Sa nakalipas na dalawang araw matapos kong magkasakit, ginawa ko ang lahat para tuluyang umiwas sa kanya. At ngayon na nasa harapan ako ang puntod ang asawa ko, mas natanto ko na tama ang ginagawa ko. Matapos kong ibaba ang mga bulaklak para sa kanya ay taimtim akong nagdasal. Ang pagkawala ng mga alaala ko ay hindi magiging dahilan para lumihis ang damdamin ko para sa asawa. Sa kanya lamang ang katapatan ko at maaring mararamdama ko ulit ito sa oras na bumalik na ang alaala ko. Mas dapat kong pagtuunan kung paano mapapabilis ang pagkaalala. Mas lumalaki na ang pagkakataon ko dahil sa mga iilang bumabalik na. Hindi pa malinaw sa ngayon ang mga ito pero alam kong mapapagtagpi-tagpi ko ang mga ito kapag nagpatuloy ang pagbabalik ng mga ito. "Ang bilis ng panahon, ngayon ay ang pangatlong

