Sumalubong sa akin ang halos walang kagamitan na loob ng bahay. Tanging pasirang lamesa at isang mahabang upuan na gawa sa kahoy ang una kong nakita. Nawala ang atensyon ko rito nang tuluyan na din nakapasok si Regon sa loob. Nagtama agad ang paningin namin pero naging mabilis lang ito. Humakbang siya at naghanap ng kung ano sa loob ng bahay. Habang abala siya, inalis ko naman ang cap na suot at nagsimulang ayusin din ang sarili dahil sa biglaang pagbuhos ng ulan. Nabasa ang duluhan ng buhok ko at ang parteng itaas na katawan. Sa lakas ng pag-ulan ay nasisiguro kong tuluyan kaming maliligo kung hindi kami sumilong. Matapos ang ilang minuto, napatingin akong muli kay Regon nang mapansing may hawak na siyang kandila at walang ideya kung paano niya nasindihan ito. Itinayo niya iyon sa taas

