Nanami Yoshino (Katana Light) Tahimik na ang buong ospital. Iilan na lang ang mga nurse na nananatili sa kanilang counter habang ang ilan pa ay nagra-rounds para sa kani-kanilang pasyente. Kaya naman nang makita ko si Doctor Marchial na pumasok sa kanyang opisina ay agad akong pumuslit papasok doon. Hindi niya agad ako napansin dahil nakatalikod pa siya sa akin kaya nanatili muna akong nakasandal sa pinto at ngumisi na lang ako nang tuluyan siyang lumingon sa kinatatayuan ko. Agad nanlaki ang mga mata niya nang makita ako at bago pa siya makapagsalita ay mabilis na akong lumapit sa kanya at tinakpan ang kanyang bibig tsaka itinulak siya paupo sa kanyang upuan. “Don’t make any noise kung ayaw mong itarak ko sa leeg mo ang mga ballpen na nasa mesa mo,” madiin kong banta sa kanya. Daha

