bc

MONTECARLO series 1: MATTEO

book_age18+
1.2K
FOLLOW
7.8K
READ
drama
comedy
sweet
serious
like
intro-logo
Blurb

Ang gusto lang naman ni Ehm ay ang makalimot. Binigyan niya ang sarili ng space para libangin ang sarili at mahalin ang sarili in a good way. Kaya napadpad sya sa lugar na sobrang ganda at payapa..

Yun ang akala nya.. dahil dito nya makikilala ang pinaka masungit na c Matteo Montecarlo.

chap-preview
Free preview
chapter 1
“You’ve been too quiet, Matt. Mayproblema ba?” Tinapik ni Joaquin ang balikat ni Matteo habang umuorder ng isang glass ng Macallan sa bartender. “Scotch. Straight.” Tahimik lang si Matteo, nakaupo sa dulo ng private bar ng Altare Grand Hotel — ang flagship property ng kapatid niyang si Hunter. Maya-maya’y dumating na rin ang mga pinsan niya: sina Warren, Cain, Jameson, at ang kambal na sina Jose at Jace. “Dalawang dahilan lang ‘yan,” ani Jose habang kinukuha ang kanyang whiskey. “Babae o negosyo.” Saka ininom ang alak. “But knowing you, Matt. ” sabat ni Jace habang inaakbayan si Matteo, “Definitely not your business. Babae, tama ba?” “Ang kulit niyo,” ani Matteo, sabay bato ng lime wedge kay Jace. “Iba ka kasi ngayon. You’re distracted,” obserba ni Cain, ang pinaka “matino” sa grupo. “Hindi ka ganyan unless may tumama sa’yong solid. Inlove ka na ba?” “Paramg malabong mangyari yan dahil usually, ikaw ang sanhi ng problema ng babae,” dagdag pa ni Jameson. “Pero sa tingin ko mukhang baligtad.” Tahimik pa rin si Matteo at hindi na pinansin ang pangbubuyo ng mga pinsan. Dahil guilty siya sa part na iniisip talaga niya ang babae. Saka muling sumingit ang alaala ng babaeng pilit niyang binubura sa isip — isang gabi ng pagkabigla, init, at kabaliwan. Bumiyahe si Matteo papuntang Zambales para sa kaarawan ng kanilang matriarch — si Mamita Barbara. Simula nang yumao ang kanilang abuelo, naging mas clingy at sentimental ito. Lahat ng apo, inaasahang present sa mga family events. Pagdating niya sa private dock papuntang Isla Barbaridad, sinalubong siya ng chief guard. “Señorito Matteo,” saludo ng lalaki. “Ipinag-utos po ni Señorito Hunter na huwag munang tumawid. Delikado po ang alon. Pahinga na muna daw po kayo sa hotel.” “Understood. Salamat.” Tinungo niya ang boutique hotel malapit sa daungan. Pagdating, binigyan siya agad ng keycard. Ang suite, as expected, ay elegante — minimalist interiors, ambient lighting, at mamahaling fixtures. Parte ito ng pagaari ng mga Montecarlo. Hinubad niya ang suit at nagtapis ng tuwalya bago magtungo sa banyo ay ininom muna ang brandy. May narinig siyang mahinang pagkatok. Inakala niyang room service, kaya binuksan ang pinto. Ngunit laking gulat niya nang isang babaeng tila nalasing ang biglang napayakap sa kanya. Wala siyang suot na pang-itaas, at ramdam niya ang malambot na katawan nito sa kanyang dibdib. Bago pa siya makapagsalita, pumasok na ito sa loob at napahiga sa kama. “Miss... okay ka lang ba?” tanong ni Matteo habang inaalalayan ang babae. Ngunit imbes na sumagot, ay bumangon ito at hinalikan siya ng babae — isang halik na bagaman puno ng lasa ng red wine at isang bagay ang hindi niya maipaliwanag. Marahan. Mapang-akit. Mapanganib ang bawat mga halik nito. Binitiwan niya ang isang mahinang ungol bago kumalas. “Wait... this isn’t exactly how I pictured ending my night.” bahagyang itinulak niya ang babae. Ngumiti ang babae, bahagyang hinawakan ang mapupulang labi saka tumingin sa kaharap na binata, ngunit malinaw ang intensyon sa mga mata. “You didn’t strike me as the type who imagines endings, Señorito.” “You look more like someone who prefers to lose control slowly.” Napangisi si Matteo. Mababanaag ang pagiging elegante ng dalaga sa mga binitiwang salita. “You talk like someone who’s done this before.” Lumapit pa lalo ang babae, ang mga daliri nito ay gumuhit sa kanyang dibdib. “I talk like someone who knows exactly what she wants. Tonight, ikaw yun.” Nang maramdaman niya ang init ng palad nito sa kanyang batok, nadala na rin siya ng agos. Hinalikan niya ito — mas mariin, mas malalim, parang tinutupok ang natitirang paghihinala. Habang unti-unti niyang inihiga ang babae sa kama, hinaplos niya ang buhok nito. “Kung panaginip man ‘to... wag mo akong gisingin.” sabi ng babae. “Hindi kita gigisingin...” sagot nito, “Pero baka hindi mo rin ako maalala bukas.” inilayo ni Matteo ang sarili ngunit kinabig siya nito. Muling naghinang ang kanilang mga labi. Sa bawat haplos, bawat galaw ng katawan nila, tila naglalaban ang pagnanasa at pagkailang — ngunit sa huli, nanaig ang init. Nang ipasok na ni Matteo ang sarili sa kanya, kapansin-pansin ang pagkunot ng noo ng babae, ang bahagyang hinga na may halong sakit. “Shoot. Wait... are you—” Hinawakan siya ng babae sa mukha, at sa gitna ng tensyon ay bumulong: “Don’t stop. I want to remember this... you.” Hindi na siya nakasagot. Sumunod na lang siya sa ritmo ng gabing iyon — parang isang simponya ng dalawang taong parehong naghahanap ng kalimot at kapalit. Sa loob ng private office ng Resto-Café ni Ehm. “Ugh! What is wrong with me?!” sigaw ni Ehm habang ibinagsak ang ballpen sa desk. Hindi na niya mabilang kung ilang ulit siyang nagbasa ng parehong invoice — wala pa ring pumapasok. Wala sana siyang balak magbukas ngayon, pero mas lalong masikip ang condo kapag ang utak niya ay puno ng alaala ng isang gabi… isang lalaki. Ang glass wall ng opisina ay tanaw ang ikalawang palapag ng café — garden-themed, elegant, at may view ng dagat. Isa ito sa pinakapinagmamalaki niya, bunga ng ilang taong pagpupursige. Pero kahit gaano pa kaganda ang tanawin, tila ba wala itong saysay kapag siya mismo’y litong-lito. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon ang mga matatalik na kaibigan. “Hoy, anong nangyayari sayo?” sabi ni Angge habang inaalis ang apron at naupo sa harap ng desk. “Full house sa baba, tapos ikaw dito parang nakikipag-break sa excel file.” “Ay! My gosh, girl. You didn’t even call your staff tapos kami ni Angge ang pinulbos mo bilang back-up?” reklamo ni Lani habang isinalampak ang sarili sa couch. “I swear, hindi ko nga nahugasan ang cereal bowl ko sa bahay — tapos dito, ako ang dishwashing queen?!” “Kayo talaga... Alam nyo naman na kayo lang ang maasahan ko pagdating sa mga ganitong biglaan.” mahinang sagot ni Ehm, pilit ang ngiti. Kababata nya ang mga ito, at nasaktohan lang din niya na libre ang mga ito ng humingi siya ng pabor. Kilala nila ang kaibigayn at sa tingin nila ay hindi ito ang usual Ehm na kilala nila— wala ang composed, headstrong cafe queen na kilala nila. Lutang. Malamlam ang mata. “Teka, teka. Ano bang nangyari sayo at naging ganyan ka na simula ng bumalik ka galing bakasyon sa kung saan mang probinsya?” tanong ni Lani, habang pinapahid ang lipstick na medyo nabura sa pagmamadali. “Ikaw pa ba yung kaibigan namin?,” pabirong sabi ni Angge. “Kung hindi multo, baka ‘spirit of lust’—char!” “Hay naku Angge,” natatawa si Ehm saka bumuntong hininga. “It’s just... complicated.” Hindi na nakatiis si Lani. “Complicated na may kasamang lalaki?” Natahimik si Ehm. Nakahalata ang mga kaibigan ng hindi siya nagreact sa sinabi g mga kaibigan. “Wait lang...” dahan-dahang tumayo si Angge, tumitig sa kaibigan. “Bru! wag mong sabi—” “I had a one-night stand,” bulong ni Ehm, halos hindi lumalabas sa labi. Sabay na napatili sina Lani at Angge: “WHAT?! Nakipag ones night satand ka?!” “Shhh! Don’t say it out loud! Baka marinig ng empleyado ko,” kinabahang sambit ni Ehm. “Girl, ‘di ba sabi mo spiritual healing ang trip mo sa Zambales?! Hindi s****l awakening!” sabi ni Lani. "Kung nabubuhay ang Lola Delly malilintikan ka." “Alam ko! Hindi ko rin maintindihan kung anong pumasok sa isip ko at nagawa ko yun. Pero hindi ko alam kung bakit parang nawala ako sa katiuan.” halos mangiyak-ngiyak na sagot ni Ehm. "Hindi mo nga maibigay kay Paulo ang matagal na niyang hinahangad tapos bumigay ka sa ibang lalaking hinid mo kilala." napailing nalang si Lani saka lumapit sa kaibigan at inalo ito. "Okay na, nangyari na ang nangyari.” tanong ni Angge, this time, seryoso na. "Hindi na natin maibabalik pa ang nawala." "Yeah." saka niyakap ng mga ito si Ehm. Bago lumabas ang mga kaibigan ay nagpahatid ng kape si Ehm sa kanyang staff bago siya iniwan ng mga kaibigan. Hindi na din niya binalikan ang mga files sa computer dahil hindi na din naman siya makag focus sa kanyang trabaho. Kaya naman nagbuklat nalang siya ng mga magazine na nasa ilalim ng kanyang coffe table. Isa iyong sikat na magazine na nagpi-feature ng mga lifestye ng mga sikat na CEO dito man o sa ibang bansa. Halos masamid siya ng madako ang mata sa lalaking nasa front page ng magazine - Juan Matteo Montecarlo. Papasok na si Matteo sa Montecarlo Corporate Tower, isang sleek at eleganteng gusaling konektado sa isa sa flagship malls ng kanilang pamilya. Bawat empleyadong madaanan niya ay magalang na bumabati. “Good morning, Mr. Montecarlo.” “Good morning, sir.” Bahagyang tumango si Matteo bilang tugon habang tuluy-tuloy ang lakad. Sanay siya sa ganitong atensyon — hindi lang dahil sa kanyang posisyon, kundi dahil na rin sa kanyang presensya: isang kombinasyon ng karisma at awtoridad. Pagkapasok niya sa pribadong elevator, agad siyang sinundan ng kanyang longtime secretary — si Tonet, isang elegante at smart na babae sa mid-thirties, na may taglay na dry wit at sharp efficiency. “What’s my schedule for today?” tanong ni Matteo habang inaayos ang sleeves ng kanyang tailored suit. “Meeting with the board at eleven, to discuss quarterly financials sir,” sagot ni Tonet habang nagbabasa mula sa kanyang tablet. “Then dinner with your abuela at seven — hosted at a resto-café in Pasay. Exclusive booking, per her request.” Nilingon siya ni Matteo, bahagyang napangiti. “How’s my dear Kuya Hunter?” panunukso niya. Tinaasan siya ng kilay ni Tonet. “Sir, I’ve told you. There’s no me and your brother. So nothing to report.” “I don’t know… there’s a suspicious sparkle in your eyes today,” aniya, nakangisi habang sumandal sa elevator wall. “HIndi ko alam kung dapat ko to sabihin sir, pero nahihibang ka na ata?,” sagot ni Tonet, kunwaring deadpan. “Your comedic timing is as sharp as ever, sir.” Alam ng lahat sa kumpanya na strikta si Tonet sa professional. Pero sa pagitan nila ni Matteo, may hindi mapapantayang rapport — halos parang magkapatid. Lumaki sila sa parehong paligid. Ang kanyang yumaong abuelo, si Don Thomas, ay minsang tinuring na parang pamilya ang ama ni Tonet. Dating secretary ng Don ang kanyang ama kaya’t madalas ay kasama niya ito sa mga pagtitipon at summer trips ng Montecarlo clan. Pagdating sa executive floor, pumasok si Matteo sa opisina at agad na naupo sa kanyang swivel chair. Bahagyang nakasandal, habang minamasahe ang sintido. Halos kulangin ang oras niya sa pakikipagusap sa mga investor na kameeting niya na nasa ibat ibang panig ng mundo. Ilang segundo palang ang nakalipas, tumunog ang intercom. “Yes, Tonet?” tanong niya, medyo pagod ang boses. “Just a quick reminder, sir — dinner tonight, hosted by Doña Barbara. Seven p.m. sharp. Location: Resto-café, Pasay.” “Noted. Thanks.” sagot ni Matteo, saka pinindot ang end button ng intercom. Bumuntong hininga siya. Here we go again, bulong niya sa sarili. Abala si Ehm at ang kanyang mga staff sa resto-café nang gabing iyon. May nagpa-reserve ng buong second floor para sa isang espesyal na okasyon. Kulang siya sa tauhan ngunit ayaw na niyang gambalain pa ang kanyang mga kaibigan—ilang beses na rin niya itong nagawa noon, at alam niyang abala rin ang mga ito. Nakapagluto na siya, at naihanda na ang lahat ng kailangan sa taas. Matapos tiyaking ayos ang lahat, saglit siyang nag-ayos ng sarili. Pinababa niya ang kanyang mahahabang buhok at kinulutan ng lambot ang mga dulo gamit ang curling iron. Nagsuot siya ng isang simpleng itim na bistida na bahagyang lagpas lang sa tuhod—elegante sa kabila ng pagiging simple, at lalo lamang lumitaw ang kanyang kaputian. Isa-isang nagsidatingan ang mga bisita. Karamihan sa kanila ay namangha sa maaliwalas at romantikong ambiance ng resto-café. Ayon sa secretary ng nagpabook, ito raw ay isang family gathering. Unang pagkakataon ito para kay Ehm na may magpa-reserve ng ganoon—at hindi biro ang halagang ibinayad. Kahit masama ang kanyang pakiramdam, pinilit ni Ehm na maging presentable at maayos ang serbisyo. Tiwala siyang hindi siya mapapahiya sa lasa ng mga pagkaing inihain dahil inoffer na nag mga best selling na mga putahing pang bahay sa mga ito. May iilang bisita na ang nakaupo sa mahabang mesang inayos sa gitna. Kitang-kita sa mga ito ang karangyaan—mula sa postura hanggang sa mga sasakyang naka-park sa labas na mistulang line-up ng isang luxury car show. Apat na mag-asawa at isang matandang babae ang naunang dumating. Makalipas ang ilang minuto, isa-isang sumunod ang mga kalalakihang tila hinugis ng langit—matatangkad, makisig, at pawang may presensiyang mahirap balewalain. Nagkatinginan ang ilang staff ni Ehm sa baba at hindi naiwasang mapangiti. “Ang guguwapo naman, ma’am,” ani Amille, isa sa mga waitress, habang patagong sumisilip. "Kasing gwapo ko ba?” biro ni Itchan, ang isa pang staff. “Yuck! Mahiya ka nga,” natatawang tugon ni Amille. “Tama na ang harutan, trabaho muna tayo. Galingan n’yo, ha? Walang sablay,” paalala ni Ehm bago siya humugot ng malalim na hininga at lumabas ng kitchen. Isa-isa nilang inihain ang mga pagkain. Lumapit si Ehm sa mesa at magalang na bumati sa matandang ginang sa gitna. “Magandang gabi po, ma’am,” wika niya, nakangiti. “Ako nga po pala si Ehm, may-ari ng resto cafe. Nawa’y magustuhan nyo po ang inihanda po naming hapunan.” Tumango ang ginang, ngunit hindi inalis ang mapanuring tingin kay Ehm. Doña Barbara—tawag sa kanya ng kanyang secretarya. Napansin ni Ehm ang isang bakanteng upuan. “Ito pong isang plato, pakihintay na lamang pong ihain kapag dumating na ang isa pa nilang bisita,” bilin niya sa staff bago nagtungo sa bar counter upang ihanda ang inumin. Mula sa kanyang kinatatayuan, muling nasulyapan ni Ehm ang matandang ginang na tila sinusuri siya. Bahagya siyang nakaramdam ng pagkailang. “Biglaan ata gathering na ito, Mama,” ani Armando, ang ama niMatteo. “Ano bang meron?” “Hintayin muna natin si Matteo,” sagot ni Doña Barbara. “Saka natin pag-usapan.” Pagkarinig sa pangalang iyon, kumabog ang dibdib ni Ehm. Hindi. Siguro kapangalan lang, bulong niya sa sarili habang pinipilit manatiling kalmado. “Ayan na pala si Kuya Matt! Kuya, dito!” sigaw ng nakababatang kapatid ni Matteo si Jake sa bagong dating. “Sorry I’m late. What did I miss?” tanong ng lalaki habang naglalakad papalapit. "HAlos kararating lang din namin, hijo." sabi ng ama. Napasinghap si Ehm. Nakilala niya agad ang boses. Ang lalaking hindi na nawaglit sa kanyang isipan nitong nakaraang buwan. Pinilit niyang maging maayos ang sarili. Sa istado nito sapalagay niya ay hinid na siya matatandaan nito. “Miss, are you okay?” tanong ni Cain nang mapansin ang panginginig ng kanyang mga kamay habang nagsasalin ng lemon tea sa baso. “Y-yeah…” pilit niyang ngiti, habang pinipigilan ang sarili. Umupo si Matteo sa bakanteng silya—ang pwesto sa pagitan nina Hunter at Jameso sa tapat ni Cain. Lalong nadaganan ang kanyang damdamin nang tumama ang kanyang paningin sa mukha ni Matteo. Halos bumaligtad ang kanyang mundo. Nanghihina ang kanyang tuhod. Napahawak siya sa balikat ni Warren, inakalang bahagi ito ng upuan. “S-sorry s-sir...” nahihiyang sabi ni Ehm. Nasalo siya ni Warren bago pa siya tuluyang matumba. Nagkatinginan ang lahat, kabilang si Matteo—na tila nagulat, ngunit may bahid ng inis sa kanyang mga mata. Magsasalita pa sana si Ehm nang biglang nanlabo ang kanyang paningin. Nawalan siya ng balanse at tuluyang napayakap sa kawalan. “Matteo! Dalhin mo siya sa ospital—ang fiancé mo!” sigaw ni Doña Barbara. “W-what?!” gulat na tanong ni Matteo. Mas nagulantang pa siya sa sinabi ng abuela. “Mama, ano ‘to?” ani Armando, natigilan sa narinig. “Wala nang paliwanag. Kailangan siyang madala sa ospital ngayon din.” Dahil hindi agad kumilos si Matteo sa pagkabigla, si Warren ang umakto. Binuhat niya si Ehm at inilagay sa kanyang sasakyan. Nang isasara na niya ang pinto, naramdaman niyang may humawak sa kanyang balikat. Si Matteo. Tahimik ngunit matalim ang tingin. Walang imik na iniabot ni Warren ang susi, at walang sabi-sabing pinaharurot ni Matteo ang sasakyan. Kinabukas pagkatapos ng party ni Barbara ay dumating ang agent na hinaire niya. Wala namang bago sa ibang ginagawa ng kanyang mga apo. Halos mag iisang buwan palang ng mapagisipan niayang ipasurvalance ang kanyang maga apo dahil nadin sa gusto niyang malaman kung may balak pa bang magasawa o masundan ang lahi nila. Dahil tumatanda na siya at gusto niyang makita na nagseseryoso na sa buhay ang mga ito. Maliban sa mga batang apo at pinababantayan na nya ang mga apo na nasa tamang edad na para magasawa. Pero karamihan sa kanila ay puro paglalaro lang sa apoy ang gusto. Nang araw ngang iyon ay mainiabot na brown envelop sakanya ang detective na kanyang nahire. Mga lakawan iyon ng isang babae na naglabas masok sa loob ng suite ng apo. Agad din nyang pinaimbistigahan kung sino ang babaeng iyon. Mary Jane Guzman. Sa ospital, halos sabay-sabay dumating ang mga Montecarlo. Agad silang napansin ng lahat—mga nurse, pasyente, at maging mga bisita ay napapalingon sa kanila, lalo na sa mga binatang Montecarlo na waring mga modelong bumaba mula sa magazine spread. Nang makuha ang room number kung saan naka-admit si Ehm, agad silang nagtungo roon. Ang silid ay maluwag at maaliwalas. Naabutan nila si Matteo na paikot-ikot sa loob, halatang hindi mapakali. "Anak, ayos ka lang ba?" tanong ni Amelia, may pag-aalalang nakapinta sa mukha. Umiling ang anak. "Armando, kausapin mo si mama," bulong nito sa asawa. "Ma! Ano na namang kaguluhan ito?" reklamo ni Armando habang lumingon kay Barbara. "Kailangang maikasal agad si Matteo kay Ehm," mariing pahayag ni Doña Barbara. "What!? And why?" tugon ni Matteo, ramdam ang inis sa boses nito. Mahal niya ang abuela pero ito ang ayaw niya, panakikielaman ang mga desisyon nya. "Dahil iyon ang nararapat," sagot ng abuela, matigas ang pananalita. Alam ng lahat kapag ganito na ang tono ni Doña Barbara, hindi na iyon mababawi. Maya-maya, pumasok ang doktora kasama ang dalawang medical staff. "Good evening po. Kayo po ba ang pamilya ng pasyente?" magiliw na tanong nito. "Yes," agad na sagot ng abuela. "Ma!" saway ni Arturo, ama nina Jose at Jace. Nagpatuloy ang doktora, kahit kita ang pagkalito sa kanyang mukha. "By the way, Doña Barbara, ako nga po pala ang medical director ng ospital. It's an honor to meet the Montecarlos." ngumiti ito. "Ayon po sa resulta ng mga test, stable ang vital signs ng pasyente. Ngunit kailangan po natin siyang bigyang-ingat dahil..." Napahinto ito sandali. " ...we confirmed that she’s four weeks pregnant. Congratulations!" dagdag pa ng doktora, may ngiting halatang genuine. Nawala ang mga iyon ng mapansin na siya alang ang masaya sa balita. Natahimik ang buong silid at iba any nabigla. "Very good," basag ni Doña Barbara sa katahimikan, kasabay ng marahang tango. Nang makaalis ang medical team, tinapik ng mga pinsan si Matteo saka siya binati ng mga ito. "Paano na ‘yan, Kuya Hunter, naunahan ka na ni Matt," biro ni Jameson na inakbayan pa ang pinsan. Inampas ni Hunter sa ulo nito ang hawak na folder. "Maingat lang ako, okay?" Nagkatawanan sila bago isa-isang lumabas ng silid. Naiwan sina Doña Barbara at ang mga magulang ni Matteo. Sa gitna ng katahimikan, unti-unting nagmulat si Ehm. Pilit siyang bumangon, ngunit agad ding napahiga ng makaramdam ng bigat sa ulo. Lumapit si Amelia, marahang tinapik ang braso ni Ehm. "Wag mo nang pilitin, iha. Baka mapagod ka lang. Ako nga pala si Amelia, ina ni Matteo," malumanay nitong sabi. Ngumiti si Ehm bilang tugon. Kasunod na lumapit si Barbara, at marahang hinawakan ang kanyang kamay. "Alam mo bang buntis ka, iha?" diretsong tanong nito. "Ho?!" halos mapasigaw si Ehm. "Si Matteo ang ama, hindi ba?" dagdag pa nito. "Ho?! Mama!" "Mamita!" sabay-sabay na protesta nina Ehm, Matteo, at ng mga magulang nito. Agad siyang inakay nina Amelia at Armando palabas. "Ang mabuti pa mama ay hayaan natin silang magusap ng sarilinana. Malalaki na sila." sabi ni Amelia "Binabalaan kita Matteo panindigan mo iyan." banta ni Barbara Hindi kumibo si Matteo. Nakatitig lang ito kay Ehm. Nangmakaalis ang mga ito ay hinarap niya si Ehm. Nakaramdam siya ng pagkailang sa paraan ng pagtitig ng binata. "H-hi.." alanganing sabi ni Ehm, hindi kasi niya alam kung anong sasabihin dito. "Ako ba ang ama ng dinadala mo?" derektang sabi ni Matteo. "Teka lang, bakit mo ako iniinterogate. HIndi ko nga lam kung buntis ba talaga ako." litong sabi nya "Sagutin mo ang tanong ko! Ako ba ang ama nyang dinadala mo mo may nakasiping ka pa bago ako?" nagtatagis na bagang ni Matteo. "Huh?! Anong palagay mo sakin! Kaladkarin?!" sabi ni Ehm ngunit hindi pa din kumukibo si Matteo. "Matapos na may mangyari saatin ay wala akong nakasiping na kahit na sino. I-ikaw ang ang unang lalaki." nahihiya pa niyang sabi. Matagal nang nakaalis si Matteo pero hinid pa din mapakali ang kanyang isip dahil sa nalamang nagdadalang tao siya. Hindi niya alam kung anong gagawin niya. Naka ramdam siya ng saya ng malamang may buhay sa kanyang sinapupunan. Ang inanaalala niya ay kung paano niya iyon ipagtatapat sa magulang. Malaki ang tiwala sa kanya ng kanyang mga magulang kaya naman kahit anoang desisyon nya ay sinusuportahan ng mga ito. Ngunit papano na kapag nalaman ng mga ito na nabuntis siya ng hindi na ikakasal at sa taong hindi nya pa lubusang kilala. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto kung saan naka admit si Ehm at iniluwa doon ang mga kaibigang sina Angge na naka suot pa ng scrubsuit na halatang katatapos lang ng duty sa isang malaking ospital sa quezon city kung saan isa itong nurse at si Lani na nakapang opisina na sa tingin nya ay papasok na sana sa trabaho.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.3K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.2K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.9K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook