It was the same place with dancing lights. Mas kuminang ang mga ilaw sa paligid kaya halos masilaw ako habang naglalakad. Nilalagpasan ko ang ilang taong nakakasalubong at pilit na hinahagilap ang isang tao. Sino ba talaga siya? At bakit lagi ko siyang hinahanap habang nararamdaman ang pag-alala. Nanatiling walang mukha ang mga tao sa paligid ko habang aliw at masayang nakikikanta sa kasalukuyang musika. N-Nasaan kana ba? “Baka lumabas sandali o baka nagbathroom break lang. Nandito lang kanina eh.” Nakita ko ang sariling kausap ang walang mukhang tao. Bumukang muli ang bibig ko para magtanong kung sino ang hinahanap ko pero hindi manyari. Ang sunod ko na lang na natagpuan ay ang muling maglakad papunta sa lugar na sinabi ng estranghero kanina. Palapit na ako sa lugar nang unti-unting n

