Sa mga sumunod na araw, tulad nang inaasahan ay wala akong magawa sa mansyon. Matapos ang pagbawal ni Regon sa amin na ayusin ang hardin ay may mga hardinero na nga ang tumapos sa trabaho namin doon.. Nasa sala ako ng araw na iyon at umiisip ng pwedeng gawin para hindi muling mabagot sa buong araw. Noong isang araw ay sinubukan ko na ang magpresinta kay Manang Desa na tumulong sa kusina pero agad niya iyong tinanggihan. Nanatili ako sa sala habang iniiisp ang pwedeng gawin para mapalipas ang oras nang may marinig akong tawag mula sa labas "Señorita! Señorita Bianca!" Si Danah umahangos pero nakangiting huminto ito sa harapan.Kasama niya si Jurry na ganoon din ang ayos. “Danah, Jurry anong atin at nagmamadali kayo?” Ilang segundo siyang huminga bago sumagot. "May sasabihin ho kami, Se

