Kabanata 11

2312 Words

Madilim na ng dumating kami sa hacienda. Inaabangan na kami nila Manang Desa nang makababa kami ng sasakyan. Si Danah ay halata ang katuwaan habang aligagang kinuha ang gamit ko at sumunod samin papasok. Ilang minuto ang naging kamustahan namin sa kanila. Nang may dumating na trabahador at kinausap si Regon ay itinuloy namin ang pag-uusap sa loob ng silid ko. "Kumusta naman sila Donya Carmela, hija?" si Manang Desa habang abala sa pag-aayos sa mga gamit ko. "Mabuti naman ho sila, Manang." ngiti kong sagot at sinundan ng tingin si Danah na umupo malapit sa akin. "Napakabait ho nila." "Nako totoo ho iyan, señorita. Naalala ko pa noong huling uwi nila dito ay binigyan ako ni Donya Carmela ng mga mamahaling damit. Hindi ba, Inay?" "Talagang mabait ang mag-asawang Trejano, hija. Kaya nga s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD