Nanami Yoshino (Katana Light) Hindi din nagtagal ang paghihintay namin kay Doctora Laine, ang mommy ni Main, dahil agad din siyang dumating at sinimulan ang pakikipag-usap sa amin. "So, what do you want to know?" tanong ng doktora. "I know that you are not just my daughter's clubmate." Ngumiti ako. "Mukhang hindi na naman namin kailangan na magpaligoy-ligoy pa." At mas mabuti din ito dahil hindi na din namin kailangan pang magsinungaling. "He…" itinuro ko si Ashen. "...is not just your daughter's clubmate. "We…" Isinama ko na ang sarili ko. "...are part of an organization that fights against the product the ZeRL created." Napatitig sa akin ang doktora. Hindi din naman ako pinigilan ni Ashen kaya tingin ko ay tama na din na nagpakilala ako ng tapat sa babaeng ito. Ilang sandali lang ay

