KABANATA 1: AKSIDENTE
"Jade, walang preno!"
"Jade, babangga tayo!"
"Jade!!!!!"
Lumaki ang mga mata ni Clara nang makita ang naghihintay na malaking puno sa rumaragasa nilang kotse.
Ipinikit na lang niya ang mga mata at buong lakas na sumigaw. "Ahhh!!!!"
Mabilis na nagmulat si Jade. Mabilis ang kanyang paghinga habang nakatitig sa kisame.
Rumehsitro sa paningin niya ang mukha ng kanyang ina. Taas na taas ang isang kilay nito. "You're awake?" tabong nito.
Mabilis siyang bumangon paupo pero natigilan din nang maramdaman ang sakit ng katawan.
Napatingin siya sa sarili. At naroon ang cast sa braso niya, bali sa binti niya. Ramdam niya ang kirot ng tadyan at ng buong katawan.
Nagtatakang nilingon ni Clara ang ina na si Francia. "Ma, anong nangyari?"
Umirap ito at gigil na lumapit sa kanya.
"Naaksidente ka," mahinang wika nito habang nagkikiskisan ang mga ngipin.
"Ha?" mahina niyang tanong pagkatapos ay hindi alam kung saan itutuon ang mga matang nanunubig.
"Naaksidente ka dalawang araw ang nakakalipas. Ang akala ko nga, hindi ka na magigising," patuloy ng ina.
Naalala niya ang panaginip.
Ibig-sabihin, totoo ang panaginip iyon.
Alerto niyang binalingan ang ina. "Si Jade?"
"Nasaan siya?"
Hindi ito sumagot. Gamit ang isang kamay ay hinawakan niya ang braso nito at inalog. "Ma, si Jade?!" ulit niya sa malakas na boses.
Tumaas ang isang kilay ng inang seryoso at umiling. "Hindi niya kinaya."
Kasabay nang pagkunotnoo ay ang pagpatak ng mga luha niya. "Hindi niya kinaya ang aksidente kaya wala na siya," marahan ang wika nito pero may tapang pa rin.
Umiling-iling si Clara. "Hindi."
"Hindi pwede."
"Hindi pwedeng mangyari 'yon," mabilis niyang hinawi ang kumot pero naroon agad ang iba niya para pigilan siya.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"
"Pupuntahan ko si Jade! Umalis kayo riyan, Mama!"
"Ano ka ba?!" pigil-pigil siya nito sa braso at hindi hinahayaang makababa. "Tumigil ka nga, Clara!"
"Umalis kayo riyan! Pupuntahan ko siya!"
"Tumahimik ka!" napahiga siya nang sampalin siya ng ina. Ang kamay niya ay sinapo ang kanyang pisngi habang gulo-gulo ang buhok na tiningan ang ina.
Si Francia ay pumewang habang hinihingal. "Tanga ka ba?!"
Muling tumulo ang mga luha niya. "Pupuntahan mo pa talaga si Jade-"
"Best friend ko si Jade, Mama!"
"Wala rin saysay kung makikita mo siya, hindi mo na siya mabubuhay muli!"
Muli siyang akmang baba. Pinigilan siya nito sa magkabilang braso at inalog. "Come to your senses, Clara!"
"Kahit anong gawin mo, hindi na siya mabubuhay!"
Malakas niyang tinulak ang ina. "Clara!" napadpad ito sa sulok ng kwarto. Siya ay inalis ang karayom na nakakabit sa kamay pagkatapos ay bumaba sa kama.
Sandali pa siyang napaluhod nang maramdaman ang binti. "Clara!" nang makitang patayo na ang ina ay mas binilisan niya ang pagtayo.
Ika-ika siyang lumabas ng kanyang kwarto. Natigilan siya nang makita ang hallway. Kumapit siya sa pader at sinikap na maglakad.
Nakaabot siya sa labas ng ospital. Pilit niyang itinaas ang kamay. "Taxi!"
"Clara!" napalingon siya sa sigaw ng ina.
Natataranta niyang tinanaw ang palapit ng taxi. Nang huminto iyon sa harapan niya ay awtomatiko siyang sumakay.
"Clara!" naabutan na lang ni Francia ang pagsara ng pinto ng taxi. "Clara, buksan mo 'to!"
"Manong," sunod-sunod niyang kinalbit ang drayber ng taxi. "Bilis ho, paandarin niyo na!"
Sinulyapan niya ang inang galit na galit sa bintana at pilit na binubuksan ang pinto. Nang umabante ang sinasakyan ay matapang niyang itinuon ang tingin ng tuwid.
"Clara, bumaba ka riyan!" sigaw ni Francia na habol-habol ang taxi.
Huminto ang taxi sa isang bahay. Tiningala niya iyon at lumapit sa gate.
Ilang beses nag-doorbell si Clara.
"Jade?"
"Jade?!" muli siyang humakbang pero nadapa rin nang hindi maramdaman ang isang binti na may cast.
Gumapang siya at tumapat sa gate habang may mga luha. "Jade?!"
"Clara," napatingin siya sa dumaan naroon ang kapitbahay na ginang ng best friend na si Dolores.
Lumapit ito sa kanya. "Ano bang ginagawa mo riyan? Mukhang galing ka pa sa ospital dahil suot mo pa ang ospital gown?" sunod-sunod na tanong nito habang inalalayan siyang tumayo.
Nakatayo siya habang nakaangat ang binting bali. "Tita Dolores, si Jade ho?"
Sinulyapan niya bahay nito bago binalikan atensyon ang kaharap. "Nasaan ho si Jade?"
"Hindi mo ba alam?"
Nagdugtong lang ang mga kilay niya.
"Nakaburol na si Jade," tuluyan siyang napaupo. "Clara!" sigaw ni Dolores na agad siyang inalalayan.
Sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya habang nakatitig sa kalsada. Kung ganoon ay totoo nga ang sinabi ng kanyang ina.
Ang kanyang pinakamamahal na best friend ay wala na!
Tuluyan siyang napapikit kasabay nang mas marami pang mga luha. "Jade," iyak niya.
"Clara," tila naawa si Lourdes habang yapos-yapos siya.
Natagpuan ni Clara ang sarili sa harap ng chapel malapit lamang sa bahay nito. Lumapit sa kanya si Lourdes na sinarado ang pinto ng kotse nito na naghatid sa kanya.
"Naroon siya," anito.
Nilunok niya ang laway habang hindi inaalis ang tingin sa di-kalayuan. Maliwanag ang chapel at may mga taong nakatalikod na nakaupo sa mga silya.
"Naroon si Jade," dagdag ni Lourdes.
Tuwid ang tingin ni Ciara habang hindi kumukurap, hirap siyang naglalakad.
Nang makapasok sa loob ay doon niya naramdaman ang lamig ng chapel. Nanlalambot ang mga binti niya, gusto na niyong mabuwag pero mas gusto niyang makaabot sa harapan.
Tuluyan siyang nakarating sa kabaong na naroon. Halos nalukot ang mukha niya nang makita ang kaibigan sa loob ng kabaong.
"Jade," iyak niya.
"Jade," patuloy niyang pagtawag dito habang hindi makapaniwala.
"Jade, gumising ka!"
"Jade!"
May mga sapatos na itim ang nagmamadaling naglalakad patungo sa kabaong.
Napatingin si Clara nang may humawak sa braso niya. Nang tumingala ay naroon ang galit na galit na si Gideon.
"Anong ginagawa mo rito?!"
Hinila siya nito at tinulak. Napaupo siya sa sahig. May mga luha siyang napayuko.
"Walang hiya ka!"
"Ang kapal ng mukha mong magpakita rito!" sikip ang boses nito sa loob ng chapel.
Dahan-dahang tiningala ni Clara si Gideon, ang asawa ni Jade. Hindi niya mailarawan ang galit na mayroon ito.
Ang mga mata nito ay nagbabaga habang nakatitig sa kanya. Ang tahip din ng dibdib nito ay abot-abot.
"Gideon-"
"Tumigil ka!" napapikit siya.
"Huwag kang magsalita," mas mababa na ang tono nito pero gigil. "Ayokong marinig ang boses mo, lalo na ang makita ka rito," nilapitan siya nito.
Hinagip sa braso, itinayo pagkaraan ay kinaladkad palabas. "Jade!" iyak niyang tawag at nagawa pa niyang lingunin ang malaking litrato ng kaibigan.
Tumalsik siya sa labas ng chapel. Hindi niya magawang masaktan nang tumama sa magaspang na sahig.
"Wala kang karapatang pumunta rito!"
Tiningan niya si Gideon. "Wala kang karapatan dahil ikaw mismo ang pumatay sa kanya!" sigaw nito habang naglalabasan ang mga ugat dahil sa galit sa kanya.