Nanami Yoshino (Katana Light) Hindi naman namin pinagtalunan ni Ashen ang ipinagawa ko sa mga kaibigan ko. Medyo kinompronta lang niya ako dahil hindi niya naiintindihan kung bakit ko pinaabot sa ganoon ang pagpapabagsak sa buong ZeRL pero sa huli ay naintindihan din niya ang lahat. Kaya matapos ang paliwanagan ay bumalik na kami sa mga silid na binabantayan namin. At hindi pa man sumisikat ang araw ay nagising na si Arkel. Tulad ng inaasahan ay labis ang kanyang iyak nang malaman ang nangyari sa kanyang mga daliri ngunit naikwento niya sa akin kung paano siya sinaktan ng mga kalalakihan na hindi naman niya kilaka. Kagagaling lang kasi niya sa gig ng kanilang banda at mag-isa lang siyang umuwi ng bigla siyang harangin ng ilang lalaki at sapilitan siyang dinala sa isang abandonadong lo

