Panimula

1027 Words
Ang istoryang ito ay pawang kathang-isip lamang. Ang mga tauhan, pangalan, lugar at mga pangyayari ay gawa ng imahinasyon ng may-akda. Ano mang pagkakahalintulad sa ibang istorya ay hindi sinadya at nagkataon lamang. Hindi pinapahintulutan na kopyahin, ariin, at ilathalang muli ang anumang parte ng istorya na walang pahintulot ng may-akda. Ang pagbabasa sa likhang ito ay hindi ipinagpipilit kaya ang sariling desisyon ay panghawakan sa anumang panganib na maaaring mabasa sa istorya.  --- As I opened my eyes, all I can see is pure white, white curtains were gently swaying, roses were kept in a beautiful white fine crystal vase, chair perfectly placed beside my bed. Nasaan ako? I closed my eyes and touched my head when I felt the pain somewhere on it. "Gising na siya Lando!" Isang boses na nanggaling sa bumukas na pintuan ang muling nagpadilat sakin. "Sandali lang at tatawagin ko si Doc!" natatarantang lumabas ang lalaking sa tingin ko ay kasing edad ng babaeng naiwan. "Kumusta ang pakiramdam mo, hija?" Lito sa lahat, hindi ko magawang sumagot sa kanya. "Wala bang masakit sayo? Nauuhaw o kaya nagugutom ka?" nanatili lang akong nakatingin sa kanya. "Huwag kang mag-alala tinawag na ng asawa ko ang doktor." Ibubuka ko sana ang bibig ko para magsalita pero muling bumukas ang pinto. Pumasok ang lalaki kanina at may kasama na itong nakapamuting lalaki na sa tingin ko ang doktor na sinasabi nila. "Gising na ho siya, Doc." Sabi ng babae saka umalis sa gilid ng kama. Mabilis na lumapit ito sa akin at hinawakan ang pulsuhan ko. May ilang minuto niya akong sinuri bago nagsalita. "Her vital signs are in good state now." Sabi niya at may isinulat sandali sa hawak niya. "Mabuti naman kung ganoon," tumingin sa akin ang babae. "Akala namin hindi ka na gigising. Kumusta ang pakiramdam mo?" "N-Nasan ako?" ang mga salitang unang lumabas sa bibig ko. "Nasa hospital ka, hija. Isang linggo ka ng nandito." sabi ng lalaking may pangalang Lando. "I-Isang linggo?" "Oo. Akala nga namin ay hindi ka na gigising dahil sa mga pinsala mo mula sa trahedya." Nakaramdaman ako ng kalituhan sa narinig. Pinsala? Trahedya? Napahawak ako sa ulo ko nang bahagyang manakit ulit ito. What's happening? Where Am I? Muli akong natigilan sa biglang pagsasalita ng doktor. "Masakit pa rin ba ang ulo mo? Alam mo ba ang nangyare sa'yo? Ang pangalan mo.. alam mo ba ang pangalan mo, hija?" Ang simpleng katanungan ay nagdulot ng matinding kalituhan sa akin. Naghagilap ako ng kasagutan pero mas pinapatindi lamang nito ang p*******t ng ulo ko. A-Ang pangalan ko? Ano ang pangalan ko? Gumapang ang takot sa sistema ko sa kaalamang wala akong maalalang pangalan. "H..H-Hindi ko a-alam." tuliro sa sariling bumalik ang tingin ko sa kanila. Alarmang lumapit muli sa akin ang matandang babae. "Heto hija.." may kinuha ito mula sa bulsa at pinakita. "Itong lalaki sa litrato, naaalala mo ba siya?" Kahit na lumalabo ang paningin dahil sa nagbabadyang luha ay nagawa ko pa rin makita nang malinaw ang nasa larawan. Ang imahe ng isang nakangiting lalaki ang tumambad sa akin. A man with his stylish summer outfit. He looks so dark yet his smile is soft. S-Sino ang lalaking ito? Ngayon mas walang maintindihan sa lahat. "Hindi mo rin ba maalala ang lalaking nasa litrato, hija?" nasilayan ko ang awa sa mga mata nila nang marahan akong umiling sa kanila. Anong bang nangyayari? Ano bang nangyari sakin? Pakiramdam ko hindi ako natuliro nang ganito sa buong buhay ko. Ang gumising sa hindi kilalang lugar, ang makisalamuha sa mga taong hindi ko kilala ay lubos na nagbigay ng takot sa akin. "Memory lost," eksplenasyon ng doktor. Apat na araw na mula nang magising ako. "Sa mga nagkakaroon ng concussions o head injuries, minsan nangyayari ang panandaliang pagkawala ng memorya. Maaaring unti unti ay maaalala mo ang lahat o maaari ring biglaang manunbalik ito," huminto siya sa pagsasalita at tumitig sa akin. "Pero maaari ring hindi na bumalik." "Ano naman ho ang pwedeng maging dahilan nang tuluyang pagkawala ng memorya niya, Doc?" agap na tanong ni Mang Lando. "Well, maraming pwedeng dahilan. Isa na dito ang pilit na pag-alala sa lahat. Maaring mastrain ang utak dahilan para tuluyang mawala ang memorya niya." Sumandal ang Doctor sa upuan at pinaglipat-lipat ang tingin samin. "Kung ganoon, Doc, mas makakabuti sa kanya na huwag hong pilitin ang makaalala at hayaan kusang bumalik ang mga alaala niya?" "Yes. Anyway, possibility lang iyon. Malay natin bukas o sa makalawa ay muling babalik na ang memorya niya. Let's be positive about this. " I sighed. Ang mahihinang ulan mula sa labas ng kotseng sinasakyan namin ay mas nagbigay ng katanungan. Tila ba, maging ang kasalukuyang panahon ay nakikisimpatya sa kawalaan ng mga mahahalagang alaala ng buhay ko. Isang haplos sa kamay ko ang nagbalik sa akin sa kasalukuyan. "Magiging ayos din ang kundisyon mo, hija. Maaalala mo rin ang lahat." tinanaw ko ang marahan paghaplos ni Manang Desa sa aking kamay, partikular sa aking palisingsingan. Mula dito ay nakasuot ang napakagandang singsing na ngayon ko lang din napagtuunan ng pansin. "Ano hong.. klaseng tao siya?" tukoy ko sa kanya na agad naman nakuha ng matandang babae. "Mabait na bata si Rico, hija. May pagkaseryoso  minsan pero madalas naman ay napakapilyo." may giliw na sagot niya. Hindi ako nagsalita at nanatili na lang na tumitig sa litrato niya na ngayon ay mas malinaw kong napagmasdan. He is tall, I think almost six one with a muscular frame and smooth tan complexion. Sa tikas at ayos ay malalamang hindi siya ordinaryong tao lang. His jaw lines were sharp. His lips are pink and sensual. He has straight nose and thick black hair that falls slightly over his dark eyes. He’s beautiful. I feel like there is this mixture of darkness and softness in his aura. I sighed again. Hindi ko alam kung sino ako. Kung anong buhay mayroon ako noon. I want to remember him. I want to remember everything.. Because as of now, the only thing I know is that I am Bianca Lozano.. and I am married to this man named Ricollo Monsuegra. The same man who passed away a month ago..  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD