lahat ang pag-uwi mo rito. Mukhang natuwa ng sobra ang asawa mo kaya halos araw araw kang binilhan ng mga gamit mo. Kita mo at hindi na nga magkasya pa rito."
Napaawang ang labi ko. Ibig sabihin talagang hinihintay na pala niya ang pagdating ko sa lugar na ito.
Pero bakit namatay siya? Anong ikinamatay niya?
Pinigilan ko ang sarili na muling magtanong kay Manang Desa tungkol dito. Pakiramdam ko hindi pa ito ang tamang oras para sa detalyeng iyon.
Babalik pa ang memorya ko kaya baka hindi ko na rin kailangan pang magtanong. Tulad ng sabi ng doktor, positibo akong kusa kong maaalala ang mga ito.
Matapos mag-ayos ay kaagad din siya lumabas para makapagpahinga na ako.
Nang sumunod na araw ay nanatiling masungit ang panahon. Ayon kay Manang may kasalukuyang bagyo na maaring magtagal ng isa hanggang sa dalawa pang araw.
"Napakahirap pala ng sitwasyon mo, señorita. Ang hirap siguro na dahil sa pagkawala ng memorya mo ay wala kang kasiguraduhan sa lahat." kumento ni Danah sa malamig na hapong iyon.
Mas nakilala ko si Danah dahil halos sila lang ni Manang Desa ang madalas kong makasalamuha sa loob ng malaking mansyon.
Nalaman kong dito na sila sa hacienda Mansuegra simula pa lamang.
"Mahirap man pero tiwala ako na manunumbalik din ang mga ito."
Bumuntong hininga siya. "Hindi mo na nga ho makakasama si señorito Rico tapos ngayon pati ang memorya mo nawala na din sayo--" natigilan siya sa sinabi at parang biglang nataranta. "Ah! O-Oho sigurado hong babalik agad ang mga alaala ninyo!"
She laughed awkwardly. Para siyang nahiya dahil sa mga nasabi.
"Huwag ho kayong mag-alala señorita kapag umayos ang panahon ay ipapasyal ko kayo sa buong hacienda para kahit paano ay hindi kayo mainip."
Nang sumapit ang gabi dinalhan na lang ako ng hapunan sa silid ko. Matapos nito ay nagpasya na rin akong matulog. Dala na din siguro ng panahon ay mabilis akong nahila sa kadiliman.
It was raining so hard.
I can see myself screaming but there were no sounds. Nilalamon ang boses ko nang sigawan din ng napakaraming taong malabo din sa paningin ko.
Kahit saan ako tumingin ay kadiliman...
Malakas na ulan..
Mga taong nagsisigawan dahil sa labis na takot.
May apoy.. sandali saan nanggaling ang malaking apoy?
Malabo.. Magulo.. hanggang sa may malakas na pagbangga.. babagsak ako.. babagsak--
"Ugh!" Habol hininga akong napabalikwas ng gising. Ramdam ang takot nang mapalingon ako sa paligid.
Walang malakas na ulan..
Walang sigawan..
At walang apoy..
Napatingin ako sa kadiliman ng silid. Binuksan ko ang lampshade at walang lakas na napasandal sa headboard ng kama.
What was that? I was so scared.
Nanatili akong nakapikit ng ilang minuto, pinapakalma ang sarili bago nagpasyang bumaba para makakuha ng tubig.
Nakakabingi ang katahimikan sa pagkawala ng ulan. Ang mga malalamyos na ilaw ay tama lamang upang makababa papunta sa kusina.
Nang makapasok ay hindi nakawala sa paningin ko ang kabuuan ng kusina.
It was styled in a honey-toned woods and variegated marble. The trio ornate iron chandeliers add an extra layer of whimsy. There were these Oak cabinets with sculptural metal hardware lined with curtains and arched backsplash.
It was not a surprise anymore that the kitchen was complete with fitments, appliances, and even accessories. They keep it so clean, simple and traditional with an efficient space.
Kumuha ako ng isang basong tubig at mabilis na pinangalahati ito bago umupo sa isang high stool chair.
Isinabunot ko ang dalawang kamay sa buhok ko bago muling pumikit ng mariin. Hindi ko alam kung simpleng panaginip lang ba iyon o kasama ito sa mga alaala ko.
Malakas na ulan, mga takot at sigawan, isang malaking apoy.. at may malakas na pagbangga.
Trahedya..
Hindi kaya ito ang trahedyang sinasabi nila Manang Desa na kinasangkutan ko?
Napaayos ako ng pagkakaupo sa naisip. Tama! Posibleng ito nga ang trahedyang naging dahilan nang pagkawala ng alaala ko.
Bumilis ang tahip ng dibdib ko. Ang mga alaala ko. Dahil sa senyales na ito ay maaring bumalik agad ang memorya ko!
Nasa ganoon lalim ako ng pag-iisip nang may maramdaman akong tao sa may b****a ng pinto.
At hindi nga ako nagkamali..
In the dark and silence, a tall man with broad shoulders is standing just meter away from me.
My breath hitched when he greeted by weak lights as he stepped closer to my place.
With faded pants and no shirt on, I can fully see his brawny chest with his smooth tan complexion. His black hair is perfectly messy. He has these deep dark eyes, prominent cheekbones, high-bridged nose, tight jaws that filled with little stubbles.
Halos hindi ako makagalaw sa pagkabigla. "S-Sino ka?" bahagyang nanginig ang labi ko.
"I should be the one asking you that," his voice is in a cold husky. Mas dumoble ang kaba ko nang tuluyan siyang lumapit at hatakin ako sa braso. "Who are you?"
Ni hindi ko magawang sumagot sa riin ng tingin niya sa akin gaya nang pagkakahawak niya sa kaliwang braso ko.
Sinubukan kong umalis sa hawak niya pero malabo ito. Sinundan lamang niya ng tingin ang paggalaw ko. Bumaba ang titig niya sa kamay ko at nagtagal ng kaunti sa mga darili, partikular sa may suot na singsing.
"Too early from what I expected.." balik niyang tingin sa akin at parang napapasong binitawan ako.
Hindi ko alam kung anong sinasabi niyang maaga sa inaasahan. Ang pagdating ko? Hindi ba't inaasahan na nila ito?
S-Sandali sino ba siya? Akmang bubukas ang bibig ko para muling magsalita pero natigil dahil sa biglang pagdating nang inaantok pang si Manang Desa.
"Susmaryosep!" halos mapatalon siya sa gulat dahil sa pagkakita sa amin. "Bakit hindi kayo nagsindi ng mga ilaw?" agaran niyang ginawa ang sinabi.
"Regon nakauwi kana pala, hijo." halos manlaki ang mata ko sa sinabi ni Manang Desa.
Regon? Alam kong nabanggit na ni Manang ang pangalang iyon.
"Wala na hong problema sa pananiman kaya nagpasya na akong umuwi." simpleng sagot nito na ngayon ay kumukuha na rin ng tubig.
"Salamat naman kung ganoon." nanatili akong natulos sa kinakatayuan.
"Sige ho at aakyat na ako para nakapagpahinga." I almost stop my breathing when he gazed at me again.
He looks more dark and dangerous now. He has these eyes that will look deep within your soul. He swiftly scanned my appearance.
Right there, I forgot that I’m only wearing a strap lace splicing nightwear and just covered it with a long satin robe.
And before I could utter a word again. He's gone