chapter 2

4987 Words
"Dapat lang! Panagutan ka!" sigaw ni Henry, ang ama ni Ehm, habang mariing pinipigilan ang galit sa dibdib. "Maghinay-hinay po kayo, Tito... baka po tumaas ang BP niyo. Makakasama po 'yan sa inyo," maingat na paalala ni Angge. "Maupo muna po kayo, Tito," dagdag ni Lani sabay lapit ng isang silya kay Henry. "Huwag mong sigawan ang anak mo, Henry. Alam mong maselan ang kalagayan niya ngayon," malamig ngunit mariing sabi ni May, ang ina ni Ehm, sa asawa. "Paanong hindi ako magagalit? Montecarlo ang ama ng dinadala ng anak mo!" mariing tugon ni Henry, nanlilisik ang mga mata. "Likas sa pamilya nilang paglaruan ang mga babae!" Napayuko si Ehm sa hiya at lungkot. Ramdam niya ang bawat bigat ng salita ng ama. Alam niyang mula ito sa pag-aalala, pero hindi na niya alam kung paano pa niya maipapaliwanag. Hindi din niya magawang ipagtanggol ang lalaki dahil hindi naman nya ito lubusang kilala. "Hindi ba’t mas nararapat na silang dalawa ni Matteo ang mag-usap tungkol dito? Hindi na sila mga bata," mahinahon ngunit may lalim ang boses ni May. "At para saan? Para maagrabyado ang anak mo? Para maging bastardo ang dinadala nya?" balik ni Henry, halos hindi na mapigilan ang panginginig ng kanyang tinig. "Kung hindi pa ako tinawagan ni Barbara Montecarlo, ni hindi ko pa malalaman ang lahat ng 'to!" Nagkatinginan sina Angge at Lani. "Labas muna kami, Ehm," mahinang sabi ni Lani. Tumango si Ehm, walang lakas magsalita. Tahimik na lumabas ang dalawang kaibigan, iniwan siyang harapin ang bigat ng sitwasyon. "Anong ibig n’yong sabihin, Papa?" tanong ni Ehm, bakas ang pagkalito at takot sa boses. Tumawag si Doña Barbara sa papa mo. Gusto ka nilang ipagkasundo kay Matteo," sabi ni May. "Pero nalaman niyang may nangyari sa inyo ni Matteo." "What?" gulat at pag-aalinlangan ang boses ni Ehm. "Ayaw ng papa mo... alam mong ikaw lang ang kaisa-isa naming kayamanan, anak. Pero nang mabanggit ng doña na nagdadalang-tao ka, agad kaming lumuwas ng Maynila." "Wag mo nang pagandahin ang istorya. Lumandi yang anak mo!" Nakaramdam ng panliliit si Ehm sa sinabi ng ama. "Hindi naman ganun, Henry..." pilit na pagpapakalma ni May. "Dapat nilang panindigan ang anak mo!" mariing giit ni Henry. "Pero mahirap naman kung matali si Ehm sa isang kasal na walang pagmamahal. Hindi ito parang kanin na kapag napaso, ay basta-basta na lang iluluwa," paliwanag ni May. "Pwes! Dapat bago siya gumawa ng ikapapahamak niya, nag-isip muna siya!" "Papa… I'm sorry," halos pabulong na sambit ni Ehm, nanginginig ang tinig. "I’m so disappointed in you! Hindi ko akalaing lalaki kang pabaya!" matalim na sabi ni Henry. Parang tinadyakan si Ehm sa dibdib. Wala na siyang nagawa kundi ang umiyak, habang ang sakit ay ramdam hanggang kaluluwa. "Henry! Tama na! Nakakasama sa anak mo ang ginagawa mo!" awat ni May, na halos maiyak na rin sa awa sa anak. Hindi na nagsalita si Henry. Galit siyang lumabas ng silid. Sa labas, nadatnan niya sina Matteo. Nilampasan lang niya ito na parang hindi siya nakita. Sa labas ng silid, nanatili si Matteo. Tahimik. Wala siyang lakas ng loob na harapin si Ehm, lalo na matapos marinig ang galit ng ama nito. Maya-maya, nagpasya siyang sundan si Henry sa lobby ng ospital, pero huli na hindi na niya naabutan ang ama ni Ehm. Napatigil siya. Napayuko. Sa huli, binalikan niya ang nurse station at nagbilin, "Sabihan n’yo ako agad kung may kailangan si Ehm… anything." Mabilis na lumipas ang isang buwan mula nang matuklasan ni Ehm na siya’y nagdadalang-tao. Bawat hakbang at galaw ay isinasaalang-alang niya na ang kanyang anak, at hindi na lamang ang kanyang sariling kapakanan ang inaalala. Ang bawat desisyon ay para sa kanilang kinabukasan—dalawa na sila ngayon. Habang lumilipas ang mga araw, ipinakita ni Matteo ang walang kapantay na pag-aalaga. Palaging nagsusumite ng oras para sunduin siya, at kung hindi ito magagawa, agad itong nagbabalik ng mensahe ng paliwanag. Hindi mapigilan ni Ehm ang mapansin ang kahalagahan ng bawat kilos ni Matteo—lahat ng ito ay para sa kanilang magiging anak. Ngunit sa kabila ng pagiging maasikaso, hindi rin niya maiwasang magtaka, at sabay-sabay naramdaman ang isang emosyonal na alon na mas malalim pa kaysa sa inaasahan. Isang gabi, tulad ng mga nakaraang gabi, sinundo siya ni Matteo. Inalalayan siya nitong makasakay ng maayos sa sasakyan. “Ay, nakalimutan ko yata ang cellphone ko. Sandali lang,” sabi ni Ehm, na akmang lalabas ulit ng sasakyan. “Ako na lang,” mabilis na sagot ni Matteo, at agad siyang bumalik sa resto-café upang kunin ang cellphone. Habang papalapit si Matteo, muling napansin ni Ehm ang matikas na anyo nito. “Ang gwapo naman ng daddy mo, anak,” bulong ni Ehm sa sarili, sabay haplos sa maliit na tiyan na nagsisimula nang lumaki. Pagbalik ni Matteo sa sasakyan, iniabot ang cellphone at tinitigan si Ehm. “Are you okay?” tanong nito, nang mapansin ang titig ni Ehm sa kanya. “May dumi ba ako sa mukha?” tanong niya, sabay lingon sa rearview mirror. "Hah? Wala… Ah, meron pala," sagot ni Ehm, sabay kinuha ang isang kalat sa buhok ni Matteo. “Ano ba yan, Matteo, matanda ka na, may agiw ka pa sa buhok?” biro ni Ehm, may kasamang maliit na sermon. “Ah! Baka nung kinuha ko yung phone mo. Nasa ilalim kasi ng table mo,” sagot ni Matteo, may ngiti sa mga labi. “Siguro nga, nakaligtaan ng mga empleyado ko nung nag general cleaning kami,” sagot ni Ehm, pilit na ngumiti. Sa kabila ng kanyang mga biro, alam niyang hindi pa rin siya nakapaglaan ng oras upang ayusin ang kanyang opisina—dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari, nagdami na ang mga papeles, at may mga permits pa siyang kailangang asikasuhin. Matapos ang mga simpleng kwento, tinungo nila ang isa sa mga pinakamagagarbong hotel ng kapatid ni Matteo, si Hunter. Isang prestihiyosong hotel na may 54 na palapag, at ang mga bisita nito ay karaniwang mga elitista at mayayamang tao. Lahat ng aspeto ng hotel ay perpekto at elegante, mula sa lobby hanggang sa bawat silid. Hindi maitatangi ang paghanga ni Ehm sa kahanga-hangang tanawin na matatanaw mula sa glass elevator. Habang pataas sila, ang buong syudad ay tanaw na parang isang obra ng sining na dinisenyo para sa mga taong may mataas na kalagayan sa buhay. Pagbaba nila mula sa elevator, sinalubong sila ng isang waiter at inescort sila sa kanilang table na nakatanaw sa malawak na tanawin ng gusali. Ang mga tunog ng orchestra ay umaabot sa bawat sulok ng restaurant, isang perpektong himig na akma sa marangyang ambiance. “Sana nagustuhan mo,” tanong ni Matteo habang ini-assist siya sa pag-upo. “Oo, Matteo. Thank you,” sagot ni Ehm, ang mga mata’y kumikislap sa saya at tuwa. Nang matapos silang kumain, lumapit ang waiter at inabot ang isang maliit na kahon kay Matteo. Walang kaabog-abog, tumayo si Matteo at lumuhod sa harap ni Ehm. “Will you marry me?” tanong niya, puno ng sinseridad at pagmamahal, ang boses ay may kasamang matinding emosyon. Hindi inaasahan ni Ehm ang proposal, ngunit sa kabila ng lahat, alam niyang magaganap pa rin ang kasal—maging ang proposal ay hindi na kinakailangan. Ngunit, hindi niya kayang tanggihan ang mga salitang iyon ni Matteo. “Yes!” sagot ni Ehm, ang mga mata’y kumikinang sa kagalakan. Matapos niya itong sagutin, inabot ni Matteo ang isang makintab na singsing, isang brilyante ang kumikislap sa palasingsingan ni Ehm. Nagpalakpakan ang mga tao sa restaurant, at isang saya ang dumaloy sa lugar. Niyakap ni Matteo si Ehm ng mahigpit, at nagpasalamat siya. “Sana nagustuhan mo. Masaya ako na masaya kayong mag-ina,” sabi ni Matteo, ang boses ay puno ng pagmamahal at pangako. Nakasandig ang ulo ni Ehm sa dibdib ni Matteo. “Salamat, Matteo,” aniya, ang tinig ay puno ng pasasalamat. “Mahal na mahal kita… Kayo ng baby natin.” Hindi niya nasabi nang malakas, ngunit sa bawat kanto ng puso niya, ito’y isang tapat na saloobin. Yumakap si Matteo ng mas mahigpit at hinalikan siya sa noo, isang gentle kiss na puno ng pagmamahal at pangako. Kinabukasan, maagang nagising si Ehm upang magluto ng almusal. Kumuha siya ng isang puting t-shirt mula sa kabinet ni Matteo at isinuot ito, na naging parang isang maikling damit na hanggang hita lamang. Ipinosod niya ang kanyang buhok, na hindi na tinutuwid, kaya’t may mga hibla ng buhok na hindi nasama. Habang abala si Ehm sa pagluluto, hindi niya napansin na si Matteo pala ay nasa likod niya at niyakap siya mula sa likuran. “Buti gising ka na, malapit na maluto itong sinangag,” masayang sabi ni Ehm, habang hinahalo ang nilulutong pagkain. “Maupo ka na, sabay tayo magbiyahe papuntang trabaho,” dagdag pa niya. Ngunit hindi pa rin umiwas si Matteo mula sa likod ni Ehm. “Next time, wag kang magsuot ng ganyan,” mahina at may konting kabig na bulong ni Matteo. “Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko, hindi na kita palabasin ng kwarto,” saka siya tumalikod at nagtungo sa dining table. Si Ehm, medyo natatawa, ay nagsimulang maghain ng pagkain. Si Matteo ay nakatingin lang sa kanya, may mga mata na hindi matitinag. “Nako, hindi pala ako makakasabay sa’yo. Dadaan muna ako sa condo ko,” malungkot na sabi ni Ehm. “Bakit hindi mo na lang dalhin ang mga gamit mo dito?” tanong ni Matteo. “Para hindi ka na magpabalik-balik. Nakakapagod din 'yan para sa’yo at sa bata,” sabi pa niya, na may pagmamalasakit sa tono. “Okay lang ba sa’yo?” tanong ni Ehm, habang tinitingnan si Matteo. “Mae-invade ko na agad ang privacy mo. May ilang araw ka pa para magbuhay binata,” pabirong dagdag ni Ehm. “Are you allowing me?” tanong ni Matteo na may mapanuksong tono. “Syempre… Hinde!” asar na sagot ni Ehm, sabay simangot. Natawa si Matteo nang makita ang pilyang ekspresyon ni Ehm. “Kailan ka lilipat dito?” tanong ni Matteo, iniiwasan ang ibang usapan. “Mamaya,” sagot ni Ehm, walang gana sa tono. “Ang cute mo pag napipikon,” sabi ni Matteo, sabay ngiti. Napangiti na rin si Ehm, at bahagya pang nag-blush sa kanyang mga pisngi. “Kumain ka na nga lang,” natatawang sabi ni Ehm. “Sabi ng doktor, hindi ka raw dapat nagpapagod dahil sa sitwasyon mo,” sabi ni Matteo, seryoso. “Wala ka bang balak na ipamanage muna ang resto-cafe sa iba, o kaya’y ibenta na lang?” “Huwag kang mag-alala, hindi ko pinapagod ang sarili ko. Kaya ko pa naman. Nakaalalay naman ang mga staff ko,” sagot ni Ehm, pilit ipinapakita na kaya niyang ayusin ang lahat. “Ayoko lang na may mangyaring masama sa bata,” giit ni Matteo, ang kanyang tono puno ng pangangalaga. “Mas mabuti sigurong sundin natin ang advice ng OB mo.” “Sinusunod ko naman. Hindi ko lang kayang ipagkatiwala sa iba ang resto-cafe. Sarili kong pawis ang ginamit ko para itaguyod iyon,” sagot ni Ehm, may halong pagpapaliwanag. “Ang sa akin lang, iniisip ko yung bata. Hindi mo ba naiintindihan yun?” tanong ni Matteo, ang boses ay may halong pag-aalala. “Naiintindihan ko naman, kaya lang…” putol na sagot ni Ehm. “Tama na. Okay na,” sabi ni Matteo, na may konting iritasyon sa tono. Hindi na kumibo si Matteo habang kumakain. Si Ehm naman, ayaw na nitong dagdagan pa ang tensyon, kaya’t pinili niyang manahimik din. Pagkatapos maligo ni Matteo, iniwan siya nito ng isang mahinhing halik sa noo bago umalis ng condo. Malungkot na nagligpit si Ehm ng kanilang pinagkainan. Pagbalik sa sarili niyang condo, inayos ni Ehm ang mga gamit na dadalhin sa condo ni Matteo at ipinahatid na ito sa moving truck. Hindi na siya pumasok sa trabaho ng araw na iyon. Tamang-tama naman at sabado, walang pasok ang kanyang mga kaibigang sina Lani at Angge, kaya’t niyaya niya silang mag-date. Agad namang sumang-ayon ang mga ito. Nagkita-kita sila sa condo ni Lani, at doon nagtipon. Napansin agad ni Lani at Angge na parang may something kay Ehm nang araw na iyon. “Nagyaya, pero walang gana. Anong nangyari, Mary Jane?” tanong ni Lani habang inaasikaso ang sarili. “Wala naman, siguro hindi lang ako okay ngayon,” sagot ni Ehm, ngunit halata pa ring may pinagdadaanan. “Hindi kami naniniwala d’yan. Ano nga talaga?” tanong ni Angge habang nakahiga sa sofa ni Lani. “Gusto kasi ni Matteo na magpahinga muna ako sa resto-cafe,” malungkot na sabi ni Ehm, na nakaupo sa isang single sofa. “Pumayag ka naman?” tanong ni Lani. “Ayoko naman ng kahit maliit na bagay na magdudulot ng away namin ni Matteo,” sagot ni Ehm na nagtatangkang ipaliwanag ang desisyon. “Maliit na bagay? Ehm, naipundar mo ang resto-cafe na ‘yan ng sariling sikap at pagtatyaga,” sabi ni Lani, na medyo naiinis. “May negosyo din siya, kaya dapat alam niya kung gaano kahirap bitawan ang isang negosyo na ikaw mismo ang nagbuo.” “Ipaliwanag mo na lang sa kanya. Malay mo naman, maintindihan niya,” suhestiyon ni Angge. “Ipinaliwanag ko naman, kaya lang nag-aalala siya na baka may mangyaring masama sa amin ng baby namin,” sagot ni Ehm. Kayo? O baka anak niyo lang?” tanong ni Lani, ang mga mata’y puno ng pang-uusisa. Natigilan si Ehm sa tanong ni Lani. “See?” sabi ni Lani, na may bahid ng pagkabigla. “Ano ka ba, Lani? Tama na yan,” sabi ni Angge na humarap kay Lani. Bumangon siya at lumapit kay Ehm. “Wag ka na malungkot, baka makasama pa sa baby mo ‘yan. Hayaan mo, ano man ang maging desisyon mo, susuportahan ka namin.” “Hay, Mary Jane, basta wag mong kalimutan na mahalin ang sarili mo,” sabi ni Lani, na lumapit kay Ehm at yumakap. “Anong plano mo ngayon?” Tahimik na tumingin si Ehm sa mga kaibigan, saka binigyan ng matamis na ngiti at “beautiful eyes.” Nakahalata naman agad ang mga ito at parang napaso nang makita ang expression ni Ehm. “Hoy! Mary Jane, hindi ko gusto ‘yang pangiti-ngiti mo na ganyan!” birong sabi ni Angge, na natatawa pa. “Ano nanaman ‘yan? Anong binabalak mo?” tanong ni Lani na kunwari naiinis. “Diba sabi nyo, susuportahan niyo ako?” malambing na tanong ni Ehm. “Si Angge lang nagsabi ‘nun,” sabay na sagot ni Lani. “Please?” pakiusap ni Ehm. “Ano nga ba ‘yun?” tanong ni Lani. “Diba, three days from now, kasal ko na?” sabi ni Ehm. “Irerequest ko lang sana, kung pwede kayo muna ang mamahala sa resto-cafe?” “May choice ba kami?” tanong ni Lani na may ngiti sa labi. “Akala ko kung ano na,” sabi ni Angge, na parang naiintriga. Tuwang-tuwa si Ehm. “Isa pa…” habol pa nito. “Can I ask you to come with me? Sa Zambales?” Pupunta naman talaga kami sa kasal mo ah,” sabi ni Lani, habang si Angge ay tumango. “Tonight? Hanggang sa kasal?” “Sus, yun lang pala! Naka-leave ako ng 5 days, no?” sabi ni Angge. “Kaya pala! Good job, Bru,” sabi ni Lani. Masaya namang niyakap ni Ehm ang dalawang kaibigan. At least, ngayon, may kasamahan siya sa mga darating na araw ng kasal, at sa mga kamag-anak ni Matteo. Bagamat naiilang siya, alam niyang mababait naman ang mga magulang at lola ni Matteo. Samantalang ang kanyang mga magulang ay dadating sa araw ng kasal nila. Hapon na nang marating nina Ehm, Lani, at Angge ang private dock sa Zambales, sakay ng isang luxury yacht na personal na pag-aari ni Matteo Montecarlo. Pagkababa pa lamang nila, agad na bumungad ang tanawin ng mala-paraisong estate na nasa tabing-dagat—elegante, eksklusibo, at kapansin-pansing pinapanatili ang kaayusan ng bawat detalye. “Grabe... parang hindi Pilipinas. Ang ganda ng lugar, parang cover ng travel magazine!” manghang sabi ni Angge Masinsinang ini-assist ng mga uniformed staff ang mga ito. Ang kanilang mga maletang de-gulong ay maingat na iniligay sa likurang bahagi ng isang luxury SUV, habang ang tatlo ay sinamahan ni Mr. Tim—ang prim and proper na personal secretary ni Doña Barbara Montecarlo—papasakay sa sasakyan. Nakita na nya ito dahil ito ang nagbook sa resto-cafe nya. Pagdating sa Montecarlo Ancestral Mansion: Pagpasok nila sa grand foyer ng mansyon, sinalubong sila ng ginang ng tahanan—si Doña Barbara Montecarlo, kasabay ng mga magulang ni Matteo. Ang ambiance ng buong lugar ay klaseng-klase—may vintage chandeliers, Italian marble flooring, at classical music na bahagyang umaalingawngaw sa background. “Magandang gabi po...” panabay n sabi nila Ehm, Lani at Angge “Maganda pa kayo sa gabi, mga hija.” sabi ni Amelia Magiliw silang inalalayan papasok sa isang marangyang receiving area. May handang wine, pastries, at mga kaaya-ayang alagang orchid na naka-display sa paligid. “Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakapasok sa ganitong bahay—parang set ng teleserye.” sabi ni Angge napapabulong habang nakaupo "Nagustohan mo ba, iha?” “Ma’am, imposibleng hindi. Para pong lahat ng sulok may kwento, lahat maganda.” Napangiti nang malalim si Doña Barbara, halatang naaliw sa komento. Di nagtagal ay dumating sina Matteo, Warren, at ang kambal na sina Jose at Jace—nakasuot ng semi-formal linen shirts, tila bagong ligo at galing sa polo game. Lahat ay bumati at nagbigay-galang sa mga naroroon. “Hi, Ehm." nakangiting bati kay Ehm "May mga bisita pala kayo, Tita.” tingin nya sa mga kasama ni Ehm. Isa-isang nagmano ang apat sa mga matatanda bago lumapit sa mga dalaga. “Oo, mga kaibigan ni Ehm. Kasama rin sila sa entourage sa kasal.” “At bakit ngayon lang natin nakilala ang mga kaibigan mong ito, Ehm?” sabi ni Jose na lumapit kay Lani. Iniabot niya ang kamay kay Lani at Angge, tila may natural charm. “Jose Montecarlo. Ang pinaka gwapo sa angkan ng mga Montecarlo." Magalang naman siyang kinamayan ng dalawa. “Uy, close agad? Ako si Jace, by the way.” Bahagyang tumango at kumaway sa kanila. Habang ang lahat ay tila komportable na sa usapan, tahimik lamang si Warren sa gilid, tila mapagmatyag. “Warren.” tapik ni Jose Walang ngiti, ngunit hindi rin bastos—isang tipo ng lalaking hindi madaldal, pero ramdam ang presensya. Nagkatinginan lang sina Lani at Angge. Pagkatapos magmano kina Doña Barbara at Don Armando, tahimik na umakyat si Matteo sa hagdan. “Hindi ka ba muna kakain, iho?” “Nakakain na po ako kanina.” Maikli niyang tugon bago tumuloy sa itaas. “Excuse me po.” Magalang na paalam ni Ehm, saka sinundan si Matteo. “Go ahead, iha.” May ngiting sumunod ang tingin. “Marta, pakihatid na ang mga bisita sa kanilang mga kwarto.” “Bakit hindi kayo sa villa niyo tumuloy?” ani Armando “Si Warren po kasi, Tito. Nabalitaan na may bisita, kaya nauna pa sa hangin. Siyempre, ayaw naming magpahuli.” ani Jace “Hay nako. Sana hindi ninyo naistorbo ang mga kabayo sa rancho.” “We took the other trail, Mamita. Safe.” ani Jose “Pero ang nakakatuwa, pagkadating namin dito para namang napipi si Warren.” asar ni Jace Lumingon silang lahat kay Warren. Tahimik nitong inubos ang wine saka tumayo. “Ewan ko sa inyo.” Sabay akyat, hindi na lumingon. Sa Kwarto ni Matteo. Pagpasok ni Ehm sa silid ay naabutan niyang nakatalikod si Matteo, tinatanggal ang mga butones ng suot nitong polo. Tahimik siyang lumapit at niyakap ito mula sa likod. "Galit ka ba sa 'kin?" malambing niyang bulong. Wala siyang natanggap na sagot. "Magagalit ka pa rin ba kapag sinabi kong iiwan ko muna ang resto kina Lani at Angge?" Kinalas ni Matteo ang mga kamay niya, humarap, at niyakap siya pabalik. Mahigpit. Mainit. "Ayoko lang na may mangyari sa inyo ng baby natin," sagot ni Matteo, bakas sa tono ang pag-aalala. "Opo," ngiti ni Ehm. "Kaya 'wag ka nang magsungit ha? Nababawasan ang kagwapuhan mo." "Impossible 'yan," tugon ni Matteo, saka siya binuhat na ikinagulat ni Ehm. "Matteo!" sigaw niya, natatawa. Hindi na siya pinakawalan. Dinala siya nito sa kama kung saan muling pinagsaluhan ang gabing may paglalambing at di pa rin tiyak na damdamin. Kinabukasan sa Almusal. Magkakasamang nag-aalmusal sina Ehm, Matteo, ang kanilang mga kaibigan, at si Mamita Barbara, ang abuela ni Matteo. "Warren, samahan mo nga ang mga bisita natin mamaya mamasyal sa isla," utos ni Barbara. "Talaga po? Ayos!" excited na sabi ni Angge. "Bakit ako?" reklamo ni Warren. "Busy ka ba?" tanong ng abuela. "Pwede naman kami ni Jace, Mamita," alok ni Jose. "Oo nga po, mas masaya ang company nila," sabat ni Lani na may ismid pa. "Are you saying I'm boring?" asik ni Warren. "Guilty ba?" balik ni Lani. "Totoo naman, 'di ba?" "Lani, wag dito," bulong ni Angge, na parang gustong lamunin ng upuan. "Magkakilala ba kayo?" tanong ni Jose, kunwari inosente. "Hindi!" sabay na sigaw nina Lani at Warren. "Hay, nakakawala ng gana!" iritang sabi ni Warren, inilapag ang kubyertos at tumayo. "Excuse me," aniya at humalik sa pisngi ng abuela bago tuluyang lumayo. "Hah! Mas siya ang nakakawala ng gana!" iritadong sabi ni Lani. "Lani…" awat ni Ehm. "Please." Napahiya si Lani at napayuko. "Pasensya na po." "Magkakilala ba kayo ng apo kong si Warren, iha?" tanong ni Barbara. "Ho?" gulat na tugon ni Lani. "Schoolmates po sila noon sa college," salo ni Angge. "Masaya 'to," ani Jose. Pero bago pa ito makapagpatuloy ay tinamaan siya ng ubas mula kay Warren. Alam ko na 'yang utak mo," seryoso ang boses nito. Nasalo naman ni Jose ang ubas at kinain na parang walang nangyari. Sa Villa ni Matteo. Habang nagpapahinga ang iba, sinama ni Matteo si Ehm sa isa sa mga villa ng pamilya sa isla Barbaridad. Pagpasok nila sa isang exclusive subdivision, manghang-mangha si Ehm. "May ganito pala rito?" "Yeah. Kami-kami lang ng mga pinsan at kapatid ko ang may-ari ng bawat villa. Hati-hati kami sa dalawang daang ektarya." "Parang isang buong barangay!" natatawang sambit ni Ehm. "Hindi pa lahat may bahay. Lupa pa lang. Pinatayuan namin 'pag kaya na." "So… handa ka na?" tanong ni Ehm, may kilig sa tinig. Ngumiti si Matteo, hinalikan ang kanyang kamay, at hinila siya papunta sa likod ng villa. Sa tuktok ng burol ay may gazebo at swing, tanaw ang karagatan. Parang postcard ang tanawin. "Nagustuhan mo ba?" "Oo naman! Parang ayoko na umalis." "Don’t worry. Soon… we’ll start our family here." Masayang niyakap ni Ehm si MAtteo. Iyon ang pangarap niya ang magkaroon ng masayang pamilya. Hindi mahalaga kung nasaang istado ng buhay. Ang mahalaga sa kanya ay kasama nya si Matteo. Sa Gubat ng Isla Habang naglalakad sina Lani at Angge pauwi, gabing-gabi na at madilim ang paligid. "Wala man lang tricycle dito?" reklamo ni Angge. "Akala ko malapit lang," tugon ni Lani. "Sa pagkaka turo satin ni aling Marta parang malapit lang. Samtalag kanina pa tayo naglalakad dito." Biglang napakapit si Angge sa kanya. "Paano kung may—" "Shhh! 'Wag kang ganyan," nanginginig na rin si Lani. "Tinatakot mo pa ako e, pareho na nga tayong matatakutin." Sa sala ay naroon sina Matteo, Ehm, at ang buong pamilya. Nagaalala sa nawawalang sina Lani at Angge. "Ano sabi, Matt?" tanong ni Ehm, kinakapitan ang dibdib. "Wala raw sa daan patungong pantalan," sagot ni Matteo. "Pasensya na po," sabi ni Marta. "Baka di nila nasunod ang tinuro kong shortcut." "Kung saan-saan mo naman sila dinala Marta tapos nagawa mo pang iwan," ani Barbara. "Hindi kaya nahulog na sila sa bangin? Malalalim-- ?" usisa ni Marta. "Marta!" sigaw ni Barbara Biglang nanghina si Ehm at napahawak sa sintido. Inalalayan siya agad ni Matteo at pinaupo. Maya maya ay may dumating na sasakyan. Tatlong sasakyan ang huminto sa harap ng mansion. Bumaba ang mga pinsan ni Matteo—Joaquin, Warren, Jameson, Cain, at Hunter. Buhat-buhat ni Joaquin si Angge habang si Lani naman ay bumaba mula sa sasakyan ni Hunter. "Ano nangyari?" tanong ni Ehm. "Natapilok si Angge. May humarurot na sasakyan kaya kami nagulat," sagot ni Lani at sinulyapan si Warren. "Sorry, Mamita," sabi ni Warren. "Hindi ko akalaing may maglalakad doon ng ganung oras." "Wala ka bang mata?" bulong ni Lani. Tiningnan siya ni Warren. Matatalim ang tingin nila sa isa’t isa, parang may personal na galit. Nasa kwarto na sina Lani at Angge kung saan sila pinatuloy ay kumatok si Ehm. Pagpasok ay nagaalalang mukha ang sumungay dito. "Kamusta na kayo?" tanong ni Ehm. "Okay na kami, ano ka ba," ani Angge. "Dapat ang iniisip mo ay ang bridal shower mo bukas," sabat ni Lani. "Pero ang paa mo, Angge—" "Nurse ako, girl. Warm compress lang katapat nito." "Tama na, relax ka na. Kami ang bahala bukas," dagdag ni Lani. Ang hacienda de Barbaridad ay tila isang paraisong sinadya para sa gabi ng selebrasyon. Sa gitna ng hardin na pinailawan ng libu-libong fairy lights at mga chandelier na isinabit sa mga sanga ng puno, ginanap ang isang eleganteng dinner party para kina Matteo at Ehm. Walang engrandeng programa, walang malalakas na tugtugin. Sadyang intimate at classy—eksaktong salamin ng pagkatao nila. Naroon ang mga piling kamag-anak mula sa angkan ng Montecarlo—mga personalidad na kilala sa mundo ng negosyo at lipunan. Kasama rin ang ilang kaibigan nina Ehm at Matteo na mas pinili ang tahimik na selebrasyon kaysa isang wild na party. Ang mga kababaihan ay nakasuot ng mga gown na tila hinango mula sa fashion capital, habang ang mga kalalakihan naman ay naka-formal wear na may kasamang Montecarlo crest pin. Sa isang bahagi ng hardin, nag-toast si Matteo, hawak ang kamay ni Ehm. "Sa simula ng bagong kabanata. Sa pamilya, sa tiwala, at sa walang hanggang pag-ibig," sabi ni Matteo habang nakatitig kay Ehm. "At sa lalaking hindi ko inakalang magiging tahanan ko," malambing na dagdag ni Ehm na siyang ikinatuwa ng lahat. Sa gabing iyon, walang social media. Walang intriga. Tanging pagmamahalan at katahimikan ang nangingibabaw. Sumapit ang pinakahihintay na araw—ang kasal nina Matteo at Ehm. Sa gitna ng harding nasa tabi ng dalampasigan, ginanap ang seremonyang tila eksena mula sa isang pelikula. Ang mga bisita ay nakaupo sa mga hilera ng puting silya na may dekorasyong ivory roses at eucalyptus leaves. Isang kwartet ang tumutugtog ng klasikong musika habang dahan-dahang lumalakad si Ehm sa gitna ng aisle na may petal runner. Naka-off-shoulder lace gown siya, na may simpleng belo na dumadaloy sa kanyang likuran. Walang makakaila—she was glowing. Si Matteo, naka-custom tuxedo na may kulay ivory na boutonniere, ay hindi maalis ang tingin sa kanya. "With this ring, I vow to be your home, your calm, your fire," bulong ni Matteo habang suot ang singsing sa kanyang daliri. At sa isa’t isa ay sabay nilang sinabing, “I do.” Ang Reception Pagkatapos ng seremonya ay tumuloy ang lahat sa isang grand ballroom ng resort, na may floor-to-ceiling glass walls at tanaw ang dagat sa gabi. Ang dekorasyon ay halo ng gold, cream, at blush tones. May jazz band sa isang dulo, habang wine and champagne ay walang patid na dumadaloy. Nagkaroon ng father-daughter dance, isang simpleng speech mula sa ama ni Matteo, at isang pasabog na duet mula kay Jace at Jose. Sa isang sulok ng ballroom, nandoon sina Lani at Warren na nag-uusap na tila nag-uumpisa na muling kilalanin ang isa’t isa. Si Angge naman ay aliw na aliw sa pakikipagkulitan kay Joaquin. Pagdating sa villa ay tila buong mundo ay tumigil. Ang mga kandila sa kwarto, ang petal trail sa sahig, at ang malambot na linen ng kama ay tila inaanyayahan silang kalimutan ang lahat. Habang marahan nilang hinuhubad ang mga suot, ay hindi ito naging mapusok kundi puno ng init at pagnanasa. Isang uri ng halik na puno ng kasiguruhan. Isang uri ng pagniniig na hindi lamang katawan ang nagtatalik, kundi ang mga damdaming matagal nang nagtutugma. “Sa wakas, asawa na kita,” bulong ni Matteo habang hinahaplos ang likod ni Ehm. “Simula pa lang ito,” sagot ni Ehm, habang nakayakap sa kanya. Isang Buwan Pagkatapos ng Kasal Mabilis lumipas ang mga araw. Sa isang buwan ng kanilang pagsasama, marami na silang natuklasan sa isa’t isa. Kapag nasa Maynila si Matteo, madalas ay solo si Ehm sa villa. Doon niya sinimulan ang muling pag-aayos ng ilang bahagi ng property. Sa tulong ni Manang Marta at ng ilang staff, unti-unting binigyang buhay ni Ehm ang kanilang tahanan. Minsan ay dinadalaw siya ng mga magulang ni Matteo, lalo na si Amelia na tila unti-unti na ring nahuhulog ang loob sa kanya. Madalas ay magkasama silang nagkakape sa veranda ng villa. "Magiging mabuti kang ina," sabi ni Amelia isang hapon habang pinagmamasdan nila ang dagat. Napangiti si Ehm. Hindi man direktang sinabi, alam niyang tinatanggap na siya nito bilang manugang. Minsan naman ay siya ang dumadalaw sa Maynila, nagtatanghalian kasama si Matteo o tinutulungan ito sa ilang charity events ng Montecarlo Group. Ngunit sa likod ng katahimikan, may mumunting takot na bumabalot sa puso ni Ehm—dahil sa likod ng marangyang buhay, tahimik na pamilya, at mga halik ni Matteo… ay hindi pa rin niya naririnig mula sa labi nito ang salitang “mahal kita.” Maagang umalis si Matteo kinabukasan para asikasuhin ang isang meeting sa Montecarlo main office sa Maynila. Naiwan si Ehm sa villa, pero ngayong maganda ang pakiramdam niya, naisipan niyang sorpresahin ang asawa. Bago siya umalis, sinigurado muna niyang ayos ang lahat sa villa. Naka-maxi dress siyang kulay ivory, at kahit medyo kita na ang baby bump, kitang-kita pa rin ang natural glow niya bilang isang buntis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD