"s**t!" sabi ni Matteo na naibato ang cellphone "Nakuha nyo ho ba hepe?" galit na sabi ni Matteo
"Nasa romblon port sila. Men assemble unit. Lilipad tayo."
"Sasama ako.." sabi ni Matteo
"Ako rin!" Panabay na sabi ni Joaquin at Warren saka sumunod sa mga ito at sumakay sa sariling helicopter.
"Nagpatawag din si Mamita kay Jameson ng mga forces nya para sumunod sa atin sa romblon.." sabi Warren
"Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nahuli ko ang mga ha*op na yun." sabi ni Matteo
Paglapag ng helicopter nila sa romblon port ay napakaraming cargo ship ang nandoon at may mga lamang ibat ibang container van.
Lumapit sa kanila ang imbistigador.
"Sir! Nahalughog na po namin ang bawat sulok ng port pero walang nakita mga tao ko." sabi nito
"Halughugin nyo pati mga cargo ship." sabi ni Matteo
Kumilos na din sila. Dumating na din ang mga tauhan ni Jameson.
Halos anim na oras na silang naghahalughog sa mga bawat container na nandoon.
"apat na cargo ship na ang hinalughog natin pero hindi pa din natin sila makita." sabi ni Matteo "Sigurado ba silang nahahalughog nila ng mabuti!"
"Ginagawa nila ang trabaho nila Matt.. Wag kang mainit.. Makikita din natin sila.." sabi ni Joaquin
Lumapit sa kanila si Jameson.
"May tumawag sa akin na taga intel.. May na hi-jack daw na cargo ship na nireport sa kanila. Nandito sa port yung barko." sabi ni Jameson saka inabot kay Matteo ang papel.
Ipinakita nila iyon sa kawani ng port at sinamahan sila sa barko na hinahanap nila.
Makalipas ang dalawang oras ay nakita ng isang pulis na nakaharnes ang container van kung nasaan sila Ehm.
"Sir nandito sila sa ikatlong palapag na container over." sabi ng pulis nang makapasok sa loob ng container
"Status over?" sabi ng hepe
"unstable sir..kaylangan ko pa ng isang tao dito sa taas over.." sabi ng pulis
Pagkadating ng isa pang first responder ay isa isa nang ibinaba sina Ehm Lani at Angge. Idiniretso sila sa isang ambulance na nandoon ng mabigyan ng first aid ay sumakay sila ng chopper papuntang manila. Sa hospital ng mga Montecarlo sila dumiretso.
Nasa VIP room naka admit si Ehm. Biglang nagising si Ehm at napansin iyon ni Matteo na nakaupo at nakasandal sa coach na nandoon sa kwarto. Nilapitan sya ni Matteo at masuyong hinawakan sa buhok.
"Matteo.." sabi ni Ehm na humawak sa kamay ng asawa dahil nakaramdam sya ng takot ng mapanaginipan ang pangit na nanguari sa kanila.
"Andito lang ako.." sabi ni Matteo
"Natatakot ako Matt.." sabi ni Ehm
Niyakap naman sya ni Matteo ng makita ang takot sa mukha nito. Naiyak nalang si Ehm.
"Shhhh.. Mahuhuli din sila.." sabi ni Matteo
Nang makalma na si Ehm ay himiwalay na sya kay Matteo at bahagyang pinunasan ni Matteo luha nya sa pisngi.
Dumating ang mga byenan, Hunter, Tonet at ang mga anak.
Niyakap nya ang mga anak at sumampa sa hospital bed.
"Mommy.." sabi ng kambal saka nagiiyakan
Tumulo nanaman ng tumulo ang luha ni Ehm ng marandaman ang takot na baka hindi na nya makita ang mga anak.
"Mga apo ok na si mommy nyo." sabi ni Armando
"Kamusta papa? May balita na ba sa mga kidnapper?" Tanong ni Matteo sa ama na sinadyang lumayo at hininaan ang boses para hindi madinig ni Ehm.
"Wala pa.. Kahit lead wala pa din silang makuha kung ano talaga ang nangyari at iniwan nalang sila doon kahit walang ransom na nakukuha." sabi ni Armando
Lumapit naman si Tonet kay Ehm saka yumakap dito.
"Ehm.." sabi ni Tonet
"Tonet.." sabi ni Ehm
"Sorry.. Dahil sa akin napahamak pa kayo.." sabi ni Tonet habang hawak nito ang kamay ni Ehm
"Hindi mo kasalanan iyon Tonet.." sabi ni Ehm "Masaya akong ligtas kayo.." sabi pa ni Ehm "Kamusta si Marj?"
Di na napigilan ni Tonet ang maiyak ng maalala si Marj.
"H-hanggang ngayon hindi pa din sya nagigising.." sabi ni Tonet
"Oh God.." sabi ni Ehm
"Hindi mangyayari to sa inyo kung hindi ko kayo inimbitahan.." sabi ni Tonet
Lumapit sa kanila si Amelia.
"Wala sino man sa inyo ang may gusto ng nang yari.. Naniniwala akong magigising si Marj.." sabi ni Amelia na hinagod ang likod ni Tonet.
"Sana nga po tita.." sabi ni Tonet
Nakauwi na ng bahay si Ehm. Nagdagdag si Matteo ng security sa bahay nila. Kaya kahit papano ay nabawasan ang pagaalala ni Ehm.
"Mommy happy po ako na nakauwi ka na." sabi ni JM
"Talaga ba anak?" sabi ni Ehm
"Opo mommy.. Kahit hindi kami naturuan ni daddy na sumakay sa kabayo.. Marami pa naman pong days.. Diba daddy?" sabi ni JM
"Oo naman.." sabi ni Matteo
"Papasok ka na?" sabi ni Ehm ng mapansin na nakagayak na si Matteo
"Yah.. okay lang ba?" sabi ni Matteo
"Ha? ah oo.." sabi ni Ehm
"Pero-" sabi ni matteo
"Hindi.. Okay lang ako.." sabi ni Ehm "Uwi ka nalang sana ng maaga.." dugtong ni Ehm pero hindi na nya naisatinig.
Humalik sa kanila ni Matteo, ngunit bago umalis ay binilinan nyang mabuti ang mga guard na binigay ni Jameson. Kumaway pa ito sa kanila bago sumakay ng sasakyan nito.
Ginawa nalang ni Ehm ang regular na nyang ginagawa. Dahil ayaw na nyang mabakante ang isip nya dahil bumabalik ang bangungot na nangyari sa kanila.
Maaga nang umuuwi si Matteo pagkagaling sa trabaho. Hindi na din muna bumalik sa resto si Ehm Inaasikaso nya lang muna ang mga anak at si Matteo.
Tuwing pumapasok sa school ang mga anak ay lagi silang may kasamang mga guard. Naiilang man sya ay sinasanay nalang ni Ehm ang sarili at mga anak, para din naman iyon sa kanila.
Paguwi nila ng bahay galing sa school ay nandoon sina Barbara at Amelia.
Humalik ang mga ito sa kanila.
"Kamusta ka iha?" sabi ni Amelia
"Okay naman mama.." sabi ni Ehm
"Nagdala kami ng mga gulay, prutas at ibang karne iha.." sabi ni Barbara
"Salamat mamita.." sabi ni Ehm
Inilagay ng isang guard ang mga dala ng mga ito at nayos na ng kasambahay nila.
Ang yaya nya noong bata pa sya ang kinuha nyang kasama nila sa bahay. Mabilis naman itong pumayag, dahil nagaalala din sa kanya ito. Nasa ibang bansa naman ang mga magulang nila kaya hindi pa nakakapasyal sa kanya. Nginit walang araw na hindi tumatawag ang mga magulang nya sa kanya.
"Naku wala yun.. Oh pano aalis na din kami at papasyalan namin sina Marj sa ospital." sabi ni Barbara
"Pwede po ba akong sumama?" sabi ni Ehm
"Abay oo naman.." sabi ni Barbara
"Yaya Ising.. Maiwan ko muna po ang mga anak ko." sabi ni Ehm
"Sige ineng.." sabi ni yaya Ising
"Maiwan nalang ako dito at dito nalang ako magpapasundo kay Armando." sabi ni Amelia
Sumakay na sila sa kotse ni Barbara. Nasa back seat sila nasa driver side naman ang secretary ni Barbara at ang body guard nito na nasa driver set. Naka convoy naman sakanila ang dalawang body guard ni Ehm.
Pagpasok nila Ehm sa loob ng ospital ay sinalubong sila ng ibang kawani ng ospital. Nakita ni Ehm si Angge.
"Mauna na ako sayo hija?" sabi ni Barbara
"Sige po mamita." sabi ni Ehm
"Kamusta?" sabi ni Angge
"Okay naman.. ikaw? Kaylan ka pa nakabalik?" sabi ni Ehm
"Ngayon lang.. Hindi pwedeng hindi magtrabaho e." sabi ni Angge
Naglalakad sila sa hall way. Saka isang mahabang katahimikan ang pumagitan sa kanila.
"N-nakita mo na ba si Marj?" sabi ni Ehm
Umiling si Angge.
"Parang hindi pa ako hangang makita ang kalagayan nya. Sa ating lahat sya ang pinaka malala ang nangyari. Sana magising na sya." sabi ni Angge
"Gusto mo bang tignan natin ng sabay?" sabi ni Ehm na ginagap pa ang kamay ni Angge
"Tara.." sabi ni Angge
Nasa tapat na sila ng elevator at inaantay na magbukas.
" Ehm!" tawag ni Matteo na kumaway pa.
Kasama nito si Joaquin na may dalang isang bungkos ng bulaklak sa isang kamay. "Papunta din ba kayo kay Marj?" sabi ni Matteo ng makalapit sa kanila.
"uhm uhm.. Doon din ba ang punta nyo?" sabi ni Ehm