Nanami Yoshino (Katana Light) As soon as the doctor finished everything they were doing to Main, we immediately went inside the room. At naabutan namin na wala na ang mga makinang nakakabit sa katawan ni Main. Mahimbing pa din itong natutulog ngunit nakikita ko naman na maayos na ang vitals nito at malayo na sa kapahamakan ang buhay niya. "I don't really know what happened but I think, I need to thank you," sabi ni Doctora Laine. "Siguro ay naramdaman niya ang presensya nyo at ang hangarin niyong iligtas siya kaya gumising siya agad." "You don't need to thank us, Doc," sabi ko. "Like what I said, nandito kami para hingin ang tulong ng anak niyo dahil kailangan namin ang kakayahan na mayroon siya." "At para iyon sa ikabubuti niya kaya papayag ako," mabilis niyang sagot. "Pero hindi ak

